Kabanata-12

2 1 0
                                    

~~~Nagising ako nang maramdaman kong tila may pomo ponas saaking noo dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at nakita ko si Cecelia na tila alalang alala saakin ngitian ko ito at napangiti rin ito saakin na tila masayang masaya ito.

Cecelia: mabuti at nagka malay kana Ella salamat sa diyos at buhay ka...

Hindi ko napigilang mapa buntong hininga dahil sa sinabi ni Cecelia saakin sinobokan kong alalahanin ang lahat ngunit ang huli kong naalala ay noong saksakin ako ni Lia pagkatapos noon ay wala na akong maalala dahil sa nawalan na ako nang malay.

Ella: cecelia si ina? si Gabriel nasaan sila?

Nakita ko ang biglang pag lungkot nang mukha ni Cecelia at hinawakan nito ang aking kamay at bahagyang pinisil...

Cecelia: paumanhin Ella hindi kona nagawa pang ipaalam saiyong ina ang nangyari at kay ginoong gabriel dahil ito ang bilin mo saakin noong niligtas ka namin sa tingin ko nag dedeleryo ka nang mga panahong iyon dahil sa dami nang dugong nawala saiyo ang eksaktong sinabi mo saakin nong mga oras na yon ay " nais mong mabuhay na malayo sa iyong ina at kay Gabriel upang hindi sila mapahamak" kong kayat nakiusap ako kay ama na tulongan ka palihim ka naming dinala sa Espanya Ella upang maging ligtas ang iyong buhay sa mga taong pinag tangkaan kang patayin...

Nang marinig ko ang sinabi ni Cecelia napag tanto kong wala na ako sa Pilipinas kundi nasa espanya na. sunod sunod ang pag patak nang aking luha dahil sa mga nangyari saaking buhay hindi ko lubos akalain na makakaligtas pa ako at mabubuhay dahil sa tulong ni cecelia saakin.

Ella: pa paano mo nalaman na nasa panganib ang aking buhay?

Cecelia: ang totoo niyan ay nong hapon nang patron ay pinontahan ako ni gabriel saaming tahanan nais mo raw akong makita bago kayo umalis kaya naisip kong pontahan ka nalamang dahil batid kong wala kanang oras para pontahan pa ako saaming tahanan ngunit nong dumating ako sa hacienda.Mariano ang sabi nang iyong ina ay umalis kana Hanggang sa nakita ko si Lia at ang kaniyang mama umalis ang mga ito sa gitna nang salo-salo kaya nakaramdam ako nang hindi maganda at naisip kong sundan ang mga ito at hindi nga ako nag kamali humingi ako nang tulong sa aming kutsero para iligtas ka pagkatapos umalis ni Lia at nang mama niya nakita naming inilabas ka nila sa isang kubo sa manggahan wala kang malay at naliligo sa sarili mong dugo ililibing kana dapat nila ngunit nag lakas loob kami ni mang.Andoy na iligtas ka tinawag namin ang kaniyang mga kakilala para tulongan kami kaya ka namin nakuha at dinala kaagad kita saaming tahanan nang malaman kong buhay kapa ipapatawag dapat ni ama si gabriel para gamotin ka ngunit bigla kang nagising at mahigpit mong pinag bilin na wala dapat maka alam na buhay kapa..

Primer y' ultimo amor (una at huling pag ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon