Kabanata 002

643 25 2
                                    

Reign POV.

Patapos na akong maligo ng muli kong narinig ang marahang katok sa pintuan ng banyo. Agad kong hinablot ang tuwalya sa isang cabinet at itinapis sa hubad kong katawan. Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang mukha ng isa sa mga make-up artist. Halata na kasi sa mukha nito ang pagkainip at ng mapansin nito na tapos na akong maligo ay agad na ipinasuot sa akin ang isang parang roba.

Naging abala ang mga sumusunod na oras sa buhay ko. Kanya-kanya kasi sila ng toka sa gagawin sa akin. May nag-aayos ng buhok ko, may naglilinis ng kuko at may nag aayos ng mukha ko. Diyos ko, ganito pala ang mga mayayaman. Kaya pala ang ganda-ganda nila kapag lumalabas. Marami pala ang nag-aayos sa knila. "

"Ayan, parang sinukat sa katawan mo ang wedding gown na ito! wala ng dapat pang eh adjust at perfect na perfect sa iyo, nakangiting wika ng bading na nag-aayos sa akin ng sa wakas ay naisuot ko na din ang damit pangkasal. Tulala naman akong tinitigan ang sarili ko sa Salamin.

"Parang nagiging mukha akong mamahalin.? "Ate, ako po ba ito? "wala sa sarili kung tanong. Nangingiti naman itong tumango. Pagkatapos ay nakita kong pumasok si Madam sa loob.

Nakapustura na ito at halatang ready na sa kasal. Dumako ang tingin nito sa akin at agad itong Pumalakpak.!

"Perfect....Perfect! dahil diyan may bunos kayo sa akin!!! Nakangiti nitong wika sabay lapit sa akin...

Sinasabi ko na ngang bagay kang maging bride ng apo ko eh. Iniligtas mo sa kahihiyan ang pamilyang to .kaya naman tatanawin kong malaking utang na loob ito sayo Reign" nakangiting sambit at sininyasan ang mga make-up artist na lumabas. Hindi ko alam biglang bumait si Madam. Nawala ang katarayan ng mukha nito na siyang una kong napansin kanina lang.

"Madam, hindi po ba kasalanan ito? Irerehistro po ba ang kasal.? Ngayon ko lang po kasi naisip na matatali na pala ako sa apo niyo. Hindi na ako pweding magpakasal sa iba. "wika ko.

Natigilan ito pagkatapos ay ngumiti. "Don't worry Reign . After Two years ipapawalang bisa din natin ang kasalan na ito. Siguro naman hindi kapa mag aasawa ng mga panahon na iyun diba? sagot nito sa akin. Napatango naman ako. "Bweno, maghanda kana. Ilang minuto nalang at uumpisahan na ang serimonya. Sundin mo na lang ang instruction sa iyo ng wedding organiser. Lalabas na ako dahil hinihintay na ako ng aking mga amega sa garden. "wika nito at nagmamadali ng lumabas. Naiwan naman akong hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Kung ganoong, totoong kasalan ang magaganap sa akin. Hindi ito fake at talagang irerehistro ito? Akala ko ba proxy lang ako. Napailing ako at hindi ko mapigilan na kabahan. Nasa gaanong pag-iisip ako ng may isang seksing babae ang pumasok sa loob. Sinabi nitong uumpisahan na daw ang KASAL.

Inalalayan niya ako palabas ng bahay habang sinasabi ang mga kailangan kong gawin.

Pagdating ng garden ay agad na tumambad sa aking paningin ang mga mayayamang mukha ng tao. Lahat ay nakatitig sa akin. Kaya parang gusto ko ng panawan ng ulirat. Napalunok ako ng makailang beses bago dumako ang tingin ko sa isang Babae sa hindi kalayuan sa akin. Matangkad at napaka gandang groom este bride din pala, oo babae ang pakakasalan ko ngayon at ito at nakatitig sa gawi ko.

"Siya ba ang groom? "este bride paano di mapagkamalang groom sa suot niyang kulay puti na suit "pabulong kong wika sa aking sarili habang mahigpit na hawak ang wedding bouquet. Narinig kong nag-umpisa na ng tumugtog ang wedding march at sininyasan na ako ng wedding coordinator na pwedi na daw akong maglakad. Napalunok ako ng makailang beses bago dahan-dahan na naglakad papunta sa babaeng nakasuot ng suit sa kalagitnaan ng aisle.

Pagkatapat ko sa kanya ay matiim akong tinitigan sa mukha bago inabot ang kamay ko. Hinalikan niya pa ito na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang kilabot. Pakiramdam ko maiihi ako sa matinding nerbiyos. May ganon ba talaga ang mga mayayaman? kailangan talagang halikan mona ang kamay ng isang babae bago hawakan? Ayyyyy ewan pero grabi ang poganda niya. At ang amoy....super yummmyyy!  Sabay kaming nagalakad papunta sa harap ng pare. Pakirmdam ko may paru-parung nagliliparan sa loob ng tiyan ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang ganda naman ng groom este bride nga sabi ehhh, Talo pa ang mga artista dito sa pinas. Ang lambot ng palad at hiyang-hiya ako dahil alam kong gaano ka kapal ng kalyo sa palad ko dahil sumasama ako minsan kay tatay kapag manggagapas kami ng palay noon sa bukid. "Saan ka napulot ni Lola? "Napaigtad pa ako ng bumulong ito sa akin. Hindi ako nakasagot at diritso lang ang tingin ko. Pakialam niya ba? Bayad na ako noh at wala naman sinabi si Madam na kailangan kong sagutin ang tanong ng kanyang apo..

Lovely Wife, Please Come Back! (INTERSEX🏳️‍🌈)Where stories live. Discover now