Kabanata 001

1.2K 30 1
                                    

Reign Akari POV.

Nanlalagkit na buo ang buo kung katawan habang palinga-linga ako sa mga naglalakihang mga bahay na aking nadaraanan dito sa loob ng eksclusibong subdibisyon na matatagpuan sa Makati. Mubuti nalang at pinapasok ako ng gwardiya na nagbabantay kanina sa gate kapalit ng iniwan kong ID. Mag-aapply ako bilang kasambahay sa isa sa mga na nakatayo dito sa loob ng subdibisyon. Dahil bawal pumasok ang triysekel dito sa loob ng subdibisyon wala akong choice kundi maglakad mula gate habang hinahanap ang address na nakalagay sa hawak kong dyaryo. Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako ng makita ko ang mga nagagandahang at naglalakihang mga bahay. Kitang-kita kong gaanong kayaman ang mga nakatira sa lugar na ito kaya naman hindi ko maiwasan na kabahan. Kung kaya lang sana ako paaralin ng mga magulang ko hangang college wala sa bokabularyu ko ang lumuwas dito ng Maynila. Kaya lang ipinanganak akong mahirap kaya wala akong choice kundi ang magtiis at dumiskarte para kumita. Buti nalang at isinama ako nila Jane pagpunta dito kaya naman kahit papaano hindi ako nahihirapan sa titirhang bahay habang naghahanap ng mapapasukang tarabaho. Iyon nga lang hindi ako pweding magtagal sa kanila dahil para kaming sardinas sa lata na nag sisiksikan sa maliit nilang barong-barong. Ayaw ko din magtagal sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko minamanyak ako ng ka-live in partner nito.

"Ate, pwedi po magtanong? alam niyo po ba ang address na nakasulat dito sa dyaryo? "nagmamadali kong lapit sa isang babaeng nagtatapon ng basura. Tinitigan muna ako nito bago kinuha ang hawak kong dyaryo."Anong kailangan mo doon? Mag-aapply kang kasambahay? "agad na tanong nito...agad naman akong tumango.

"Malapit nalang ito Miss. Diretso ka lang tapos may makikita kang pinakamagandang bahay sa dulo. Sila ang pinakamayaman sa lugar na ito kaya doble ang laki ng bahay nila kumpara sa ibang nakatira dito."nakangiti nitong sagot sa akin. Agad naman akong nagpasalamat at nagmamadali ng naglakad . Pag dating sa sinasabing bahay ng napagtanungan ko ay agad kong sinipat ang nakasulat sa gate para kumpirmahin kung pareho bang sa nakasulat sa dyaryo. Napaigtad pa ako ng bigla akong lapitan ng gwardiya galing sa loob ng malaking bahay.

"Anong kailangan mo Miss? Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinagbabawal ang pag sosolocit sa lugar na ito? "agad na wika nito ng makalapit sa akin. Agad namn nalukot ang mukha ko dahil sa sinasabi nito. Ano palagay niya sa akin? PULUBI? Sabagay ganon ma din siguro kasi nasa isang daan nalang ang laman ng wallet ko. Kapag hindi ako matanggap dito ay tiyak sa lansangan ang bagsak ko nito. Nakakatakot pa namn dito sa Maynila. "Mag-aapply po ako bilang kasambahay Manong. Nakita ko kasi sa dyaryo na naghahanap sila. Baka palarin ako at makapasok sa loob. Kailangang-kailangan ko po kasi ng trabaho eh. Galing pa po akong probinsya."sagot ko dito. Natigilan ito at tinitigan ako mula ulo hangang paa. Bigla naman kumulo ang dugo ko pero pinipigilan ko ang aking katarayan baka masayang ang oras ko sa pagpunta dito kapag makita niyang masama ang ugali ko....."Naku! Bad timing naman ang pagpunta mo dito Miss. Alam mo bang nagkakagulo sa loob ngayon? "sagot nito.

Naguguluhan naman akong tumitig dito. Hindi ko gets ang ibig nitong sabihin. "Anong ibig mong sabihin? Hindi pweding hindi ko makausap ang may-ari ng bahay ngayon. Ang layo kaya ng nilakad ko at wala na akong pera para bumalik dito" prangka kong sagot kay Manong Guard. Natigilan naman ito at muli akong tinitigan.

"Hindi ko alam kung iinterbyuhin ka ngayon ni Madam. Mainit kasi ang ulo noon at lahat ng tao sa loob sinisigawan."sagot nito. Agad naman akong kinabahan ng maisip ko na isang daan nalamang ang laman ng wallet ko. Hindi ako pweding umuwi sa bahay ni Jane na walang nangyayari sa lakad kong ito. "Subukan niyo lang po Manong. Maawa naman po kayo sa akin. Sabi kasi dito sa nakasulat sa dyaryo pweding pumunta dito anytime ang aplikante. "nagmamakaawa kong sagot dito. Narinig ko ang marahang pagbuntong hininga nito bago tumango. "Sige na Nga. Sa Mayordoma nalang kita dadalhin. "Wika nito at agad akong niyayang pumasok sa loob. Agad namang sumalubong sa paningin ko ang marangyang tanawin sa loob ng bakuran. May mga dekorasyon sa loob at parang may gaganaping party

Lovely Wife, Please Come Back! (INTERSEX🏳️‍🌈)Where stories live. Discover now