Chapter 42

568 7 3
                                    

Chapter 42





Sandra







"Mommy..." 'yan agad ang bungad sa'kin, pagkapasok ko sa kwarto kung saan si shiloh. Lumapit agad ako at mahigpit na yakap ang binigay ko sa anak ko. Gusto ko mang umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko, ayokong ipakita kay shiloh ang kahinaan ng loob ko.



"Hey! Baby... Mommy is here na, i miss you..." Sabi ko habang yakap ko pa rin ang anak ko. Hindi sumasagot si shiloh, pero nanatiling nakayakap ito sa'kin. Mukhang ayaw na akong bitawan.



Sobrang payat na ni shiloh, halos wala na rin itong buhok, at ang labi at katawan nito ay sobrang putla. Kung minsan ay, hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Alam kong sa akin nakuha ni shiloh ang sakit na 'to, kaya dapat lang na sisihin ko ang sarili ko.



"Mommy..." Biglang nagsalita si shiloh, at kumalas ito sa pagkakayakap sa'kin. "Tired na si shiloh mommy..."



Agad ko itong binuhat at pinahiga ito sa balikat ko at niyakap ko ito ng mahigpit, hindi ko na rin mapigilan ang umiyak. Wag muna anak... Wag mo muna iwan si mommy please... Hindi ko kaya...


"I love you baby... Please... Fight for me..." Pagkausap ko sa kanya.


"I miss you... Mommy..." Mahinang sabi nito.



Hindi ko alam kung ano pa ang isasagot ko. Umiyak nalang ako at sinisiguradong hindi ako maririnig ni shiloh.




"Baby you want to see baby theron right?" Tanong ni tj. Nararamdaman ko ang pagtango ni shiloh bilang sagot nito sa tanong ng daddy nya. "Then you need to strong and healthy, because baby theron is waiting for you."





Nakatulog na si shiloh sa balikat ko habang buhat ko ito. Dahan dahan kong inilapag si shiloh sa higaan nya.  Hindi man lang ako nakaramdam ng pangangalay. Sobrang gaan na nya.



"Kailangan daw dalhin sa ibang bansa si shiloh." Bigla akong napalingon sa sinabi ni tj.


"Ibang bansa? B- bakit daw? Para saan?"



"Sa condition ni shiloh ngayon, mas magkakaroon siya ng pagkakataong gumaling, kung sa ibang bansa, mas advance ang mga gamit nila roon."



"You mean? Ililipat natin si shiloh?" Tanong ko. "Kaya pa ba natin? May pera pa ba tayo?"



"Don't worry about the money, mas importante ang buhay ng anak natin, kung ito lang ang paraan para gumaling sya gagawin natin, sandra."



"Mas mapapalayo pa pala ako sa kanya" malungkot kong sabi. Lumingon ako kay shiloh na mahimbing na ang tulog. "Kailan ang alis nya? Sinong magiging kasama nya? Iiwan mo ang kompanya?"  Sunod sunod kong tanong sa kanya.



"About sa pag lipat natin kay shiloh, hindi pwedeng hindi kayo kasama, and about sa company? Si dad muna ang bahala. I need to focus on shiloh right now."



Si daddy nya ang bahala sa kompanya?, like nagkausap na sila? " Ok na ba kayo ng dad mo?"



Tumitig ito sa'kin, at at kay shiloh at ngumiti. "For the sake of our child."


"Ha? Bakit?"


"Humingi ako ng tulong kay dad, at ang tulong na 'yon ay ang mapagaling si shiloh. Dad give me choice, gagawin nya ang lahat para sa mga anak natin. Kapalit ng pagpayag kong makasama nila ang mga apo nila."




Can We Go Back? [ "SINFUL" Series #1 ] UN-EDITED Where stories live. Discover now