Chapter XV
~Xana's POV
Tama nga talaga si Louel sa sinabi niya na ilang milya pa an gaming lalakarin pero natatanaw na naman namin ang bundok na humaharang papuntang Cave of Death. Sa sinabi naman noon ni Akbar ay parang dinala lang kami sa panganib, ipinunta niya kami sa Stone peak kung saan may mga stone trolls pala at napunta pa kami sa isang kweba kung saan muntik na kaming lamunin ng rumaragasang dugo at sunod ay 'yong Replica of Human World pero it helps a lot naman dahil narating namin ang Trainee's Arellage at nakilala namin si Louel upang ituro kung saan talaga ang daan patungong Cave of Death.
Siguro tama nga talaga na dumaan ka muna sa mga pagsubok bago mo marating 'yong gusto mong marating kaya ngayon pipilitin na namin na marating ang Cave of Death na iyon upang ang lahat ng ito ay matigil na. Ayoko ng manaig pa ang kasamaan mula sa kabutihan dahil kung hindi, ano nang mangyayari sa mundo?
Suot-suot ko pa rin ang kwintas na siyang binigay sa akin ni mama na siyang nagamit ko noon bilang proteksyon ko sa mga masasamang nilalang. Ang naging sandata ko noon pero ngayon na alam ko na gamitin ang sarili kong lakas ay mukhang naipon na ang enerhiyang nasa kwintas ko. Mabuti na iyon kung mauwi naman sa wala pero isa ito sa mga pinakamahalagang kagamitan ko ngayon dahil si mama ang nagbigay nito.
"Napapagod na ako." Angal ni Jester.
Kahit ramdam na namin ang pagod ay hindi pa rin naman kami humihinto dahil malayo-layo pa an gaming lalakarin kaya hindi muna kami ngayon pwedeng magpahinga. Baka mamaya, ilang segundo lang ay agad kaming atakihin ng Black Death.
"Hindi tayo pwedeng magpahinga Jester, kailangan na nating puntahan ang Cave of Death sa madaling panahon." Tugon ko naman sa kanila.
Napabagsak na lamang ng balikat si Jester dahil sa sinabi ko. Alam naman niya sa sarili niya iyon talaga ang pinunta namin kaya hindi namin kailangan magpatumpik-tumpik pa.
"Kaya kong gumawa ng portal." Napatingin naman kami kay Shantera na nagsalita.
"Kaya ko rin naman pero hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng portal na 'yon." Ani naman ni Metria.
Napatango na lang din naman si Shantera kay Metria kaya hindi rin niya nagawa 'yong suggestion niya. Totoo naman talaga na medyo delikado ang paggamit ng portal dahil hindi mo alam kung saan ka ilalabas no'n. At baka kapag sinubukan naman nila ay dalhin muli kami sa Arc of Passageway at iyon ang pinaka-ayaw namin na mangyari.
Habang naglalakad kami ay may kakaiba kaming nakita sa kalangitan. Bukod sa itim na usok na pumapalibot pa rin sa kalangitan ay may nilalang kaming nakita na lumilipad. Agad naman kaming nagtago at tinitingnan iyon mula sa aming pinagtataguan. Tinanong ko ang mga kasama ko kung ano iyon pero ang sagot nila sa akin ay Black Death.
Ginamit ko naman ang mata ko kung saan nagagamit ko na makitang malapitan ang mga bagay bagay at ng sinubukan ko naman ay mukhang alagad nga ng Black Death iyon. Mga naka-itim sila ng damit at kitang-kita ko ang mga bungo na simbolo sa kanila bilang miyembro ng Black Death. Palipad-lipad lamang silang lahat at kung bibilangin ko ay nasa dalawampu sila. Mukhang minamatyagan nila kami kaya ngayon, hindi kami makalabas-labas dahil tiyak na susugurin nila kami.
"Mabuti naman nakapagpahinga rin tayo." Napatingin naman ako kay Jester.
"Pansamantala lang 'yan Jester." Tugon ko naman sa kanya.
Pero nagawa pa rin ni Jester magpahinga habang minamaytagan namin ang mga Black Death na iyon. Bahagya rin naman silang lumipad mula sa kanluran kaya medyo makakaalis rin kami dito at hindi nila kami makikita. Kinalabit ko na si Jester para bumalik sa aming paglalakad at ng masiguro namin na safe na kami ay tuloy tuloy na kami sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
The Life Secrecy
Mystery / ThrillerThe Life Trilogy #3 Matapos umalis at mailigtas si Jester sa Dark World ay isa na namang misyon ang kanilang gagampanan. Akala nila ay doon na magtatapos ang lahat ngunit isang pagbabalik ang kanilang hindi inaasahan. Hanggang saan nga ba hahanton...