NICK POV

1.4K 10 1
                                    

[Cut version]

"Nicket." I called him. Nag angat siya ng tingin, wala siya sa katinuan. Wala siya sa pag iisip. Ipinakita ko sa kaniya ang isang video. Nakatali at nakatakip ang mga mata. Nanlaki ang mga mata niya.

"Nick-" I stop him.

"Can you walk? May ipapakita lang ako sayo."

"Tao.. 'yan." Pumiyok siya. "Anong ginawa mo? Bakit siya nakatali? Nasa.. basement ba siya?" He was shuttering.

"Tara." Nauna ako sa kaniya mag lakad kahit na nahihirapan siya mag lakad nagawa pa rin niya sumunod. Ilang minuto lang dumating kami sa bahay sa likod, binuksan ko ang malaking basement namin at naroron ang lalaking naka tago ang mukha sa sako.

"Anong ginawa mo? Nick!" Nakita kong nag panic siya at hindi mapakali. Inalis ko ang sakong iyon sa ulo ng lalaki. Napa atras si Nicket.

"Tatawag ako ng pulis.. Nick-"

Natigil siya ng paputukin ko ng baril ang ulo ng lalaki ng ganon ganon lang. Ibinaba ko ang pintuan ng basement gamit ang remote control. Nanginginig siyang nakatingin sa akin.

"A-anong ginawa mo? Ba't mo ginawa 'to!?" Sumigaw siya at dahil sa kakasigaw niya sinuntok ko siya ng malakas at napa upo. Napa angat siya ng tingin sa akin.

"Sabi ko di'ba hindi ako papayag, ayokong maging mamatay tao!" He shouted.

"Isa sa tauhan ng pumay sa mama ko ang lalaking 'to, isipin mo ang nangyari sa mama mo, Nicket. Tingin mo ba dapat silang mabuhay? They should die right? Isipin mo nga, sila tumatawa at masaya habang tayong dalawa.. nandito.. walang magawa at nag hihintay ng batas." Umigting ang panga ko, nakatitig lamang siya.

"Sinabihan kita di'ba na kapag gusto mo ng plano ko, lumapit ka sa 'akin. Magiging makapangyarihan ako, hahanpin ko pa ang iba." Kumuyom ang kamao ko, I looked at him. Bumaba ang mata ko sa kaniya, nakatitig at wala na ang panginginig ni Nicket.

"T-tao pa rin ang pinatay mo, ayokong.. ayokong mapabilang sa kanila-"

"Ganiyan ba ang naiisip mo?" I smirked.

"Oo.." malakas na loob na sabi niya.

"Kung ganon maiiwan na kita-" kumuyom ang kamao ko, hindi ako papayag na maging ganito lang. Tao at dugo ang kinuha nila, kaya ibabalik ko sa kanila ng mas matindi pa. Sumakay ako sa kotse at nag drive ng walang hangganan. Naubos na ang luha ko ng unang araw na nakita ko sila na bangkay at puting tela habang naka higa sila. Naubos na lahat, galit nalang ang natira. Binalikan ko ang mga lasing na lalaki sa tabi ng iskinita, nandoon pa rin sila at binubugbog ang lalaki. Bumaba ako at sinuot ako hood sa jacekt.

That Man 1(Soon To Be Publish Under PSICOM Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon