CHAPTER 9

15 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa garden ng mansyon at nagsisimula na kaming kunan ng mga pictures ni Marco para sa prenuptial photoshoot namin. May hawak akong white bouquet of tulips sa dalawa kong kamay at nasa likudan ko naman si Marco, nakayakap siya sa akin at hawak niya din ang kamay ko na nakahawak sa bouquet. Iyon ang isa sa mga shot na gustong kunan ng mga professional photographer na kinuha nila Mommy.

Kung may makakakita ng pose namin na ito aakalain nila na talagang comfortable at gusto namin ang isa't isa, ang kaso... Ang lahat ng ito ay pretentions lang. Madami kaming ginawang pose at naging maayos naman ang lahat parang napakanatural lang ng lahat but the truth is it's not. I know that Marco is just doing this for the things that he agreed with Papa and I don't have any idea about it. Labas na ako doon, I am doing this for Papa's sake and for the friendship of the two family, Montecarlos-Sudalga.

"And it's a wrap! Grabe napakagaganda ng mga nakunan naming pictures niyo, Ms. Bea and Sir Marco." Masayang anunsyo ng head photographer at masaya namang nagpalakpakan ang iba pang member of their team ganoon na din sila Mommy, Daddy, Papa and Manang Linda.

"Halatang-halata po sa inyong mga mata, ngiti at gestures kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa, Sir Marco. Congratulations in advance po for your wedding tomorrow." Nakangiting bati naman ng lalaking photographer sabay kamay sa amin ni Marco. Nagtagal ang tingin niya sa akin gayon na din ang shake hands na tinanggal naman agad ni Marco.

"Thank you for the well done work, everyone. We are happy that you did your best to give us the perfect prenup shoot." Seryoso ang mukha ni Marco noong inalis niya ang pagkakakamay sa akin noong photographer pero agad nagbago iyon noong nagsimula na siyang magsalita, naging maaliwalas at nakangiti na siya. Nasa tagiliran ko din ang kaniyang kanang kamay.

What's on his act now? Acting as a possessive husband, huh? Mabuti sana kung totoo, eh ang kaso hindi naman. Baka kung kay Kat pa, 100% legit and authentic lahat ng gestures niya kaso ako 'to eh. Kaya paniguradong puro palabas lang ang lahat. Napakagaling niyang umarte.

Lumapit na sila Mommy sa amin at agad kaming kinongratulate para sa successful photoshoot. Nagpaalam na sila Mommy na pakakainin daw muna nila ang mga staff sa photoshoot then saka na nila ihahatid sa gate ang mga ito kaya kaming dalawa na lang ni Marco ang naiwan sa garden.

Inalis niya na ang kamay niya sa bewang ko at lumayo naman ako sa kaniya. Umupo ako sa white bench dito sa garden. Napatingin ako sa naggagandahang mga bulaklak dito sa garden, lalo na sa paborito kong bulaklak---ang white tulips. Pinataniman nila Daddy ng mga white tulips dito sa garden dahil isa ito sa mga nagiging reliever ko kapag may times na need ko ng pahinga sa architecture course ko.

Napabaling ako sa nakatalikod na si Marco. "Bakit mo pa ginawa iyong kanina?" Panimulang tanong ko, mahinahon pa din as usual. Nakuha ko ang atensyon niya at agad siyang humarap sa akin.

"Ang alin? Ang tanggalin ang kamay mo sa lalaking photographer na iyon?" Seryosong patanong na sagot niya sa akin.

"Yes, Marco. I think you don't have to act like that." Sagot ko sa kaniya.

"Act like that? Act like what?" Mapaklang sagot niya.

"Acting like a possessive husband, Marco." Mapakla na ding sagot ko sa kaniya.

"Well, I am not acting as a possessive husband, Bheatrizze. Because I am really a possessive soon to be husband of yours. I want what is mine to be mine only, Bheatrizze. Walang aagaw." Seryosong turan ni Marco napakalapit niya na din sa akin, sa lapit ng distansya namin sa isa't isa ay lalo pa siyang lumapit to the point that we only have an inches as our distance from each other then he whispered on my left ear...

"Ang akin ay akin, Bea. Kapag akin na, wala ng makakaagaw pa kahit sino pa iyon. I don't share what's mine. Always remember that." Nang sabihin niya iyon sa akin ay agad nagtindigan ang mga balahibo ko sa balat. Those words sent shivers to my spine, especially the way he said those words. His voice is also husky. Parang may nagliparan na mga paru-paro sa aking tiyan dahil doon.

After he said those words to me umalis na din siya sa garden at naiwan na lamang akong tulala doon sa kinauupuan kong bench.

What does he mean by those words? Paano niya nasabi ang ganoong mga salita kung siya nga ay mayroong babae sa tabi niya, and take note that girl is not even an ordinary girl in his life kasi siya ang gusto niyang pakasalan kung hindi lang ako ang napiling ipakasal sa kaniya nila Papa. Nasisiraan na ba siya? Not that I want to cheat to him while we are on this marriage, but you know, I guess he doesn't have the right to say that just because he will be my husband tomorrow because in the first place it should be me saying those words to him.

Dahil sa aming dalawa, siya ang may nakareserba sa tabi. Nag-iintay lang ng timing nilang dalawa para magsama.

Sa isiping iyon agad akong nawalan ng gana, parang tumabang ang pakiramdam ko. Ayoko nang isipin pa ang tungkol doon, as long as na hindi malalaman nila Mommy, Daddy, Papa at ng iba pa. Okay lang. 'Wag lang din nilang ipakita sa akin dahil hindi ko alam kung hanggang saan lang din ako.

Nagising ako sa pag-iisip ng maramdaman ko na may tumabi sa akin sa bench, it's Manang Linda.

"Bheatrizze, anak. Parang napakalalim naman ata ng iniisip mo. May nangyari ba habang nasa loob kami kanina?" Mahinanong tanong ni Manang.

"Wala naman po, Manang. Iniisip ko lang po ang tungkol sa mangyayari bukas." Nakangiting palusot ko kay Manang, ayoko na silang bigyan pa ng isipin nila Mommy.

"Naku, huwag mo ng kaisipin iyon, hija. Alam ko naman na ikaw ang magiging pinakamagandang babae bukas. Tingnan lang natin kung hindi pa din magkagusto sa'yo si Marco. Paniguradong marami ang manghihinayang dahil kasal ka na, wala na silang chance. HAHAHA" Pabirong usal ni Manang na nakapagpatawa na din sa akin.

"Si Manang talaga." Napa-pout na lang ako saka bahagya pa ding natawa.

"Halika na sa loob, hija. Gabi na at baka malamigan ka pa dito sa labas. Bukas na pa naman ang pinaka-espesyal na araw sa iyong buhay." Seryosong sabi ni Manang saka niya na ako inalalayang tumayo sa bench at saka na kami pumasok sa loob ng mansyon.

Nang makapasok na kami sa bahay ay natagpuan namin sila Mommy at Daddy sa hapagkainan kasama sila Marco at Papa na kumakain na. Agad akong pinaupo nila Mommy at Daddy sa bakanteng upuan sa tabi ni Marco. Nagsimula na din akong kumain kahit parang busog pa ang pakiramdam ko sa sandaling iyon.

Matapos naming kumain, nagpaalam na din si Papa na uuwi na din sila para maagap din silang makarating sa mansyon dahil magre-ready pa din sila sa mga kakailanganin bukas sa kasal.

"Paano, kumpadre? Mauuna na kami ni Marco, magkita-kita na lamang tayo sa simbahan bukas." Si Papa kila Mommy and Daddy.

"Mauuna na kami, hija. Good luck and congratulations in advance for your wedding day tomorrow. Huwag mo akong bibiguin, huh?" Marahang turan sa akin ni Papa habang nakangiti, agad siyang lumapit sa akin at yumakap ganoon na din kay Papa at tinapik-tapik nila pa ang isa't isa sa kanilang mga balikat.

"Mauuna na po kami, Tita, Tito." Paalam din ni Marco kila Daddy.

"Sa iyo din, Bheatrizze. See you tomorrow." Iyon lang at umalis na sila ni Papa. Hinatid na lamang namin sila ng tingin palabas ng gate hanggang sa makaalis sila ng mansyon.

"Magpahinga na din tayo, hija. Maagap pa tayo bukas." Nakangiting sabi ni Mommy, saka na kami pumunta sa mga kwarto namin.

I hope everything will be fine.

                                     ~~~To be continued~~~

Written by:
shelterinlove25

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LIPS OF AN ANGEL |R-18|Where stories live. Discover now