Chapter IX
Habang nasa madilim na kweba kami at ang ilaw na nagmumula lamang sa mga kamay ni Jester at Ostin ang nagiging paraan anmin upang makita namin ang mga nadadaanan namin. At mukhang mahaba-habang daan an gaming tatahakin dahil sa ngayon, hindi kami sigurado kung nasaan na ba kami ngayon. And we're not even sure if this cave is already the Cave of Death. Ostin wasn't sure about it kasi dahil daw sa kweba ito baka, ito na nga daw pero hindi pa rin kami maninigurado habang wala kaming nakikitang pruweba.
"Mahaba pa ba 'to?" asar na sabi ni Jester. Hindi ba magbabago mood nito at lagi na lang asar or badtrip kung makipag-usap. Pero hinahayaan ko na lang din siya dahil alam kong bago sa kanya ito pero siguro hindi na naman kasi 'yong naging karanasan niya sa Dark World, oh well, wala nga pala siya sa sarili noon.
Wala pa rin akong natatanaw na ilaw o ilawanag sa dulo ng mga kwebang ito, sign na kasi 'yon na malapit na kami sa isang lugar or di kaya sa Cave of Death. Umaasa ako na ligtas at hindi sinaktan ni Lagarto ang nanay ko dahil hindi ko mapapatawad kung pati ang nanay ko ay mawala pa sa akin.
Habang naglalakad kami ay nahinto na lang din kami dahil napansin namin ang tatlong daanan ng kweba. Nagkatinginan pa kami dahil hindi namin alam kung saan kami dadaan. Hindi kami siguro kung saan papatungo ang bawat kweba na 'yan.
"May naririnig kayo?" ani ko. May napakiramdaman na naman ako kasi at sa bandang gawing kanan na daanan ay biglang nagsulputan ang mga paniki.
Nawala ang ilaw na nagbibigay liwanag sa amin at pilit naming hinahawi ang mga paniki kahit nakadapa na kami upang hindi nila kami maabot. Napapasigaw na lamang ako kapag may lalapit sa akin at kalmutin ako, gayundin ang mga kasama ko. Nakakabingi pa ang mga ginagawa nilang tunog.
Mga ilang minuto nagtagal ang paniki sa aming ibabaw at isa-isa kaming napahilata sa lupa at hingal na hingal. Muling binuhay ni Ostin at Jester ang ilaw at ang una ko kaagad napansin si Metria kaya agad koi tong nilapitan.
Ang namumula niyang balikat ay may mga kalmot ng paniki at lalong inindi ni Metria iyon.
"Metria! Metria, kaya mo pa ba?" sa totoo lang naawa na ako sa kalagayan niya pero gaya nga ng sabi ni Rabi ay hindi pwedeng pilitin na gamutin ng healing powers niya ang sugat na natamo ni Metria dahil baka lumala pa daw ito.
Pinatong naman ni Metria ang kamay niya sa balikat ko. Bakas sa mukha ni Metria ang sakit pero tinitiis niya 'yon. "A-ayos lang, Xana."
"Nahihirapan ka na." sabi ko sa kanya. "Papagalingin kita."
"Pero Xana mukhang magpapadelikado sa kalagayan niya 'yon." Ani Rabi.
Inilingan ko naman si Rabi, "Magtiwala ka sa akin Rabi, hindi ko hahayaan na lumala ang kalagayan ni Metria. At kung lakas ko man ang mabawi doon kung kay Metria lang din naman iyon gagamitin, papatusin ko na." ngiti ko pa.
Wala na namang nagawa si Rabi pero si Metria naman ang pumigil sa akin.
"Hindi mo kailangan gamitin ang lakas mo sa akin, huwag mong sayangin para lang sa akin ang lakas mo. I'm not worthy to have that."
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya, "But then you save my life once, at ako rin naman ang dapat tamaan niyan at hindi ikaw at hayaan mo na na ako ang gumaling dito." Ngiti ko pa sa kanya.
Pumikit naman ako at dinampi ko ang kamay ko sa balikat ni Metria. Nararamdaman ko na ang unti-unting paghangin sa paligid at ang pagtaas ng aking buhok, nang idilat ko naman ang mga mata ko ay nasilayan ko na lang ang unti-unting naghihilom na sugat ni Metria gawa ng lakas ko. At ng tuluyang gumaling si Metria, dahan dahan akong bumagsak at mabilis naman akong nasalo ni Metria.
BINABASA MO ANG
The Life Secrecy
Mystery / ThrillerThe Life Trilogy #3 Matapos umalis at mailigtas si Jester sa Dark World ay isa na namang misyon ang kanilang gagampanan. Akala nila ay doon na magtatapos ang lahat ngunit isang pagbabalik ang kanilang hindi inaasahan. Hanggang saan nga ba hahanton...