Kabanat-5

3 1 0
                                    


~~~Pagkauwi namin nang Hacienda ni Marcus agad akong dumeritso sa likod nang mansion at na upo sa Ilalim nang puno nang narra tamang tama palubog na ang araw kay hindi ko mapigilang mapa ngiti sadyang napaka gandang titigan ang pag lubog nang araw ngunit unti unti ring nawawala ang mga ngiti ko sa Labi nang ma alala ko kong paano ngitian ni Gabriel si Binibining.Katrina at hindi ko maikakailang bagay na bagay ang mga ito parehong nakapag tapos nang pag aaral nag mula sa mayamang angan ang pamilya kaya natitiyak ko balang araw ay ipag kakasundo sila nang kani-kanilang pamilya upang ipakasal.

Ella: ngayon palang kailangan mo nang pigilan ang iyong nararamdaman Ella para kay Gabriel dahil batid mong langit siya at lupa ka lamang Hindi kayo nababagay (paalala ko saaking sarili)

Habang tinitigan ko ang unti unting pag lubog nang araw tuloyan naring bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan.

Makalipas ang ilang araw nag paalam ako kay ina na may popontahan akong bagong kaibigan mabuti na lamang at naniwala ito saakin kaya pumayag itong umalis ako imbis na mag siesta.

Hapon na nang marating ko ang Hacienda Buencamino upang bisitahin si Cecelia at para narin makita ang aking ama.

Nang makita ako nang taga pag silbi agad akong pina pasok nito habang papasok ako nang mansiyon nakita kong palabas na nang bahay si Cecelia at tila tuwang tuwa ito nang makita ako kaya hindi ko napigilang mapa ngiti.

Primer y' ultimo amor (una at huling pag ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon