CHAPTER 7

5 1 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay agad kong nakita sila Mommy at Daddy sa sala. Seryoso silang nag-uusap at ng mapalingon sila sa pintuan at makita ako ay agad silang tumayo at agad akong niyakap.

Si Daddy ang unang nagsalita.

"Are you alright, Princess?" May pag-aalala sa boses niya ng tanungin niya ako. Bahagya naman akong ngumiti to assure them that I'm alright.

"I'm good, Dad. Don't worry too much. Ikaw din, Mom. Okay lang po ako." Mas ngumiti pa ako sa kanila saka ako humalik sa tigkabila nilang pisngi. Tumango naman sila at umupo na kami sa sofa. Magkatabi sila sa L shape na sofa, while I am seating to the single sofa katapat ng sofa na kinauupuan nila.

"That is good to hear, hija. Nag-alala kami ng Daddy mo." Nakangiti na na sabi ni Mommy.

"By the way, hija. Gusto sana naming sabihin sa'yo na two days na lang ay wedding day niyo na ni Marco." Medyo may pag-aalangan na pagsisimula ni Daddy ng bagong topic. Hindi na naman ako nabigla dahil inaasahan ko na 'yon. Ang sabi nga nila eh after ng graduation ko and masaya pa din ako na three days ko pang mae-enjoy ang buhay ko bago ako magpakasal kay Marco.

"Okay lang po. As long as para sa ikabubuti ng lahat." Sinsero kong sagot kay Daddy sabay ngiti kay Mommy. Basta para sa ikabubuti ng lahat.

"I already chose the wedding planner and wedding designer na hahawak sa kasal niyo, Bea. I already sent you the sample designs, themes and ideas na pwede niyong pagpilian ni Marco. Pati na rin ang mga make-up artists at hairstylelist. Kayo na lang ang pumili sa gusto niyong theme, gowns, rings, etc." Update ni Mommy. Napangiti ako dahil napaka-hands on naman ni Mom for this coming wedding. Ang saya ko na sana talaga kung ang papakasalan ko ay mahal ko at mahal din ako. Kaso... hindi.

"Thank you, Mom, Dad." I sincerely said it with them and hugged them tightly. I am really lucky to have them as my parents.

"You're always welcome, Bea." -Mom

"You're always welcome, Princess. And always remember that we are always here for you, whenever and wherever you need us." Maluha-luhang sabi ni Daddy. Gusto kong maiyak pero hindi. Kayang-kaya ko 'to. I won't cry.

After that talk with Mom and Dad we decided to have our dinner. We also discuss the things that happened the whole day in our workplace and we're good. Nagpasya na akong magpaalam na kila Daddy na uuna na akong tumaas dahil titingnan ko na iyong mga example designs and ideas for the incoming wedding and they agree to me naman.

Naligo lang ako and did my skin care routine. I also blowdried my hair para kapag inantok na ako ay diretso tulog na lang. Kailangan ko lang tapusin lahat ng mga kailangan sa wedding day para hindi na ako mamo-mroblema pa sa mga susunod na araw. May mga iba pa kasi akong kailangang gawin sa trabaho kaya kailangan na hindi mahati ang oras ko sa trabaho at sa personal na gawain.

After the things that I have for the designs and things na need gamitin sa mismong wedding ay sakto naman na napahikab na din ako, siguro dahil na din sa antok. Napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko at nakitang 11:35am na din pala. Napasobra na ako sa oras at narealize na enough na muna 'to for tonight dahil okay na rin naman. Iyong mismong sukatan na lang ng mga susuotin para sa groom, bride, bridesmaid, best man, kila Mommy, Daddy, Papa at sa flower girl at ring bearer.

Kinaumagahan nagising ako dahil sa marahang yugyug at tawag sa akin ni Manang Linda. Agad naman akong nagmulat ng mga mata dahil anong oras na din pala at papasok pa ako sa work. It's already 7:30 in the morning and I'm still here sleeping comfortably in my bed.

"Bheatrizze, hija? Bangon ka na, nasa baba si Marco at Vice-president Sudalga. Ngayon na daw kayo susukatan para sa mga susuotin niyo sa kasal." Magiliw na sabi ni Manang. "Dalagang-dalaga na talaga ang alaga ko, dati rati hinihele pa kita para lang makatulog tapos ngayon ikakasal ka na. Good luck sa buhay may asawa ninyo ni Marco, anak." Nakangiti pa din pero may nangingilid nang luha sa mga mata ni Manang Linda. Ngumiti naman ako sa kaniya ng marahan at yumakap ako sa kaniya ng patagilid. I miss to hug her. Especially kapag ganito na madami akong pinagdadaanan at gusto kong may mapagsabihan pero dahil naniniwala naman ako that I can already deal with all of these challenges then I guess I don't need to bother them anymore.

"Thank you po, Manang. I think we can have a good married life naman po despite of not loving each other from the start naman po." Nginitian ko siya habang sinasabi iyon para mapanatag siya kahit na wala din talaga akong kasiguraduhan if ano ang kahihinatnan ng mga nangyayari ngayon sa mga susunod pa.

"Sana nga, hija." Tumango pa si Manang sa akin at marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Mag-ready ka na, hija. Sasabihin ko na lang sa kanila na naghahanda ka na para sa pagsusukat ng mga gowns sa baba mamaya." Pahabol ni Manang at tumayo na siya sa kama ko.

"Sige po." I answered.

Pagkalabas ni Manang ay nagsimula na din akong maghanda. After kung maligo at mag-skin care, nagbihis na lang ako ng isang simpleng maroon fitted dress and nagsuot ng Lui Vuitton flat sandals. Hinayaan ko na lang ding nakalugay ang aking shoulder length hair and just leave it like before, straight sa kabuoan except sa mismong padulo.

Pagkababa ko sa grand staircase bumulwag na sa akin sila Mom, Dad, Papa, mga stylist and si Marco. Nagawi ng medyo matagal ang mata ko kay Marco. Naka-white button down shirt siya na naka-tackin sa kaniyang slacks, naka-bukas ang tatlong butones ng kaniyang white polo shirt na nagbigay sa kaniya ng rough and serious aura as usual. Naka-rolled din sa kaniyang tigkabilang siko ang mga manggas niyon. Nakabrown leather shoes at maayos pa din ang pagkakahawi ng buhok. Parang napaka-fress niya palagi ah. Kung sa bagay, need laging magmukha at maging fresh dahil sa kaniyang Kat.

"Good morning, hija!" Magiliw na bati nila Mom, Dad, at Papa. Ngiting-ngiti sila sa akin at sinalubong pa ako ng hug at beso. Ganon din ang ginawa ko sa kanila.

"Good morning din po." I greeted them back and the stylist started to have my measurements. May pinasukat din sila sa akin na wedding gown.

When I am already wearing it in the walk-in closet at tiningnan ito sa full body mirror namangha ako dahil sukat na sukat na talaga sa akin iyon, samantalang kaka-kuha pa lang naman ng mga measurements ko. It has a heart shaped neckline ang it hugged my boobs in a good way, lalo lamang nitong na-define ang mayayaman kong hinaharap. Ganoon din sa curves ko sa katawan. Mahaba din ito at talagang puno ng mga mamahaling mga hiyas, parang sa mga dramas lang. Ang ganda!

Lumabas na ako sa walk-in closet para ipakita sa kanila if okay lang. Agad nag-angat ng mga ulo sila Mom, Dad at Papa ganoon na din ang mga stylist na kinukunan din sila ng mga measurements nila. Samantalang si Marco ay nanatiling nakayuko sa kaniyang cellphone, napapakunot pa ang kaniyang nuo habang nagpipindot doon.

"Wow, you looked like a living doll, Princess!" Daddy complimented me and the amazement is really visible in his eyes ganoon na din ang mga stylist.

"Bagay na bagay sa iyo ang dinisign namin na gown, Ms. Bheatrizze. Ang ganda-ganda mo po."

Marami pa akong narinig na mga papuri sa kanila, ramdam ko na nagbu-blush na ako dahil sa mga compliments nila and I can say that I am really appreciating all of it.

"Thank you po."

Napalingon ako sa may banda ni Marco at nakita ko na nakatingin na din siya sa akin. Hawak pa din niya sa kaniyang kamay ang cellphone niya pero wala na doon ang mga mata niya, nasa akin na. Kitang-kita sa mga mata at reaction niya that he is also amazed and mesmerized on how I look now that I am already wearing this gown.

Pero ilang segundo lamang nag-last ang titigan namin dahil agad niya nang ibinalik sa phone niya ang atensyon niya. Or baka naman imagination ko lang 'yon? Huhuhu still nakaka-conscious ang mga titig niya sa akin. Nahuli ko na naman kasi na nakatingin siya sa akin. OMG! What is this feeling inside my heart? Parang may naghahabulan na hindi ko malaman sa loob nito. Gayon na din sa aking sikmura, parang napakaraming mga paru-paro ang nagliliparan sa loob niyon. What the? Don't tell me this is the feeling when... you know... Iyong mga nababasa ko sa mga romantic novels and sa mga napapanood ko sa mga dramas. No! I am sure this is not. I hope this is not.

                                    ~~~To be continued~~~

Written by:
shelterinlove25

LIPS OF AN ANGEL |R-18|Where stories live. Discover now