CHAPTER 5

6 1 0
                                    

Wala pa ako sa right state ko dahil panay pa din ang hikbi ko kahit na hindi na naman din ako lumuluha kaya panay pa din ang marahang tapik sa akin ni Papa. Nakasandig ako sa may tiyan niya habang marahan niyang tinatapik ang likudan ko gamit ang kanang kamay niya at ang kaliwa naman ay marahang humahaplos sa aking ulo, para akong isang paslit na napakalaki ng dinadamdam kung kaya't inaalo siya ng kaniyang ama.

Ganon ang pwesto namin ng bigla na lamang may nagbukas ng pinto ng pabalya. Sabay kaming napalingon doon ni Papa at ang imahe ni Marco ang nakita namin, kunot na kunot ang nuo at pawang nagmadali base sa marahas na paghinga niya na makikita mo sa paggalaw ng kaniyang mga balikat at dibdib.

"Damn it, Papa! I can't believe you are really doing it! Kaya ba gusto mong pakasalan ko siya? Para ano? Para malaya kayong makapagkita at magkasama sa iisang lugar? Or worst sa iisang bubong?" Galit na galit na sigaw niya sa amin. Agad akong napaayos ng upo gayon din si Papa, nangunot ang kaniyang nuo at nagsalubong ang mga kilay senyales na hindi niya din maintindihan kung ano ang ipinaparatang ng anak niya sa amin.

"Ano bang sinasabi mo, hijo? Maghunos dili ka sana sa mga binibitawan mong mga salita, anak. Nagkakamali ka sa iyong mga iniisip at hindi din maganda ang mga nabubuong agam-agam sa iyong isipan." Nagugulumihanan parin si Papa nang lumapit siya kay Marco at hinawakan niya ito sa braso at balikat senyales na gusto niya itong pakalmahin.

"Anong nagkakamali ako, Papa? Hindi pa ba sapat ang nasaksihan ng aking mga mata? What do you think of me? A fool? Bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa kaniya tutal naman ay---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil agad nang umigkas ang kamay ni Papa sa kaniyang kanang pisngi. Bahagyang napabaling pakaliwa ang kaniyang mukha marahil ay dahil na din sa lakas ng impact ng sapak ni Papa sa kaniya.

"Think what you want to think, Marco! Basta ang lahat ng ito ay para sa ikabubuti mo. At saan mo nga pala nalaman at narinig ang mga ganiyang bagay tungkol sa amin ni Bheatrizze?" Galit na tanong ni Papa kay Marco pawang nasagad na ang kaniyang pasensya dahil sa mga binitawang paratang ni Marco tungkol sa amin.

"Para sa ikakabuti ko? Huh! Just to inform you Papa, usap-usapan na ng ibang empleyado. At ganoon din ang naiisip ni Katrina tungkol sa inyong dalawa. Talaga bang para sa ikabubuti ko ang iniisip mo o para sa ikabubuti ninyong dalawa?" Patuyang turan ni Marco sabay baling ng mata niya galing kay Papa papunta sa akin.

"Katrina again? Mas papaniwalaan mo pa ba siya kesa sa akin? Gaya ng sinabi ko, Marco. Lahat ng ito ay para sa ikabubuti mo, at think what you want to think. Sana lang ay hindi ka magsisi sa mga pinapaniwalaan at binibintang mo." Parang nanghihinang sabi ni Papa, bahagya niyang sinapo ang kaniyang dibdib dahilan para tumayo ako sa pagkakaupo ko at inalalayan siyang umupo sa sofa sa may kaliwang bahagi ng opisina.

"Matutuloy ang kasal ninyong dalawa ni Bheatrizze kahit na anong mangyari, Marco." Pahabol na sinabi ni Papa kay Marco. Napatingin naman ako sa may banda ni Marco at nag-iwas lamang siya ng tingin saka lumabas ng opisina at malakas na isinara ang pinto.

"Okay lang po ba kayo, Papa? Huminahon po muna kayo, baka po makasama pa sa puso ninyo ang pag-iisip ng sobra." Pinapanatiling kalmado ang sarili kahit na gusto ko ng mag-panic para lang hindi lalong mag-isip si Papa tungkol sa mga paratang ni Marco. "Ikukuha ko lang po muna kayo ng tubig." Tumango naman siya ng dahan-dahan kaya tumayo na ako at saka pumunta sa labas ng opisina. Paglabas ko saka ko lang napansin na nasa labas ng opisina si Mia nakaupo siya sa isang swivel chair at nakaharap sa kaniyang pink laptop sa ibabaw ng isang mesa.

Hindi ko napansin kanina na may lamesa pala dito sa labas ng opisina ni Papa, marahil ay dahil sa tensyon at kaba ko kanina bago ako pumasok sa office ni Papa. Saka ko lang narealize na hindi pala sa front desk ang trabaho ni Mia kundi Secretary ni Papa, baka inutusan lang siya ni Papa kanina na sunduin ako sa front desk para dalhin dito upang sabihin sa akin ang dahilan ng nalalapit na kasal.

Lumapit na ako sa table niya at agad namang nag-angat ng tingin sa akin si Mia at ngumiti siya sa akin. "Miss Bea, ikaw po pala. Tapos na po kayong mag-usap ng CEO?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Yes, Mia. Itatanong ko lang sana kung saan makakakuha ng tubig? Kailangan lang ni Papa." Medyo nag-aalangan na tanong ko kay Mia, hindi ko na sinabi na kailangan ni Papa ng tubig dahil sa nangyari kanina sa loob.

Agad namang tumayo si Mia sa swivel chair niya. "Samahan ko na po kayo sa pantry, Ms. Bea." Agad naman akong tumango sa kaniya at iginiya niya na ako sa may kanang part ng 30th floor. Nakita ko na naman ang pantry at agad niya ng kinuha ang isang pitsel ng tubig at baso saka inilagay sa isang tray.

"Ako na ang magdadala, Mia. Mauna na ako, thank you." Inabot niya naman sa akin iyong tray at saka tumango. Nagmadali na akong pumunta sa opisina ni Papa at dahan-dahan siyang pinainom ng tubig. Tinanong ko din si Papa kung saan nakalagay ang gamot niya, tinuro naman niya sa akin sa ikalawang drawer sa table niya.

Matapos kong mapainom ng gamot si Papa ay inalalayan ko muna siyang mahiga sa long sofa dito sa office at hinayaan muna siyang magpahinga. Umupo naman ako sa isa pang sofa sa kaharap na sofa ng hinihigaan ni Papa. Kinuha ko ang cellphone ko to text Daddy na nandito pa ako sa opisina ni Papa. Maya-maya lang ay naka-receive na ako ng response mula kay Dad.

From: Daddy
Kumusta ang first day mo sa SCC, Princess?

Agad naman akong nagtipa ng response kay Dad.

To: Daddy
Okay lang naman po, Dad. Kaso may nangyari pong hindi maganda dito sa office ni Papa. Nagkasagutan po sila ni Marco kaya naman po pinakalma at pinainom ko na po muna siya ng gamot.

From: Daddy
What happened, Princess? Okay na ba ngayon si Erick?

To: Daddy
I will tell you the whole thing later, Dad. At okay na naman po ngayon si Papa.

From: Daddy
Okay, Princess. Take care.

After the conversation with Daddy napunta na ang isipan ko sa nangyari kanina dito sa opisina. Hindi ko lubos na maunawaan kung bakit naging ganoon ang mga iniisip ni Marco tungkol sa amin ni Papa. Alam ko naman na ayaw niya din sa aking magpakasal dahil may girlfriend na nga siya or soon to be finance pa nga at gusto niya na itong pakasalan. I just can't believe that he will think that way and accused us that we have something ni Dad romantically just so he can stop the nearing wedding between the two of us. I just hope that all of these things will be resolve one of these days. I am starting to get tired hindi pa man nagsisimula ang pagsasama namin ni Marco.

                                    ~~~To be continued~~~

Written by:
shelterinlove25

LIPS OF AN ANGEL |R-18|Where stories live. Discover now