Chapter X

72 6 0
                                    

Chapter X

"Xana!" sigaw ni Jester.

Agad naman kaming napalapit sa kanya. At nang makita naman namin kung anong kinagulat niya ay ang picture frame na nakapatong sa drawer na 'yon. Sinamaan naman namin siya ng tingin dahil kung makapag-react ay akala mo may nangyari ng masama. 'Yon kasi ang picture kung saan may litrato kaming tatlo—ako, si mama at ang Life Taker. Hindi ko nga alam kung paano nangyari 'yon eh at nandoon din nalaman ni mama na wala na ang Life Taker at sa ngayonk, wala na ito.

"Pinagloloko mo ba kami Jester?" iritang sabi ni Metria sa kanya.

"Hindi!" iiling-iling pa nitong sagot kay Metria. "Hindi naman kasi ang picture ang sinasabi ko, kundi ito!" at may kinuha siyang isang bagay at iyon ay nasa ilalim ng picture frame at nakita namin mula sa kamay niya ang pulang envelope na iyon.

Nagulat ako dahil paano napunta 'yan dito.

Agad kong inagaw iyon sa kamay ni Jester. Sinuri ko pa ito at ang nasa bulsa ko, parehong-pareho ang mga ito. Binalik ko naman ang sulat na nagmula sa human world at binuksan ko ang envelope na iyon. Katulad ng maraming papel na aming nabasa noon ay gano'n din ang texture nito, hindi ko lang alam kung anong nakasulat dito pero pursigido akong malaman kung ano man ito.

Kung galing din ba ito sa Black Death.

Dahan dahan kong binuksan ang papel ngunit kakaibang tinig na tinig an gaming narinig. Ang sakit sa tenga at pansin namin na nanggagaling iyon sa sulat. Nabitawan ko na lang iyon at bumagsak sa sahig. Hindi ko alam kung anong nangyari pero may kakaibang ingay ang bumalot sa kapaligiran ng buksan ko iyon.

"Anong meron diyan sa sulat na 'yan?" magkasalubong na tugon ni Metria na halata naman na gusto niyang malaman kung anong meron sa sulat na iyon. Nabigla lang din talaga kami at hindi inaasahan. Paano kaya kung signal iyon para matuntun kami ni Lagarto at kung saan kami nagtatago ngayon. Sana hindi. Delikado.

"Buksan niyo ulit." Ani Jester.

"Hindi, delikado kung may makarinig pang iba niyan."

"Pero mas maganda nang malaman kung anong nakasulat diyan diba?" dagdag pa ni Jester.

"Teka nga lang, tumigil kayo." Pag-aawat ko naman sa kanila. "Oo, Jester, gusto natin malaman kung anong nilalaman niyan pero hindi natin alam kung anong dalang kapahamakan ang dalhin niya sa atin." Naiinis kong tugon sa kanila.

"Bahala kayo, nagsu-suggest lang din naman ako." Saka siya naglakad pabalik sa couch, maging sina Ostin at Rabi.

Nagkatinginan naman kami ni Metria at muli niyang kinuha ang sulat na iyon. May bakas ng pag-aalinlangan sa aming mga mukha pero kailangan talaga namin malaman kung anong laman no'n kaya si Metria na ang naglakas loob na buksan iyon. Binalaan namin sina Ostin, Rabi at Jester na magtakip na lamang ng kanilang mga tenga.

Binigyan ko ng tango si Metria at doon niya binuksan ang sulat. Tumatagos ang malalaking tunog na iyon sa aking mga kamay papunta sa aking tenga bamagat ilang segundo, napawi iyon.

"Wala na." ani Metria.

Dahan dahan ko din namang tinanggal ang palad ko sa tenga ko. Lumapit muli sa amin sina Ostin at Rabi para makiusyoso.

"Xana, mukhang hindi galing sa Black Death ang isang 'to." Ani Metria. Inabot naman niya sa akin ang sulat na iyon, unang bumungad sa akin ng makita ko iyon ay ang dugong ginamit na panulat dito.

The Life SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon