After ng party umakyat na kami nila Daddy sa taas at dumiretso na mana ako sa kwarto ko. Pinahatid na din ni Mommy sa kwarto ko iyong mga gifts na na-receive ko galing sa kanila ni Daddy, sa mga classmates at friends ko gayon na din iyong mga gifts galing kay Vice-president Sudalga at Marco.
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko dahil nakapagligo at nakapagbihis na din naman ako ng pangtulog. Napatingin ako sa regalo na galing kay Marco, na-curious ako if ano kayang laman noon kaya bumangon muna ako sa pagkakahiga at agad na kinuha iyon sa table na pinagpatungan nila Manang Linda. Ano naman kaya ang laman nito?
Tinanggal ko na iyong balot na maroon wrapper at nakita naman ang midnight blue na kaheta, maliit lang iyon. Binuksan ko na kasi talagang nacu-curious ako if anong laman. Nang buksan ko na namangha ako sa nakita kong gold necklace na may pendant na name ko. Bheatrizze tapos sa tigkabilang tabi ng name ko may maliit na symbol ng tulips. Ang cute! Tulips is really my favorite and I'm very much happy kahit na sasabihin ng iba na maliit na bagay lang naman. Pero, kasi... Ang cute lang nito.
Dahan-dahan ko ng tinanggal sa kaheta at isinuot ko na din sa leeg ko. Napatingin ako sa vanity mirror ko at hindi ko napigilang mapangiti, saktong-sakto lang ang size niya sa leeg ko. Bagay na bagay din dahil nag-compliment iyong gold necklace sa maputi kong balat.
Matapos ang tagpong iyon nagpasya na akong matulog na kasi anong oras na din at maagap pa ako bukas for work. Baka bukas after work ko na lang buksan iyong iba pang gifts.
Kinabukasan maagap akong gumising at naghanda para sa first day of work ko sa opisina. Nakapagligo at nakapagbihis na din ako, naglalagay na lang ng konting make-up para hindi naman mukhang putla ang face ko sa work. Tapos ko na ding ayusan ang buhok ko, nilugay ko na lang ang shoulder length kong buhok at kinulot ko na lang ang ibabang bahagi noon saka ko nilagyan ng spray net. Mabilis kasing natatanggal ang pagkakakulot ng buhok ko kapag walang spray net, siguro dahil sa naturally straight naman talaga ang buhok ko simula pagkababy.
Naglalagay na ako ng hikaw na gold na may design na tulips (super minimal design of tulips) nang makarinig ako ng marahan na katok sa labas ng pinto ko.
"Bheatrizze, hija? Tawag ka na ng mommy't daddy mo. Bumaba ka na daw." Marahang tawag ni Manang Linda. Matagal na sa amin si Manang Linda, simula pagkababy ko nandito na siya, siya ang nag-alaga sa akin noong baby hanggang noong bata pa ako. Hindi kasi si Mommy makakapag-alaga sa akin noon 24/7 dahil madami siyang lakad at busy siya sa business.
"Sige po, Manang. Bababa na din po ako." Medyo pasigaw kong sagot para marinig niya, nakasara pa din kasi ang pinto at mahina na din ang pandinig niya dahil sa edad niya. Hindi na binuksan ni Manang ang pinto kaya ako na ang nagbukas at dinala ko na din ang midnight blue shoulder bag ko para diretso na ako mamaya sa opisina.
"Mabuti na lang pala at ready ka na, hija. Napaka-ganda talaga ng alaga ko at napaka-bait pa." Nakangiting sabi sa akin ni Manang, hindi ko naman napigilang ngumiti sabay yakap sa kaniya.
"Napaka-sweet pa din gaya noong bata pa." Dagdag ni Manang at niyakap niya ako pabalik. "Oh tama na, hija. Baka magusot ang damit mo." Marahang saway ni Manang at bahagya niya na akong inilayo.
"Okay lang po, Manang. Hindi po 'yan basta-basta magugusot." Nakangiti kong tugon sa kaniya sabay pasada ng tingin sa royal blue midi dress na suot ko ngayon with black belt. Ngumiti naman si Manang at inaya na niya akong bumaba.
Pagkarating namin sa dining table, bahagya akong napatigil ng makita ko sa hapag si Vice-president Sudalga na masayang nakikipag-kwentuhan kay Daddy at napansin ko naman na may isa pang lalaki na nakaupo sa mesa patalikod sa kinatatayuan ko.
"Narito ka na pala, hija. Upo ka na." Nakangiting bati sa akin ni Daddy sabay turo sa bakanteng upuan na katabi ng lalaking nakatalikod sa pwesto ko kanina. Nag-angat naman siya ng ulo at nakita ko na si Marco pala ang lalaking 'yon.
"Good morning, Dad, Mom. Vice-president Sudalga... Marco" Lumapit na ako kay Mommy at Daddy saka nag-kiss sa chick nila. Bumaling naman ako kila Vice-president Sudalga at Marco saka tumango. Ngumiti at tumango sa akin si Vice-president Sudalga bilang tugon samantalang si Marco naman ay tumingin at tumango lang.
Umupo na din ako sa bakanteng upuan na katabi ni Marco saka nag-umpisa ng sumubo ng tinapay. Tinapay na lang ang kakainin ko dahil umaga pa lang naman at may cafeteria naman sa opisina kaya doon na lang ako kakain mamaya.
"Bheatrizze, hija. Kahit Papa na lang ang itawag mo sa akin dahil nalalapit na din naman ang kasal niyo ni Marco." Napatigil ako sa pagsubo ng tinapay dahil sa sinabi ni Vice-president Sudalga, hindi pa din talaga fully registered sa utak ko na ikakasal kami ni Marco.
"Pero, Vice-president Sudal------" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na si Vice-president Sudalga.
"Sige na, hija. Regalo mo na lamang sa akin." Naglalambing na sabi ni Vice-president Sudalga. Napatingin naman ako sa katabi ko pero pa-snob lang niyang inalis ang tingin sa akin at agad na kinuha ang cellphone sa bulsa ng coat niya. Nakita ko na nagtitipa siya ng reply sa recipient na Kat (with heart ang name)
From: Kat ♥️
Babe, matagal ka pa ba diyan?To: Kat ♥️
It will be done in a minute, babe.Iyon ang nabasa ko, napaiwas naman ako ng tingin at medyo nakaramdam ng kakaibang feeling sa dibdib ko. Para saan naman kaya 'yon? Nagtatakang tanong ko sa sarili tapos hinayaan na lang. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko kay Vice-president Sudalga at sumagot ng...
"Si-sige po, P-Papa." Hindi sanay at nauutal na sagot ko sa kaniya. Agad namang lumaki ang mga ngiti niya ganon din sila Mommy at Daddy.
Agad naman akong napabaling sa katabi ko ng agad siyang tumayo at inayos niya na ang tuxedo niya. "I have to go, Pa. I have an urgent meeting to the office." Seryosong paalam ni Marco. Bumaling siya kila Mommy at Daddy. "Mauuna na po ako. Thank you po for the delicious breakfast." Nakangiti at polite niyang paalam kila Daddy.
Tumango naman sila Mommy, Daddy at Vice-president Sudalga kay Marco at tuluyan na siyang lumabas ng mansion.
Urgent meeting sa office? Baka kay Kat? By the way, who's Kat? Is that his girlfriend na gusto niyang pakasalan? Malamang sa malamang iyon na 'yon, Bheatrizze.
~~~To be continued ~~~
Written by:
shelterinlove25
YOU ARE READING
LIPS OF AN ANGEL |R-18|
RomanceWarning: |R-18| Bheatrizze Montecarlos is a sweet and caring daughter of Senator William Montecarlos and Jessica Hidalgo-Montecarlos one of the most well known businesswoman in the entire Philippines, they have a good and stable life. They are not l...