Kabanata-8

4 1 0
                                    


~~~Sabado nang umaga  Abala kami ni Ina dahil magkakaroon nang salo-salo sa Mansiyon nang mga mariano dahil sa kaarawan ni Don.Francisco dumating din ang ibang babaeng nag ta trabaho sa hacienda upang tulongan kami ni Ina mag linis nang mansiyon at mag Luto nang ibat ibang putahe.

Halos boong araw akong abala dahil sa ako ang naka toka sa mga putaheng lulutoin at si ina naman ang nag lilinis nang bahay kasama ang iba pang paopahang alipin na siyang tumo tulong saamin,mukhang malaking salo-salo ang gagawin dahil sa madaming pagkain ang ipinluto saamin ni Donya.Rosario kong kayat hindi ako magkanda ugaga paroot parito, Hapon na nang matapos naming lutoin ang lahat nang pagkain kong kayat agad ko na itong inilagay sa mga mangkook para dalhin sa kumedor,nang mailapag ko ang mangkook bigla kong naalala si Gabriel marahil ay nag hihintay na ito saakin sa likod nang Mansiyo kaya dali dali akong bumalik sa kusina at tinanggal ang basahan sa aking bewang upang pontahan ito.

Nang marating ko ang puno nang narra tila nang hinayang ako nang makita kong wala si Gabriel marahil ay abala din ito ngayon ang boong akala kopa naman ay makikita ko sya at mapawi manlang ang aking pagod sa boong mag araw ngunit hinayaan ko na lamang at marami pa namang araw para bisitahin niya ako nang palihim dito sa hacienda.

Primer y' ultimo amor (una at huling pag ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon