Kabanata 010

537 29 4
                                    

KARUGTONG NG KABANATA 009

"Masakit ba?"tanong nito habang nakatitig sa galos ko. Naiinis akong umiling....

"Hindi! Masarap! "yamot kong sagot! Umalis ito sa harap ko at naglakad patungog swivel chair niya. Kinuha nito ang kanyang coat at muling bumalik sa gawi ko sabay ibinalabal sa katawan ko ang hawak nitong coat. Hayyy, nakakadalawang coat na ako sa dalawang araw kong pagpa sa opisina na ito..











"Ito muna ang gamitin mo habang hindi pa dumadating ang inuutusan ko na bumili ng damit mo.."wika nito. Natigilan ako at gulat na napatitig dito. Bibilhan na naman niya ako ng damit.? Kung alam ko lang na bubuhusan ako ng malamig na tubig ng Eva na iyun dinala ko sana ang isang pares ng damit na nandoon sa penthouse ni Hailey...








"Pasensya kana kay Eva. Pinatanggal ko na siya. Nagpapahanap na ulit ako ng ibang secretary. "wika nito. Napataas naman ang aking kilay..






"New secretary........new sexmate na naman...."bulong ko na hindi nakaligtas sa kanyang pandinig. Iiling-iling itong umupo sa tabi ko. Agad naman akong umusog dahil ayaw kong madikit ang katawan ko dito. Mahirap na.!







"Tsk! Tsk! Wala akong gagawing masama sayo. Gagamutin ko lang iyang sugat mo."wika nito sabay itinaas ang hawak nitong pamunas. Umiling lang ako..





"Ayos lang ako. Maliit lang naman na galos ito sagot ko. Natigilan ito at malakas na napabuntong hininga....






"Pasensya ka na sa nangyari kanina. Hayaan mo, hindi na mauulit iyun.."wika nito. Sa malumanay na boses. Hindi ko ito sinagot at sabay kaming napalingon sa pintuan na may biglang kumatok...









"Come in" sagot nito. Agad naman bumukas ang pintuan at iniluwa si ate elaine. Napansin ko pa ang pagkagulat nito ng dumako ang tingin sa akin.

hello mga bebeloves meet our ate elaine😘😘😘ayan pinakilala kona sa inyo para di kayo magtaka kung sino si ate elaine at laging nababanggit sa story nato☺️normal close friend ni reign mga to at kasamahan sa accounting department

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

hello mga bebeloves meet our ate elaine😘😘😘ayan pinakilala kona sa inyo para di kayo magtaka kung sino si ate elaine at laging nababanggit sa story nato☺️normal close friend ni reign mga to at kasamahan sa accounting department..☺️



Lalo na ng mapansin niyang katabi ko si Mam Hailey dito sa sofa.







"Ahmmm Mam, ito na po ang financial report na hinihingi ninyo.."wika nito sabay lapag ng sangkatutak ng papeles sa mesa ni Hailey. Agad naman akong tumayo ng akmang lalabas na ng pintuan si ate elaine..









"You can go now. Magpapahanap na lang ulit ako ng makakasama niyo sa department ninyo.."wika nito. Agad akong natigilan. Sisante din ba ako.?










"Teka lang Hailey.......wala namang ganyanan. Kasalanan mo kung bakit hindi ako nakapasok ngayon. Kung hindi mo sana ako dinala dito sa opisina mo hindi sana ako mapapaaway.."inis kong wika dito..









"Ikaw ang ipapalit ko kay Eva! Dahil sa iyo kaya natanggal siya kaya dapat lang na palitan mo siya.."wika nito. Agad kaming nagkatinginan ni ate elaine...










"Ayaw ko nga! Wala akong alam sa trabaho ng isang secretary. Accounting graduate ako, hindi secretarial graduate.."sagot ko at agad na kinuha ang bag. Pagkatapos ay hinawakan ko si ate elaine at hinila na palabas ng opisina...










"Tsssk! Stop! Reign!!!! Ang hilig mo talagang sumuway sa gusto ko! "galit na wika nito. Hindi ko na pinansin at tuluyan ko ng isinara ang pintuan ng opisina pagkalabas namin. Hinila ko agad si ate elaine papuntang elevator....







"Anong nangyari sa iyo.? Akala namin absent ka ngayon. Bakit nasa office ka ni Mam Hailey......tsaka bakit ganyan ang suot mo? "tanong agad ni ate elaine ng makapasok na kami sa loob ng elevator. Malakas akong napabuntong hininga dahil hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pagsagot sa lahat ng tanong nito....










"Mahabang kwento Ate. Basta isa lang ang sure ako...........sisante na ang malandi niyang secretary dahil nag-away kami.."sagot ko dito. Tulala naman na napatitig sa akin si ate elaine....











Osha hangang dito nalang mona ang update ko minamadali ko lang to kasi may lakad ako,,,pasensya na mga bebeloves ha medyo maikli ang na update ko ngayon...diko maipangako baka mamya maka update ako dependi sa oras ng uwi ko..lab you all😘😘😘



















A/N...di sana ako mag update ngayon kasi pahinga ko pero may nag comment na update so ayan pinagbigyan ko☺️madali naman ako kausap kaso maikli lang yan madalian kasi may lakad pala ako na muntik konang makalimutan🤭🤭🤣osha bebeloves uulitin ko ha? comments and votes are really appreciated😘😘wag niyo nang ipagdamot yan😘😘enjoy reading love you all😘💖😍shout out sa mga readers kong laging excited sa update JenniferMirandilla1TheresaGaza5 kennolino 😘😘😘😘lab lab guys

Lovely Wife, Please Come Back! (INTERSEX🏳️‍🌈)Where stories live. Discover now