Kabanata 006

611 37 6
                                    

REIGN POV.

Narinig ko ang impit na tili sophie ng makaalis na si Renka. Halatang may gusto si sophie dito kaya ganoon na lang ang kanyang reaksiyon kanina...

"Alam mo bang executive secretary iyun ni Mam Hailey? Ang ganda niya diba? "kinikilig na wika ni sophie.

"Talaga? Eh ano niya ang babaeng doon sa office.? Yung ka anuhan niya kaninang umaga? "curious kung tanong. Ilan ba ang secretary ng CEO? Isa pa hindi ko nakita kanina yung Renka sa office ni Mam Hailey...

"Bale dalawa ang Secretary ni Mam Hailey. Si Mam Renka ang executive secretary. Siya ang palaging kasama ni Mam sa mga out of town tsaka meetings sa labas ng opisina. Yung isa naman siya ang palaging nag checheck ng mga emails at sumasagot ng mga phone calls kaya nasa opisina lang siya palagi. Pero ang alam ko mas malaki ang sahud ni Renka my love.."kinikilig na sagot ni sophie. Nagkatawanan namin kami...


"Hay naku......kung kiligin ka naman diyan to the highest level talaga. Hanggang pangarap ka lang naman kay Mam Renks dahil hindi ka naman pinapansin noong tao.."pang-aasar ni ate elaine. Agad naman napasimangot si sophie. Padabog itong muling naupo sa kanyang pwesto. Nagkatinginan naman kami ni ate elaine. Pagkatapos ay kinindatan ako at sininyasan na huwag na lang pansinin....

ang ating Mam Renka na kinababaliwan din ng ating Sophie my love😁🤭🤭sino ba naman kasi di mainlove sa ganda ni Renka😁🤭ang executive secretary ng ating Boss Hailey🤭

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ang ating Mam Renka na kinababaliwan din ng ating Sophie my love😁🤭🤭sino ba naman kasi di mainlove sa ganda ni Renka😁🤭ang executive secretary ng ating Boss Hailey🤭


"Tumango lang naman ako at muling itinuon ang attention sa trabaho. Eksakto alas-singko ng hapon na kuhain ang attention ko ni Ate elaine.. uwian na daw at ligpitin ko na ang gamit ko. Painat-inat naman akong tumayo mula sa aking upuan tsaka hinagilap ang aking bag para mag-ayos ng sarili. Pakiramdam ko pagod na pagod ako at gusto ko ng umuwi sa apartment na inuupahan ko. Gusto ko ng matulog...

"Saktong palabas na kami ng building ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Parang gusto ko naman magpapadyak sa sobrang inis. Kailangan pa kasing maglakad ng ilang metro para mag-abang ng masasakyang jeep. Ayaw ko na din magtaxi dahil mapapamahal ako. Kung pwedi naman mag jeep para maka tipid why not diba?

"Naku,paano ba ito. Bigla naman buhos ng ulan! May bagyo ba? "naririnig kong tanong ni ate elaine tsaka nag halungkat sa kanyang bag.

"Saan ka ba sasakay Reign? Tatawid pa kami ni sophie sa kabilang kalsada. Doon ang sakayan papunta sa tinitirhan namin."wika nito sabay labas ng payong sa loob ng kanyang bag. Nalungkot naman ako dahil magkaibang way ang aming uuwian. Mukhang mag-isa talaga ako nitong maglalakad papuntang sakayan ng Jeep...

"Ayos lang ate. Patitilahin ko na lang ang ulan bago ako maglakad papuntang sakayan. Pwedi na kayong mauna total may dala pala kayong payong.."sagot ko na lang. Nagkatinginan naman ang dalawa pagkatapos ay iniabot sa akin ni ate elaine ang hawak nitong payong..

"Here........gamitin mo muna ito. Makikisukob na lang ako kay sophie total pareho naman kami ng way na pupuntahan.."wika nito. Umiling naman ako dahil nahihiya ako sa kanya..


Lovely Wife, Please Come Back! (INTERSEX🏳️‍🌈)Where stories live. Discover now