Kabanata 025

468 48 11
                                    

HAILEY SANTILLAN POV.

Napaupo ako sa sofa ng tuluyan makaalis ang mga pulis kasama si Reign. Hindi ko akalain na dito matatapos ang lahat sa amin. Hindi ko akalain na magawa nitong saktan si Lola.

Mukhang wala na ang aming baby.
Nagawa na nitong ipalaglag base sa hitsura nito. Maputla si Reign at alam kong isa iyun sa mga palatandaan na wala na ang baby namin. Hindi man lang ito nagdalawang isip na kitlin ang buhay ng aming anak.


Aminado ako na kasalanan ko din. Ako ang nagtulak sa kanya sa bagay na iyun pero ang ikinagagalit ko lang hindi man lang ito nag dalawang isip na sundin ang gusto ko. Isa pa nagawa pa talagang nitong saktan si Lola.
Ang pinakamamahal kong abwela. Ang kaisa-isang tao na meron ako.

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking luha.

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking luha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Tumayo ako ng muli kong naalala si Lola. Under observation ito at natatakot akong tuluyan siyang mawala sa akin. Hinding-hindi ko mapapatawad si Reign kapag may masamang mangyari kay Lola. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan.



"Mam. . . . kawawa namn po si Mam. Hindi po ako maniniwala na tinulak niya si Madam Matilda. Kararating lang po kasi niya kanina. "pasakay ako ng kotse ng bigla akong lapitan ni Manong guard. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa akin.


Bigla akong nag-alangan .." nakaramdam ako ng matinding Agam-agam. Magagawa ba talaga ni Reign ang bagay na iyun.? Paano kong nagkamali ako sa pagbintang sa kanya. Paano kong nagsisinungaling si Kleah sa sinabi nito na nakita niya kung paano itulak ni Reign si Lola.?


Saksi ako sa magandang samahan ni Lola at Reign. Ni sa hinarap , hindi ko din akalain na magagawang saktan ni Reign si Lola ng ganoon-ganoon na lang. Naikuyom ang aking kamay at tulalang napatitig sa kawalan. Aminin ko man o hindi nakaramdam ako ng matinding takot kung sakaling nagkamali ako sa pagbintang kay Reign. Basta ko na lang ba papaniwalaan ang statement ni Kleah. ?





"Malalaman din natin anf totoo kapag magiging maayos na si Lola. "maiksi kong sagot at agad na sumakay na ng koste. Babalik ako ng hospital . Ayaw ko munang mag-isip ng ano paman. Ang gusto ko sa ngayun ay masiguro na nasa maayos na kalagayan si Lola.



Agad akong nakarating sa Amadeo Medical Center. Mabilis kong ipinark ang aking kotse at agad na bumaba.

Papasok na ako ng Hospital building ng makita ko ang familiar na mukha.
Si Stacey. Ang taksil kong kaibigan. Seryoso itong nakatitig sa akin kaya agad ko itong nilapitan. Hindi ko napigilan at agad ko itong sinuntok sa panga. Halos matumba ito kaya naman agad na nagsilapitan ang mga guard ng hospital.




"Hindi ka parin nagbabago Hailey..
Masyado ka paring mainit. "wika nito habang hinihimas ang nasaktang panga.

"Walang hiya ka ! May gana ka pang magpakita sa akin sa kabila ng ginawa mong mga kasalanan .? "galit kong sigaw dito. Ngumisi ito at sininyasan ang mga gwardiya na dumistansya na muna. Nang-uuyam ang mga tingin na ipinukol nito sa akin.


Lovely Wife, Please Come Back! (INTERSEX🏳️‍🌈)Where stories live. Discover now