Chapter VIII
Akala namin sobrang lapit na ng tinutukoy ni Ostin pero parang wala pa nga ata kami sa kalahati. Naaawa lang ako kay Metria dahil dinadaing niya 'yong naging tama niya sa balikat kaya no'ng sinabi ko naman na magpahinga kami sandali pero hidni pumayag si Metria at sabi niya na ipagpatuloy na lang namin ang paglalakad namin dahil kung tagalin kami sa isang lugar ay baka may umatake na naman sa amin, mahirap na.
"Pagod na ako." Ani Jester. Bigla niyang nabitawan si Metria at nasalo naman siya nina Ostin at Rabi.
"Sige, saglit lang tayo ha." Ani Metria.
Inalalayan naman ng dalawa na maupo si Metria at ingat na ingat akong tumabi sa kanya dahil baka matamaan ko ang tama niya sa kanyang balikat. Medyo namumula pa ang balikat niya, dapat ako 'yong nandoon eh, dapat ako 'yong tinamaan pero sinagip ni Metria ang buhay ko. Niligtas niya ako kaya gagawin ko ang lahat para mailigtas din siya.
"Hanggang kailan ba tayo magtitiis sa kamay ng Life Taker na 'yan." Pinipigilan ko lang maiyak dahil sawang-sawa na ako. Kung pwede lang na sumuko an lang at ibigay ko na ang buhay ko sa Life Taker ay matagal ko ng ginawa pero ayoko naman na ang maging kapalit noon ay ang kaligtasan at kapayapaan ng buong mundo, hindi lang dito sa Other World kundi ang masailalim sa kadiliman ang mundo ng mga tao.
Metria comforted me. "Everything will be alright, Xana. Kailangan lang nating wakasan ang muling pananatili ng Life Taker o 'yang si Lagarto. All you need is to believe in yourself at 'wag na 'wag kang magpapahulog sa kanyang mga salita. They were all traps."
I took a deep sighed. "Mabuti nga siguro na tapusin na natin kaagad ito."
"I believe in you, Xana. I know you can do this... again," he chuckles. "Ngayon ka pa ba aatras matapos mong talunin ang Life Taker at Dark Lord? Papatalo ka pa ba kay Lagarto."
"But Lagarto is even more powerful than Life Taker."
"Pero sinabi mo diba bago tayo pumunta dito na, ibang Xana na ang masasaksihan namin mula sayo? Siguro ngayon, hindi mo pa pinapakita ang totoong lakas na tinataglay mo. Better to save it until the last." He smiles.
I nodded, "tama ka, this is not the end. I'm so sure that we might be heading to a true fight on our way."
"That's Xana Etoria." He hugged me. "Tara na." at dahan dahan naman itong tumayo.
Nabahala naman bigla ako sa kanya at napatayo na rin, "Sure ka? Kaya mo na ba talaga? We can spare some more hours para makaya mo na." pag-aalala ko pa sa kanya.
But he just smiled. "Okay na Xana, tara na." saka siya tumungo.
So nagsimula na rin kaming maglakad muli. Hindi namin alam kung hanggang saan ang lalakarin namin. Alalay pa rin ni Jester si Metria pero medyo nakakaya na rin naman ni Metria ang sarili niya. Mabuti nga 'yon for him, ayoko siyang nahihirapan because of me.
"Mukhang malapit na tayo." Napatingin naman kami kay Ostin na siyang nagmadali sa aming maglakad.
"Oo nga!" na sinundan naman ni Rabi.
Tumakbo ang dalawa pero at sumunod din naman ako at nang makalapit ako sa kanila ay nakita ko ang sinasabing Stone peak. Isang matayog na bato ang nasa gitna nang lugar na ito. Mistulang nasa gubat pa rin ang paligid ngunit sa sobrang lawak ng lugar na ito ay akala mo isang village na kagaya sa Uran pero ibahin mo 'to, isang bato lamang ang nakatayo sa gitna.
"Metria, tingnan niyo 'to!" pinagmadali ko naman silang dalawa ni Jester at nang makalapit naman sila sa tabi ko ay namangha rin sila sa nakita nila.
BINABASA MO ANG
The Life Secrecy
Mystery / ThrillerThe Life Trilogy #3 Matapos umalis at mailigtas si Jester sa Dark World ay isa na namang misyon ang kanilang gagampanan. Akala nila ay doon na magtatapos ang lahat ngunit isang pagbabalik ang kanilang hindi inaasahan. Hanggang saan nga ba hahanton...