Kabanat 013

481 38 3
                                    

KARUGTONG NG KABANATA 012

"Don't worry. Hindi ka makakarinig ng masasamang salita mula sa empleyado. Asawa kita kaya dapat lang na igalang ka nila katulad ng paggalang nila sa akin. May darating mamaya na substitute secretary. Pwedi mo siyang utusan kapag may kailangan ka. Babalik ako before lunch kaya aasahan kong nandito ka sa kwarto na ito pagbalik ko..."wika nito at agad na lumabas ng opisina. Nasunda ko pa ito ng tingin hangang sa nakasakay ito ng elevator kasunod ng kanyang executive secretary na si Renka...










"Napabuntong hininga naman ako at agad na pumasok sa loob ng kwarto..Yes......may sariling kwarto si Hailey dito sa loob ng opisina. Kung ganoon tama nga ang iniisip ko kanina. Na natutulog ito dito sa opisna dahil kumpleto ang gamit nito dito sa loob....








"Malaki ang kabuuan ng kwarto. Kompleto sa gamit at halatang alaga sa linis. Binuksan ko ang isang pintuan at nagulat ako dahil may banyo din pala dito sa loob. Sa kabilang pinto naman ay ang walk in closet. Masasabi mo ngang parang bahay niya ang lugar na ito dahil may nakita din akong mini ref sa sulok. Nang buksan ko ay puro tubig at ilang juice lang naman ang laman...










"Tinitigan ko ang kama. Puting-puti ang bedsheet at mukhang hindi pa nagagamit. Tuwid na tuwid kasi ang pagkakalapat sa kama parang nakakahiyang gamitin at baka malukot. Iiling-iling kong kinuha ang nakapatong na paper bag sa ibabaw nito....










"Tiningnan ko ang laman at nagulat ako dahil mga damit ang laman nito. Kaya lang puro dress at ilang pirasong underwear. Namili ako ng isa at pumasok sa loob ng banyo...











"Kailangan kong maligo bago magpalit ng damit. Pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ko na. Kainis talaga ang Eva na iyun. Kung hindi sana ako inaway wala sana ako sa ganitong sitwasyon...








"Pagkatapos kong naligo ay agad akong nagbihis. Hindi ko mapigilan ang ma amaze habang inililibot ang aking tingin sa loob ng banyo. Kompleto sa gamit may bath-tub pa. Iba na talaga kapag mayaman. Pweding pagsamahin ang opisina at kwarto....










"Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay muli akong lumabas ng kwarto. Wala pa din si Hailey at napansin kong may nakaupo na sa dating pwesto ni Eva. Siguro ito ang bagong secretary na tinutukoy ni Hailey kanina....










"Bahagya pang napataas ang aking kilay dahil napansin ko na medyo mataba ang bagong Secretary. Medyo may edad na din at hindi ito ang aking inaasahan. Ang sabi kasi sa akin nila ate elaine mahilig daw sa mga bata at seksing secretary si Hailey. Parang nagbago yata ang ihip ng hangin ngayon....











"Dahil wala akong magawa ay naglakad ako papuntang swivel chair at naupo. Siguro masarap sa pakiramdam ang maging CEO. Wala sa sariling napailing ako...










"Gustuhin ko man bumalik ng accounting office pero hindi pwedi. Alam kong marami na ang nakakakilala sa akin at hindi ko kayang maglakad na may maraming mga matang nakasunod sa akin...Hindi ko din alam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa akin sa pagiging asawa ko ng kanilang CEO. Mukhang gusto kasi panindigan ni Hailey ang pagiging asawa ko sa kanya. Sa isiping iyun ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba...










"Dahil sa walang magawa hindi ko maiwasan na pindutin ang 'on' button ng computer ni Hailey. Although may password ng bumukas ang monitor pero hindi maiwasan manlaki ang aking mga mata dahil sa gamit nitong wall paper ng bigla na lang nag-flash.....










Lovely Wife, Please Come Back! (INTERSEX🏳️‍🌈)Where stories live. Discover now