Chapter XX

66 4 1
                                    

Chapter XX

~Metria's POV

Nang masigurado naming nakabalik kami ng ligtas sa hide-out namin ay napa-upo na lang din ako sa sulok. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, ngayon na kinuha ni Lagarto si Xana at hindi ko alam kung saan nila ito dinala. Pero mabuti na lang ay nakalaya na si Ostin at Annera mula sa kanila pero ang mga magulang naman namin ni Shantera ang nawala.

Halos hindi ko matanggap na ito na pala ang huli naming pagkikita. Kaya mas naging determinado akong labanan si Lagarto upang maipaghiganti ko naman ang mga pinatay niyang mahal ko sa buhay.

Pansin ko naman sa mga kasama ko ang halo-halong emosyon. Si Shantera na umiiyak sa pagkawala ng magulang namin at ang sakit na iniinda niya dahil sa lakas na tinira sa amin ni Lagarto. Kahit ako, medyo masakit dahil tinamaan talaga kami. Swak na swak nga eh. Si Ostin at Rabi naman na masayang masaya dahil ayos na ulit sila. Binalingan ko naman ng tingin si Annera na gayong wala pa ring malay.

Lumapit naman ako kay Shantera para damayan ito sa pagdamdam niya sa pagkawala ng magulang namin. Hindi ko inakala na isa sila sa magiging pain ni Lagarto para sa labanang ito. Mukhang under the dark power na rin talaga sila kaya hawak na ni Lagarto ang buhay nila kaya madali lang kay Lagarto na wakasan sila.

"'Wag kang susuko, Shantera. Kaya natin 'to." Hinagod ko ang likod niya upang kumalma siya.

Niyakap naman niya ako at pinipigilan nang hindi maiyak. Kahit ako, nang makita ko ang scenario na iyon ay kulang na lang ay umagos ang luha ko pero tinatagan ko ang sarili ko na hindi mangyari 'yon pero wala pa rin akong nagawa eh.

"Kuya, wala na sila." Aniya.

"Tahan na Shantera, hindi magtatagal ang lahat ng ito. Makukuha natin ang lahat ng katarungan na dapat nakuha na natin. Hindi natin hahayaan na pati si Xana ay maging alipin niya lang."

"Gagawin natin 'to para sa magulang natin at kaligtasan ng buong mundo." Aniya.

Tumango naman ako sa kanya. "Tama ka, Shantera."

"Xana!" nagulat kaming apat maging si Jester na kakapasok lang nang biglang magising si Annera mula sa pagkakawala ng malay.

Napalapit naman kaming dalawa ni Jester sa kanya upang kamustahin. Inaabot lang din naman siya ng tingin ng tatlong nasa likod namin. Pansin ko kay Annera na hingal na hingal ito at sobra ang pagkahina niya sa kanyang katawan.

"Annera, huminahon ka." Pagpapakalma ko sa kanya.

"Hindi! Kasalanan ko 'to, kasalanan ko ang lahta ng ito!" aniya.

Pilit pa rin naming pinapakalma si Annera. Tinawag ko naman si Rabi upang gamutin muna si Annera at doon naman siya kumalma hanggat sa matapos nito ang kanyang paggamot sa ina ni Xana.

"Si Xana, nasaan ang anak ko?" tanong nito sa amin.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming lahat na mistulang nag-aabang ng sagot mula sa amin pero agad ko na itong inunahan.

"Hawak ngayon siya ni Lagarto." Tugon ko sa kanya.

"Hindi, hindi pwedeng mangyari 'yon." Pag-aalala niya.

Kumunot noo naman ako sa mga sinasabi ni Annera. Oo alam ko naman na delikado ang buhay ngayon ni Xana sa kamay ni Lagarto pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sobra-sobra sa pag-aalala si Annera doon. Alam kong kayang protektahan ni Xana ang kanyang sarili lalo na't nagawa niya ang kanyang paraan upang mapahina si Lagarto na siyang isa sa delikadong paraan kaya ngayon, nasa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay.

The Life SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon