Kabanata 005

622 30 9
                                    

REIGN POV.

Halos gusto manginig ang buo kong laman ng mapansin kong tumigil sa gilid ng table namin si Mam Hailey.
Hindi pa rin maalis-alis ang pagkatitig sa akin kaya naman parang gusto ko nalang na lamunin ng lupa para makatakas sa masakit nitong tingin..

Hindi pa rin maalis-alis ang pagkatitig sa akin kaya naman parang gusto ko nalang na lamunin ng lupa para makatakas sa masakit nitong tingin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Reign!"tawag nito sa pangalan ko lalo naman akong napayuko...kulang nalang isubsub ko ang mukha ko sa pinggan para lang maipakita dito na naiilang ako sa kanyang presensya. Nararamdaman ko na kinakalabit ako ni ate elaine kaya naman napaangat ako ng aking tingin.. Inginuso nito si Mam hailey na salubong na ang mga kilay na nakatitig sa akin. Kapansin-pansin din naman ang tingin na ipinupukol nito kay lance..Lalo akong nakaramdam ng pagkailang ng mapansin ko na sa amin nakatuon ang attention halos lahat ng tao dito sa cafeteria.

"Reign,huwag mong hintayin pa na buhatin kita diyan sa kinauupuan mo.
Bilisan mo na dahil gutom na ako.."wika nito. Parang gusto kong mawalan ng ulirat ng banggitin nito ang pangalan ko..Nagtataka naman na napatitig sa akin sila ate elaine at sophie.

"Ehhhh. Mam........may........may kailangan po ba kayo? Tapos niyo na po bang pirmahan iyung dala ko na documents kanina.? Pupuntahan ko na lang po mamaya.."wika ko dito kasabay ng pagpapakawala ng hilaw na ngiti..

Lalong nagsalubong ang kilay nito,.at isang iglap lang ay hawak na ako ng mahigpit sa aking braso. Pilit akong pinapatayo kaya wala na akong nagawa kundi ang tumingin sa mga kasamahan kong takang-taka habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Mam Hailey.

"Lets go! "malamig nitong wika sabay hila ng aking kamay. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumama na dito. Nahihiya na din ako ako dahil pinagtitinginan na kami ng ibang emplyedo at ayaw kong pagtsismisan nila ako lalo na at bago-bago ko lang sa trabaho.

"Kamalas-malas naman kasi sa dami ng kompanya na inaaplayan ko dito pa talaga ako natapat sa babaeng to na,.kahit sa panaginip hindi ko na gustuhin pang makita...Ewan ko ba lumalakas talaga ang kabog ng dibdib ko tuwing nakikita ko ito..Pakiramdam ko hindi ako safe sa babaeng ito ehh. Although ikinasal kami noon pero hindi ibig sabihin asawa niya ako.

"Ehhh Mam, pwedi bang bitiwan niyo na ako? Sasama na po ako sa inyo.."wika ko dito sabay hila ng kamay ko na hawak nito..Masama lang ako nitong tinitigan at mabilis ang hakbang na naglakad papuntang elevator. Wala na akong nagawa pa kundi ang binilisan na lang din ang hakbang dahil hawak-hawak niya parin ako sa aking kamay...

Isa pa nakasunod ang tingin sa amin ng ibang empleyado.. kitang-kita ang pagtataka sa kanilang mukha habang nagbubulungan..

Pagpasok sa loob ng elevator ay sa wakas binitawan din ako ng gaga.

Hindi ko alam kung ano ang nakain nito. Hindi ko din alam kung ano ang nakain nito..Hindi ko din alam kung ano ang kailangan nito.!! May thirty minutes pa ako bago bumalik ng trabaho at imposible nman na hindi niya alam ang oras.

"Mam dapat pinatawag niyo nalang ako after breaktime.."wika ko dito sa kawalan ng sasabihin..Tahimik lang kasi itong nakatitig sa akin kaya naiilang ako..

Lovely Wife, Please Come Back! (INTERSEX🏳️‍🌈)Where stories live. Discover now