Kabanata 017

597 36 4
                                    

REIGN POV..

Pagkatapos kung ilagay sa bag ang mga damit na dadalhin namin bukas ay nagpasya na akong maligo. Sinulyapan ko pa si Hailey na noon ay nakahiga na sa kama at napapansin kung natutulog na.
Nakahinga ako ng maluwag. Mukha naman pala itong harmless. Hindi katulad sa una kong impression sa kanya.






"Mabuti na lang at hindi na ako nahihirapan pang mag-adjust dito sa kanyang kwarto. Nakahanda na lahat ng mga kailangan ko na siyang labis kong ipinagtaka. Mukhang inaasahan na ako sa bahay na ito.









"Nagshower lang ako at agad na nagbihis ng pantulog. Inaantok na din ako at kailangan ko ng magpahinga , para may lakas ako bukas. Kahit paano gusto ko din i-enjoy ang travel na ito. Nabanggit ni Hailey kanina na sasakay kami ng yate at maglalayag kami. Kahit papaano nakaramdam ako ng matinding excitement. Pagkakataon ko na ito na makapunta sa ibang lugar ng libre.










"Pagkatapos kung maligo ay agad akong lumabas ng banyo. Mukhang tulog na tulog na si Hailey kaya naman dahan dahan akong pumwesto sa kabilang kama. Tinitigan ko pa ang mukha nito na habang nakapikit. Mukha naman siyang mabait. Hindi ko lang maintindihan kong bakit palaging nakakunot ang noo nito kapag nasa opisina kami. Siguro nga babaero ito pero mukhang iba naman ang pagtrato niya sa akin. Kahit papaano naramdaman ko na iginagalang ako.







Tag isa kami ng comforter na siyang labis na ikana-kampante ko. Siguro wala nga itong balak na gawan ako ng masama. Hindi naman siguro ito rapist at malabo naman sigurong pilitin ako nitong makipagsex sa kanya kapag ayaw ko.










"Hayyy ano ba itong naiisip ko! Sex agad.? Bakit ba naisip ko ang bagay na iyun.? Self naman , baka naman ikaw ang may narararamdaman na pagnanasa sa kanya! "hindi ko mapigilan na bulong sa aking sarili. Natampal ko pa ang aking noo tsaka nahiga na. Tinakpan ko ng comforter ang buo kung katawan dahil medyo malamig ang buga ng aircon. Pagkatapos ay tumalikod na ako sa gawi ni Haliey.






Nagdududa na ako sa aking sarili. Baka hindi ako makatulog at magdamag ko lang titigan ang maganda nitong mukha. Nakakatakot lang dahil pakiramdam ko unti-unti na akong nakakaramdam ng kakaiba sa kanya.






Pinilit kung makatulog pero gising parin ang diwa ko. Hindi ko alam kung namamahay ba ako o ano pa man pero hindi ko maintindihan ang aking sarili. Para akong tanga na nakadilat sa kawalan habang hindi maalis sa isip ko ang babaeng katabi ko.








Muli akong humarap sa gawi ni Hailey. Malamlam na liwanag na lang ang tumatanglaw sa amin mula sa lampshade pero hindi hadlang iyun para hindi ko masilayan ang kanyang mukha. Napakabait niyang tingnan. Ibang talaga ang ugali niya kapag gising siya.







Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog. Nagising na lang ako sa isang banayad na tapik sa aking mukha. Naririnig ko pa na tinatawag ang aking pangalan pero hinihila talaga ako ng antok.









"hmmm sandali lang. Matutulog pa ako ehhh.' "wika ko pa habang nakapikit. Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa unan.





"Reign.gising na....aalis na tayo.! "narinig ko pang bulong ng isang boses babae. Agad kong naidilat ang aking mga mata sa isiping bakit may katabi akong babae. Agad na sumalubong sa paningin ko ang mukha ni Hailey na nakangiting nakatitig sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at napabangon ako.




"A-anong ginawa mo.? Bakit yakap mo ako? "tanong ko dito. Bumangon na din ako tsaka ako tinitingan.








"Hindi ako ang yumakap sa iyo Reign. Ikaw ang pumunta sa pwesto ko. "sagot nito sa akin na may halong panunudyo ang tono. Natigilan ako at inilibot ang tingin sa paligid. Natutop ko ang aking bibig na wala na pala ako sa pwesto ko kagabi. Nandito ako sa pwesto ni Hailey at mukhang ako nga ang naligaw papunta sa kanyang kinahihigaan .







"Sorry!" "hindi ko napigilan na sambit ko. Mahinang tawa lang ang naging sagot nito tsaka naglakad na papasok ng banyo. Naiwan naman akong hiyang hiya. Parang gusto kong kutusan ang sarili ko. Ano ba itong nagawa kong katangahan.? Ako itong isip ng isip ng masama tapos ako naman pala ang lumagpas sa boundary naming dalawa.









"Nakakahiya ka Reign. ! Ano na lang ang iisipin sa akin ni Hailey.' "bulong ko sa aking sarili habang hindi ko mapigilan ang mapakamot sa aking ulo. Parang gusto kong lamunin na lang ng lupa dahil sa naramdaman na matinding kahihiyan. Ngayun ko din napatunayan na may pagka gentleman este gentlewoman naman pala si Hailey hehehe, . Hindi ito nagti-take advantage sa mga babaeng katulad ko na naliligaw ng teritoryo . Kung sa lalaki siguro iyun baka ginawan na ako ng masama.










"Pwedi ka nang mag ayos ng iyong sarili. Ipapakuha ko nalang sa mga kasambahay ang bag mo para ilagay sa kotse. Mauna na akong bababa dahil magkakape pa ako. Sumunod ka nalang pag tapos kana.' "wika ni Hailey pagkalabas nito ng CR . Naglakad ito sa isang pintuan na sa tingin ko ay kanyang walk in closet. Hindi ko na ito sinagot at agad akong pumasok sa CR. Hiyang hiya parin ako sa mga nangyari at pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap sa kanya.







"sandali lang akong naligo at agad ng lumabas ng banyo habang tuwalya lang ang nakatakip sa aking katawan. Panatag naman ang aking kalooban dahil mukhang wala na si Hailey dito sa kwarto. Agad akong nagbihis at nag ayos ng sarili. Akmang lalabas na ng kwarto ng narinig ko na may kumatok. Ng pagbuksan ko ito ay tumambad sa paningin ko ang isang naka-uniform na kasambahay..

















ITUTULOY.................












Pasensya na maikli lang update ko ngayun dahil siningit ko lang talga grabi yung trabaho namin ngayun kc madalian po at lalo na dalawang department na hawak ko ngayun kaya medyo gipit nako sa uras pero pipilitin ko parin makapag update sa inyu💖💖


























A/N......pasensya na mga bebeloves kung ngayun lang nakapag update ang dami kuh kasing inaasikaso lalo nat dlawang department na hawak ko at lagi na akong natatmbakan ng trabaho🥺pero pipilitin ko parin na makapag update para sa inyu sisingit ko siya sa vacant time ko💖namiss ko din kayang magsulat kung alam niyo lang mga bebeloves ,di ko lang din talaga pinipilit magsulat pag stress ako kc imbes na gaganda ang story papangit kasi di ako makapag isip ng maayus.☺️enjoy reading mga bebeloves,,comments and votes are really appreciated💖

Lovely Wife, Please Come Back! (INTERSEX🏳️‍🌈)Where stories live. Discover now