CHAPTER 1

11 1 1
                                    

I woke up in my huge and comfortable queen size bed. I checked the time and it's already 6:30am that's why I got up on my bed and proceed to my comfort room. Ginawa ko na ang ritual ko like, brushing my teeth and doing my skin care routine. After those rituals nagpunta na ako sa walk in closet ko at nagtingin na ng gusto kong isuot. After a minute of deciding if ano ang isusuot ko today, napagpasiyahan ko na isuot na lang ang simple red dress and my red sandals na regalo sa akin ni Daddy when I was 18 years old (in my debut party).

I decided na bumaba na sa kitchen and tinulungan ko na din sila Manang Linda to prepare our breakfast. When we already finished cooking our breakfast (fried rice, hotdogs, tocino, bacon, eggs, toasted bread, and pancake) we also arrange it in our grand table and nagtimpla na din ako ng black coffee for daddy, iyon kasi ang favorite coffee niya. I also made my mom's favorite, cappuccino and of course my milk. When we finished preparing the breakfast nagpaalam na ako kay Manang Linda para gisingin na sila Mommy and Daddy. By the way, it's Sunday today kaya medyo late na eh hindi pa gising sila Mom and Dad.

"Mom, Dad wake up. Ready na po ang breakfast." marahang tawag ko kila Mommy and Daddy with matching marahang pagyugyug sa kanilang mga balikat.

Nagmulat na ng mga mata si Daddy at agad siyang ngumiti noong makita niya na ako ang gumigising sa kanila ni Mommy. Ganoon din naman ang ginawa ni Mommy at agad nila akong hinila sa gitna nila at agad niyakap.

"Good morning, Princess." masayang bati ni Dad sa akin sabay halik sa nuo ko at kiss naman sa chick ni Mommy. I really idolized their love for each other, dahil kahit malaki na ako at umi-edad na sila mahal na mahal pa din talaga nila ang isa't isa at talagang makikita mo sa mga mata nila na mas lalo nilang minamahal ang isa't isa habang tumatagal. Makikita mo din sa kanilang mga mata na kontento o higit pa sa kontento sila sa isa't isa.

Sana kapag magmamahal man ako, sana ganito din kami kila Mommy at Daddy simula sa simula ng relationship namin hanggang sa pagtanda namin.

After ng ganap namin sa kwarto nila mommy bumaba na muna ako at inintay ko na lang sila dito sa grand table namin. Nagsimula na din akong inumin ang gatas ko kasi medyo lumalamig na. Maya-maya lang din ay bumaba na din sila Mommy at nakabihis na din sila at nakapagligo na din.

Nag-usap lang kami ng konte about sa study ko and sa business (kay mommy) at sa politics (kay dad) and nagsimula na kaming kumain.

"Nga pala, hija balita ko kay Mrs. De Guzman na malapit na ang graduation niyo." Simula ni Daddy.

"Yes, Dad. One week na lang po ang class namin and magtatapos na po ang school year namin. Graduate na po ako after this coming week. And of course ako po ang expected to get the highest rank dahil matataas po ang mga nakuha kong scores and grades last semester." Nakangiting anunsyo ko sa kanila. Agad naman nagkatinginan sila mom and dad at agad silang nagkindatan. Ano kayang binabalak nila Mommy?

Pagkatapos naming kumain ay inakit muna ako nila mommy na pumunta sa sala at medyo naging seryoso na sila. Ano naman kaya ang iniisip nila mommy?

"Anak, huwag ka sanang mabibigla, okay? Ang lahat ng ito ay para sa iyo. Kaya namin iyon nagawa ay para sa ikabubuti mo." Mahinahon na sabi ni Daddy, naguluhan naman ako at nagsimula ng mangunot ang nuo at magsalubong ang kilay. Tungkol saan ang sinasabi ni Dad?

"Bakit naman po ako mabibigla, Dad? Tungkol po ba saan ang sinasabi niyo?" Naguguluhan man at kinakabahan sinikap ko pading pakalmahin ang sarili ko para makapag-usap kami ng maayos nila Daddy.

"William, I think this is not the right time for us to tell it to our daughter. Nag-aaral pa siya. Hindi ba pwedeng intayin muna natin na maka-graduate siya bago natin sabihin sa kaniya?" Kinakabahan at medyo aligaga ang kilos at pananalita ni mommy, lalo lang nadadagdagan ang kaba ko habang tumatagal. Napaayos na ako ng upo sa inuupuan kong single sofa. Makikita mo naman na tensyunado sila Mommy at Daddy sa pagkakaupo nila sa L shape sofa.

"Hindi, Jessica. We need to tell her immediately dahil iyon ang hiling ni Vice-president Sudalga." Agap naman ni Daddy at agad siyang lumapit sa akin at lumuhod sa carpet at agad hinawakan ang aking kamay. "Anak, kailangan mo na kasing makasal sa ikalawang anak ni Vice-president Sudalga sa pinakamadaling panahon dahil gustong-gusto ka talaga niya para kay Marco. Alam ni Vice-president Sudalga na nais ng magpakasal ni Marco sa girlfriend niya pero ayaw ni Vice-president Sudalga sa babaeng gusto ni Marco." Napatulala ako dahil sa sinabi ni Daddy, wala akong masabi. Parang hindi nagfu-function ang utak ko ngayon.

"B-but, Dad... What about my study?" "Ni hindi ko pa nga po nakikilala ang sinasabi niyo na Marco." Naguguluhan na na sabi ko dahil gulong-gulo na talaga ako dahil sa mga sinabi ni Daddy.

"Bheatrizze, hija. 'Wag kang mag-alala, sinabi ko na iyon kay Vice-president Sudalga at pumayag naman siya na tapusin mo muna ang pag-aaral mo bago kayo magpakasal ni Marco. At tungkol naman sa hindi mo pa nakikilala si Marco, makikilala mo din siya this coming week."  Paliwanag ni Daddy.

"Pasensya ka na anak, nagbanta din kasi si Vice-president Sudalga na gagawin niya ang lahat para hindi ako manalo sa susunod na halalan at hihigpitan nila ang businesses ng mommy mo kapag hindi ako pumayag." Marahan at nakikiusap paring paliwanag ni Daddy.

"Pero, Dad... Hindi niyo po muna sinabi sa akin bago kayo pumayag." Maluha-luha kong sabi kay Daddy. Bakit naman kasi hindi muna sa akin kinonsult ni Daddy before sila mag-decide for us, diba? What if hindi mag-work? What if...? Ah, ewan. I am becoming speechless because of these things na nalaman ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan kong single sofa at agad na yumuko kila Mommy at Daddy as a sign na need ko munang makapag-isip-isip. Agad na akong umakyat sa kwarto at nagkulong na muna doon. Ni-lock ko din ang pinto at agad na sumampa sa kama ko. Kailangan kong pag-isipan ang sinabi ni Daddy.

What will I do? If ever na magmamatigas ako at hahayaan ko na lang na gawin ni Vice-president Sudalga ang banta niya kay Daddy kaya ko bang tiisin ang magiging epekto nito kila Mommy at Daddy? Kaya ko ba? Naguguluhan ako sa gagawin kong desisyon. Napakadami ko pang gustong gawin after graduation. Ang dami ko pang pangarap at ang pagpapakasal ay masasabi kong napakaseryosong bagay at kailangang pag-isipan at paghandaan. Kinakailangan din na mahal mo ang papakasalan mo upang magkaroon kayo ng magandang pagsasama sa paglipas ng panahon. Ano nang gagawin ko?

                                      ~~~To be continued~~~

Written by:
shelterinlove25

LIPS OF AN ANGEL |R-18|Where stories live. Discover now