Chapter XIII

59 4 0
                                    

Chapter XIII

~Narrator's POV

Mas nararamdaman na ni Annera ang hirap at pagod sa kanyang sarili. Ilang araw na siyang hindi nakakakain at parang tuluyang naging bilanggo ang turing sa kanya ni Lagarto. Walang magawa si Annera dahil bukod sa nakatali ang kanyang buong katawan ay hindi siya makaalis at wala man lang liwanag ang dumadaloy sa kanyang silid.

Kung tuluyan man siyang mamatay ay isa na lamang ang kanyang iniisip na sana maging ligtas si Xana. Kung papunta man siya at para iligtas siya ay sana maligtas niya rin ang kanyang sarili mula sa nakapalupit na si Lagarto.

Napakiramdaman muli ni Annera na may palapit sa kanya, isama mo pa ang liwanag na nakita niya. Nang dahan dahan niyang i-angat ang kanyang mga mata ay nagulat na lamang ito na may isang nilalang din ang binato mula sa kanyang tabi. Napatingin na lang doon si Annera sa gulat na baka si Xana na iyon pero dahil madilim at hindi magtama ang mga liwanag sa mukha ng nilalang na iyon ay hindi niya makilala.

"Dalawa na kayong magiging pain namin kay Xana, humanda kayo dahil kapag nahuli namin siya. Mawawala na rin kayo." Ani ng isang alagad ni Lagarto at muling sinara ang silid na iyon at nabalot muli ng dilim ang paligid ng kanyang mga mata.

Nang mawala sa pakiramdaman ni Annera na wala na ang alagad ay pilit niyang nilalapit ang kinauupuan sa nakahalndusay na nilalang na iyon.

"X-xana... ikaw ba 'yan?" utal na tugon ni Annera at umaasa na si Xana nga iyon pero iniisip niya na sana hindi rin, dahil alam niyang hindi magpapatalo ng gano'n si Xana na lang. sinuri naman iyon ni Annera at doon niya napagkilanlan na babaeng nilalang pala iyon. Nanlaki ang mga mata niya at gustong lapitan ang babaeng iyon, "Xana! Gumising ka!"

Tila patuloy na umaagos ang mga luha ni Annera sa kanyang pisngi. Hindi niya kayang makita ang anak na naghihirap sa isang sitwasyong ito dahil sa simula pa lang naman, siya na ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito.

~Metria's POV

"Xana!" sigaw ko pa sa pangalan niya. Hindi ko alam kung saan na nagpunta ang babaeng iyon. Nawala na lang kaagad siya sa paningin namin kaya ngayon alalang-ala kami dahil baka kung saan na nagpunta iyon. Hindi ako magdadalawang isip kung nakuha man ng Black Death si Xana, tiyak na ako ang gaganti para sa kanya.

"Xana! Nasaan ka na?!" sigaw naman ng kaibigan nitong si Jester. Halos kaunti na lang ay mapuputol na ang litid nito sa leeg dahil kanina pa rin kami sigaw ng sigaw.

Naglalakad lang kami hanggat sa mawala siya sa tabi at paningin namin kaya doon kami agad na nag-alala sa kanya. Hindi na kami nagbakasakali pang maghiwa-hiwalay dahil baka hindi na kami magkitaan pa kaya ang pagsigaw na lang ang naging paraan na namin para mahanap siya.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala si Xana. Alam kong ako dapat ang nagpo-proteksyon sa kanya, kaya nga ako ang sumalo ng lakas na itinira ni Lagarto na dapat ay sa kanya pero ngayon, hindi ko papatawarin ang sarili ko kung napahamak man siya. Ang hirap isipin nang ganito!

"Xana!" muli kong sigaw.

"Ano ba kayo, Metria, Jester, Ostin at Rabi! Ang ingay niyo, baka marinig kayo ng Black Death!" irap pa nito sa amin at saka hinigit si Shantera. Nabigla naman kaming lumabas siya sa isang gilid at pinagsabihan kaming apat. Halos matulala kami ng makita siya at nasa ayos naman pala siyang kalagayan kaya ngayon atleast kahit papaano ay na-relieve na kung anong dapat ipangamba ko.

"Tara sundan natin sila!" at nang masundan namin sila Xana at Shantera at napanganga na lang din kami ng makita namin na nasa dulo na kami ng kagubatan. At ibigsabihin lang ay nakalabas na kami doon. Una kong napansin sina Shantera at Xana na nag-uusap.

The Life SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon