Chapter 21

21 1 0
                                    

BIEN'S POV

Nagising ako ng maaga at hindi na ako nakatulog pang ulit. Nag chachat yung mga classmate ko sa GC na ngayon daw sila magpapa enroll. Ang alam ng iba kong classmate ay lilipat na ako dito para magkasama na kami ni Lex.

Pero nagdadalawang isip pa yung mga magulang ko kaya sa mga barkada ko nalang sinabi na "baka" hindi matuloy.

Napatingin ako sa kwarto nila mama sa pagbukas ng pinto nila. Nakabihis ng lumabas si papa at nagtimpla ng iinumin niya.

"Ano san ka mag eenroll?" Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni papa.

"Pa gusto ko sana dito, kaso iniisip ko kasi yung SPS gusto ko pa po magswimming. Wala naman pong SPS dito" sagot ko.

"Ok. Pasama ka nalang kay mama mamaya magpaenroll."

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako at naexcite sa sinabi ni papa. Akala ko hindi siya papayag na bumalik pa ako ng Saint Academy.

Namili na ako kaagad ng susuotin ko at dumiretso na ng banyo para maligo. Narinig ko naman ang pagbukas ng kwarto ko at alam ko namang si mama lang yon kaya di na ako umimik.

Matapos ng isang oras kong pagaayos at ni mama ay pinag drive na kami ni papa papunta sa Saint Academy.

Dumaan pa sa kung san san si papa bago kami halos makapunta ng Saint academy.

Nag chat ako sa GC namin kung nasa school pa raw sila at sabi naman nila ay nasa school padaw sila atnakapila palang.

2pm na kami ni mama nakarating ng Saint Academy. Hinanap ko kaagad sa pila yung mga classmate ko at hinila kaagad ako ni laine para makasingit.

Nagsitawanan naman kaming magkakaibigan at nag usap ng kung ano anong mga katangahan habang inaantay namin na umusad yung pila.

"Ay bro sayang! Di mo naabutan si cind dito kanina" sabay tawa naman ni Eila

Nag apir pa sila ni Laine. At nakitawa yung iba kong barkada.

"Ang gagu mo bro sinayang mo si Cind edi sana pinaubaya mo na sa akin" singit naman ni Darlen.

Si darlen alam kong hanggang ngayon may gusto parin siya kay cind.

"Gagu" sabi ko nalang at umiwas na ng pila.

"Bakit? Natapos naba sila nagpaenroll?" Tanong ko kahit nakatalikod na ako sa kanila.

"Oo, nung pagdating mo, kakaalis alis lang nila"

May panghihinayang akong naramdaman pero isinantabi ko yung nararamdaman ko dahil ayoko na siyang guluhin, alam kong masaya na siya. 



Cind's pov

Alas 6 ng napagdesisyunan kong umuwi.

"Ok ka na? Sure ka?" Paninigurado sa akin ni lady

"Yup. Ako na bahala" ngumiti nalang ako at sumakay na sa sasakyan nila.

Doon na lang ako nagpababa sa Mall dahil nagtext rin sa akin si mama na magkita daw kami sa mall para kumain at mamili ng mga kailangan namin ng kapatid ko para sa school.

Habang nasa byahe parin ay hindi ko parin maisipan na mag isip kung ano ang gagawin ko.

Bumaba na ako sa sasakyan at nagpasalamat na tsaka ako dumiretso sa greenwich ng mall.

Maraming students ang kumakaen kasama ang mga kaibigan nila. Siguro katatapos lang nila magpa enroll.

Napalingon na lamang ako sa grupo sa side ng mga magkakaibigan na tawa ng tawa at naagaw ng atensyon ko ang isang babae na parang si BIEN?!

Sila Eila ang grupo nayon at parang si Bien yung babae na nakatagilid na tumatawa din.

Hindi ko sigurado kung siya nga yon dahil nakatagilid. Pero may kakaiba akong naramdaman. Umiling na lamang ako dahil siguro dahil sa pagiisip ko sa kanya e kung sino sino nalang yung napagkakamalan kong siya.

Umupo na ako sa lamesa nila mama at sinabi ko kay mama kung ano ang order ko.

Habang nag aantay ng order ay panay lang ang texan naming dalawa ni PJ pero this time iba ang pakiramdam ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o kung aaminin ko ba kay PJ yung nararamdaman ko o ano.

15 mins pa ng dumating yung order namin at sinimulan na naming kumaen. Pagkatapod kumaen ay kaagad kaming nagpunta sa NBS para mamili ng mga pangangailangan sa school.

Iginugol namin ang oras namin ang paghahanap at pagbili sa mga kailangan sa school at pati narin sa bahay.

9pm na ang oras ng nakalabas kami sa mall. Pagod na pagod na yung katawan ko at ang gusto ko na lamang gawin ay mahiga at mapagpahinga naman yung utak ko muna kahit ilang oras lang.

Pagdating sa bahay ay umakyat ako kaagad sa kwarto ko at dumiretso sa banyo. Ilang minuto rin muna akong nagbabad sa banyo para mag isip uli. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang iwas ko sa pag iisip kusa at kusa ko siyang naiisip.

30mins din siguro akong nagbabad sa CR tsaka ako lumabas para magbihis. Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto ko pero kinuha ko pa yung laptop ko para manuod na lamang ng movie.

Nanuod ako ng 3 movie. Tsaka ko in check yung phone ko. Madami na akong notiffs sa twitter kaya naisipan ko na bakit hindi ko kalikutin ang twitter ko.

2am na at pagod na pagod na yung katawan ko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Nag tweet ako ng "2am and still thinking of you" tsaka ko nilapag sa dibdib ko yung cellphone ko at huminga ng malalim.

Maya maya pa nakaramdam ako ng sunod sunod na vibrate ng cellphone ko nag reply lang pala si eila, laine at darlen sa tweet ko.

Pero isang tweet lang galing sa isang tao ang nakapag pagising sa puso ko.





"Tulog na, wagna masyado mag isip"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm InLove with a Stupid LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon