Matapos naming mag-breakfast nagpaalam na din ako kila Mommy at Daddy na papasok na ako sa opisina. Dumiretso na ako sa black Honda Civic kong kotse, this is also one of the gift that mom and dad gave me when I turned eighteen. Two years na din sa akin ang kotseng 'to pero mukhang bagong-bago pa din dahil talagang maalaga ako sa mga gamit ko.
After fifteen minutes nakarating na din ako sa SCC. Magalang na bumati sa akin ang dalawang guard na nasa entrance kaya nakangiti ko din silang binati.
"Good morning po, Ms. Bheatrizze!"
"Good morning din po."
Dumiretso na ako sa front desk at agad din naman silang bumati sa akin ng nakangiti. Si Dad talaga, I think sinabihan niya talaga ang mga employees to approach me as if ako ang may-ari ng SCC. Siya kasi ang nagpasok sa akin dito, after I graduated.
"Good morning, Ms. I am Bheatrizze Montecarlos, the new architect and interior designer, I would like to ask if saan kaya ang office ko?" Magalang na tanong ko.
"Yes, Ms. Bheatrizze we know you po. We are already informed by our CEO that this will be your first day of working here in SCC. Sunod po kayo sa akin." Magalang na sagot niya sa akin, bumaling naman siya sa isa pang babae sa front desk at tumango dito, tumango din naman ito saka niya ako iginiya sa isang elevator sa kaliwang parte ng building na may nakalagay na for CEO only.
Kinabahan naman ako bigla, bakit dito kami sasakay sa elevator na 'to? If ang nakalagay dito is for CEO only nasaan ang elevator for employees? Bakit naman kasi dito? Huhuhu
"Ahm, Ms. bakit dito tayo sa elevator na 'to sasakay?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya.
"Dito ka po talaga palagi sa elevator na ito sasakay, Ms. Bheatrizze. Iyon po kasi ang utos sa amin ng CEO kaya iyon po ang dapat naming sundin." Magalang na sagot niya at nakangiti pa din. Saka niya na ako iginiya papasok sa loob at sumunod na din siya.
"Okay." Iyon na lang ang naisagot ko at bahagyang napa-nod.
"By the way, Ms. Bheatrizze, ako nga po pala si Mia. Kahit Mia na lang po ang itawag mo sa akin." Nakangiti pa din na sabi niya sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon at sumagot ng...
"Kahit Bea na lang ang itawag mo sa akin." Tumango naman siya sa akin ng nakangiti.
"Sige po, Ms. Bea."
~Ting~
Tunog ng elevator hudyat na nandito na kami sa destinasyon namin. "Andito na po tayo, Ms. Bea. Nga po pala andito po tayo ngayon sa 30th floor kung saan naroon ang CEO's office dahil gusto ka pong makausap ng CEO." Imporma sa akin ni Mia. Tumango naman ako at sumunod na din sa kaniya. Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto na may nakalagay na CEO'S OFFICE.
Ilang segundo lang ay may sumagot na na boses matanda.
"Papasukin mo na siya." Tumango naman sa akin si Mia as a sign na pwede na akong pumasok."Mauna na po ako, Ms. Bea. Kapag po may kailangan kayo tumawag na lang po kayo sa intercom sa opisina ng CEO." Nakangiting paalam ni Mia. Tumango naman ako sa kaniya at nag-thank you.
Pumasok na ako sa loob ng opisina at namangha ako sa napakalawak, napakalinis at organized na opisina. Grabe ang lawak nito, ang lawak din ng bintana at kitang-kita ang labas na punong-puno ng naglalakihang mga buildings. I can already imagine how beautiful this scenery is kapag gabi na. Paniguradong napakaganda nito kapag madilim na at buhay na ang mga ilaw ng bawat establishments.
Huli na ng matuon ang pansin ko sa swivel chair na nakaharap sa malawak na bintana at nakaupo ang matandang lalaki na parang pamilyar sa akin ang bulto. Humarap siya at laking gulat ko ng mapagtanto kung sino siya.
"Welcome to Sudalga Construction Company, hija. Have a seat." Nakangiting bati ni Papa (Vice-president Sudalga) itinaas niya pa ang tigkabilang kamay niya upang ipakita kung gaano ako ka-welcome sa SCC. Nagulat naman ako because I didn't expected that this is their company. Oo nga pala at bukod sa Vice-president siya ng bansa ay isa din siyang napakayamang businessman.
Hindi naman kasi sa akin sinabi ni Daddy noong nag-usap kami na sa company pala ni Papa niya ako ipinasok as one of the new architect and interior designer here sa company. Agad akong umupo sa clients chair.
"Papa, paano pong?" Hindi pa din ako makapaniwala na siya ang kaharap ko ngayon.
"Ano ka ba, hija? Relax, ako ang nangulit sa Daddy mo na dito ka na lang niya papasukin sa kompanya lalo pa't nangangailangan kami ng magaling na architect at interior designer ngayon. Saktong-sakto naman at iyon ang tinapos mong kurso, plus mas magkakaroon kayo ng time na magkasama lagi ni Marco." Mahabang paliwanag ni Papa, medyo nawala naman ang kaba na nararamdaman ko dahil komportable din naman talaga ako kay Papa dahil matagal na siyang kaibigan ni Daddy, lalo nga lang napadalas ang punta niya sa bahay dahil sa nalalapit na kasal.
"Thank you po for this opportunity, Papa." Sinsero kong sagot sa kaniya. Tumango-tango naman sa akin si Papa habang nakangiti.
"Wala iyon, hija. Alam ko din na may kasalanan ako sa'yo dahil biglaan ang plano namin ng daddy mo tungkol sa kasal ninyo ni Marco. Maunawaan mo sana ako, hija. Matanda na ako at may nararamdaman na din, kinausap na ako ng doktor ko tungkol sa sakit ko sa puso at sinabi niyang hindi niya na masasabi kung hanggang ilang taon na lang ang itatagal ko dito sa mundo." Malungkot na sabi niya, nagulat naman ako dahil sa mga rebelasyon na nalaman mula sa kaniya. Hindi ko napigilan ang mga luha na namuo sa aking mga mata na dumaloy sa aking tigkabilang pisngi.
So, all this time ganoon pala talaga ang napag-usapan nila ni Daddy? Dahil konti na lang ang natitirang sandali kay Papa dito sa mundo? Bakit hindi nila agad sinabi sa akin? Akala ba nila babalewalain ko lang ang plano nila kapag hindi nila sinabi sa akin ang totoo?
Lalong bumagsak ang mga luha ko sa tigkabilang pisngi dahil sa mga naisip. Napahikbi na din ako dahil hindi ko na mapigil ang kumakawalang damdamin ko ngayon.
"Hija, 'wag kang umiyak. Pasensya ka na at naiipit ka sa desisyon namin ng Daddy mo. Alam ko kasing magiging isa kang mabuting asawa at ina sa mga magiging supling ninyo ni Marco. Ayaw kong maiwan siyang mag-isa sa mundong ito kapiling ang babaeng inaakala niyang makakabuti sa kaniya. Maunawaan mo sana ako, hija." Agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa swivel chair at inalo ako na hindi parin mapigil ang paghikbi dahil sa mga nalaman.
"Alam kong matututunan din ninyong mahalin ang isa't isa ni Marco. Hindi man sa ngayon dahil nabubulag pa siya kay Katrina pero alam kong darating ang panahon na maamahalin ninyo ang isa't isa." Dagdag niya habang patuloy akong inaalo.
"Naiintindihan ko po, Papa. Hindi ko po kayo bibiguin, gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para sa ikakapayapa ng loob niyo at sa ikabubuti ng pagsasama namin ni Marco." Desidido kong sagot sa kaniya. Ayoko siyang bigyan ng kalungkutan sa mga natitira niyang taon dito sa mundo.
~~~To be continued~~~
Written by:
shelterinlove25
YOU ARE READING
LIPS OF AN ANGEL |R-18|
RomansaWarning: |R-18| Bheatrizze Montecarlos is a sweet and caring daughter of Senator William Montecarlos and Jessica Hidalgo-Montecarlos one of the most well known businesswoman in the entire Philippines, they have a good and stable life. They are not l...