Sinukatan lang kami at nag fit na din ng mga gowns sila Mommy at Manang Linda para sa susuotin nila sa gaganaping kasal bukas. Ganoon din ang ginawa nila Daddy, Papa at Marco.
Matapos naming magsukat ng mga gagamitin namin sa kasal ay inimbitahan na din nila Mom sila Papa at Marco gayon na din ang mga stylist at iyong mga dumating na na mga photographer para daw sa gaganaping prenuptial photoshoot na kumain na muna ng lunch. Inabot na din kasi kami ng tanghali dahil sa mga measurements namin at sa pagsusukat na din ng iba pang ready made na na gowns and tuxedos na fit naman for our sizes.
"Hindi na muna kayo pupunta sa opisina simula ngayon hanggang sa pagkatapos ng kasal ninyo, hija, hijo." Panimula ni Papa.
"Oo nga naman, Marco, Bea. Gamitin niyo muna ang mga ilang araw or even a whole week for your honeymoon." Dagdag naman ni Dad. Agad siyang sumulyap sa amin ni Marco. Muntik na akong mabulunan sa kinakain kong caldereta dahil sa sinabi ni Dad.
Nagkatinginan naman kami ni Marco dahil doon at agad na lamang akong nag-iwas ng tingin sa kaniya kasi ramdam ko ang pag-iinit ng tigkabilang pisngi ko dahil sa narinig. Baka mamaya pulang-pula na ang tigkabilang pisngi ko. Nakakahiya!
"I guess we don't have to do that, Dad. Okay naman na po kami ni Bheatrizze kahit wala ng mahabang vacation sa work after ng kasal." Marcos response and he eyed me as if telling me to agree to what he said. Agad ko namang nakuha kung ano ang nais niyang sahibin kaya...
"Ah eh, Dad, Papa. I think okay naman na po kami ni Marco kahit after the wedding is diretso work na po kami." Medyo awkward kong susug sa sinabi ni Marco just to assure our parents that we're good even without a long vacation.
Nagkatinginan silang lahat.
"Kayo talagang mga bata kayo, kayo ang bahala if that's what you want. Basta huwag kayong mahiyang mag-file ng leave for vacation if you want." Medyo nakangising sabi ni Papa sa amin. Kumindat pa siya kay Marco.
Nag-iwas naman ng tingin si Marco kay Papa at sumubo na lang. Ganoon na lang din ang ginawa ko. Sila Papa talaga, akala mo naman talagang need pa namin ng vacation just to do that eh alam naman nila if what's the truth between me and Marco.
Nakita ko naman na madalas na sumusulyap sa akin si Marco. Ano naman kayang problema niya sa akin? May dumi ba ako sa mukha? Or did he have something on his mind that he wants to tell me? Ewan. Bahala siya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain hanggang sa matapos na ako. Nagpaalam na ako na aakyat na muna ako dahil ang sabi ng photographer ay need na din naming gawin iyong photoshoot habang maganda pa ang lighting sa garden.
Sa garden daw kasi kami kukunan for the photoshoot. Maganda kasi ang garden dito sa mansion, malawak at punong-puno ng magagandang bulaklak.
Tapos na akong maligo at nakasuot na ako ng puting roba at nakapalutpot na din ng puting tuwalya ang buhok ko ng makarinig ako ng katok sa pinto. Pagkabukas ko ay nakita ko na si Manang na may hawak-hawak na white gown. Ito iyong gown na pinasukat nila sa akin kanina. So, this is the gown that I'm going to wear for todays photoshoot? Okay, maganda naman talaga at bagay na bagay nga din talaga sa akin. Mahaba din iyon dahil sumasayad sa sahig kapag naisuot na. Iyong para bang mga ginagamit sa magagarbong kasal.
Napansin ko din iyong dalawang stylist sa tigkabilang tabi ni Manang. May mga dala silang bag, siguro doon nakalagay iyong mga gagamiting make-ups.
"Tuloy po kayo, Manang." Nakangiting sabi ko sa kaniya at tumango sa dalawang stylist. Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto at agad naman silang pumasok sa kwarto ko.
"Wow! Ang lawak naman po ng kwarto mo, Ms. Bea." Namamanghang turan ng babaeng stylist habang iginagala sa buong kwarto ko ang mga mata. Bahagya naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. Malawak kasi talaga itong kwarto ko kahit mag-isa lang naman ako. May walk-in closet, banyo, malawak na kama, ang malaki kong study table na ginagamit ko noong nag-aral pa ako na gagamitin ko na ngayon kapag nagde-design ng mga plates sa work at marami pang iba.
"Ano pa bang aasahan mo sa nag-iisang anak nila Senator William at sa super successful businesswoman na si Ma'am Jessica, Sara? Ikaw talaga." Medyo nang-iinis na sabi noong beki na stylist doon sa tinawag na Sara.
"Hindi lang ako makapaniwala, Marky. Grabe ka naman, normal lang naman ang reaction ko." Nanghahaba ang nguso na sagot ni Sara kay Marky.
"Oo na, girl. Enough na, ayusan na natin si Ms. Bea para makapag-start na sila sa photoshoot sa baba." Sabi ni Marky. Agad naman na tumango si Sara.
"Sige, sige. Hindi naman tayo mahihirapang ayusan si Ms. Bea dahil super ganda niya na talaga." Papuri ni Sara sa akin.
"Upo ka na po, Ms. Bea. Kami na pong bahala sa look niyo today." Masiglang turan ni Marky with matching clap pa ng hands niya.
Umupo na naman na ako sa tapat ng malaking vanity table/vanity mirror ko. Agad naman silang nagsimulang ayusan ako.
After nila akong ayusan tiningnan ko na ang ayos ko sa vanity mirror at agad akong napangiti dahil ang ganda ng pagkakaayos nila sa akin. Simple lang siya pero ang elegant at the same time, may mga glitters pa silang inilagay sa may pisngi ko. Ang ganda! Meron ding glitters sa naka-french style braid na buhok ko at ang perfect lang tingnan noon sa akin. Tinulungan na nila akong isuot iyong gown and also iyong heels na gagamitin ko. And tadaaaaa! Perfect!
"Wow! Sobrang ganda mo po talaga, Ms. Bea!!!" Matinis na sigaw ni Marky with matching clap na naman ganoon din si Sara. Hindi ko na napigilang ngumiti dahil sa mga reaction nila.
"Thank you. Hindi naman sobrang ganda." Nahihiyang sagot ko sa kanila.
"Naku, Ms. Bea. Diyan po kayo nagkakamali. Dapat nga po nag-model na lang kayo dahil napakaganda niyo po talaga. Para kayong diyosa na may pagkamala-anghel." Agad naman na sabi ni Sara.
"Tama sila, hija. Napakaganda mo talaga, magmula pagkabata hanggang ngayon." Pagsang-ayon din ni Manang, hinawakan niya pa ang kanang kamay ko saka ako niyakap. "Paniguradong malalaglag ang panga ni Marco kapag nakita ka na niya mamaya." Kumalas na si Manang sa pagkakayakap sa akin at kinindatan ako.
"Malabo pong mangyari ang sinabi niyo, Manang." Medyo malungkot kong sagot kay Manang. Siguro if iba ang papakasalan ko at kung mahal ako ng papakasalan ko, kaso... hindi. May mahal siyang iba at napilitan lang siyang pakasalan ako. Hindi ko alam kung bakit siya pumayag na pakasalan ako pero isa lang ang sigurado ako... May mahal na siya at hindi ako iyon kundi si... Kat.
Agad ko nang hinamig ang nararamdaman ko na hindi ko malaman. Basta ang alam ko lang mabigat sa dibdib. Agad akong ngumiti dahil ayaw kong bigyan si Manang ng isipin.
"Baba na po tayo?" Pag-aaya ko sa kanila para hindi na magtanong pa si Manang tungkol sa sagot ko sa kaniya. Tumango naman sila at tinulungan nila ako sa dulo ng gown ko, super haba din kasi talaga.
Pagtingin ko sa baba nakabihis na din si Marco. Nakaupo naman sila Mom, Dad at Papa sa sofa. Si Marco ay nakatayo suot ang kaniyang black slacks and white inner shirt at white tuxedo, sa kaniya namang paa ay nakasuot siya ng black leather shoes. Maayos din ang pagkakaayos ng kaniyang buhok. Napansin ko na ang tagal ng pagkakatingin niya sa akin. Simula pagkakita niya sa akin sa dulo ng grand staircase hanggang sa makababa na ako ng hagdan ay nakatingin parin siya sa akin.
OMG! Don't tell me, Manang is right? OMG! This can't be real, Bheatrizze! Don't assume. He have someone else. And that someone is the one he loves and the one who he wants to marry and live with for the rest of his life. Napilitan ka lang niyang pakasalan. Guard your heart dahil hindi ka niya sasaluhin kapag na fall ka. Piping pakiusap ko sa aking sarili.
~~~To be continued~~~
Written by:
shelterinlove25
YOU ARE READING
LIPS OF AN ANGEL |R-18|
RomanceWarning: |R-18| Bheatrizze Montecarlos is a sweet and caring daughter of Senator William Montecarlos and Jessica Hidalgo-Montecarlos one of the most well known businesswoman in the entire Philippines, they have a good and stable life. They are not l...