Kabanata 019

683 44 9
                                    

REIGN POV.

"Cheers.! "nakangiting wika ni Hailey habang itinataas ang baso na may lamang alak.

Napangiti naman ako at itinaas ko din ang wine na hawak ko. First time ko uminom ngayun at wala naman sigurong masama diba.? Dalawa lang naman kami ni Hailey dito sa roofdeck at gabi na. .
Cheers.!" nakangiti kong wika. Kanina pa ako gigil na gigil maligo sa pool kaya lang nahihiya akong magsabi kay Hailey. Isa pa nalibang kami sa aming kwentuhan at hindi namin namalayan ang oras. Isa pa subrang ganda din naman kasi ng paligid. Puro asul na karagatan na lang ang aking nakikita sa buong paligid at mukhang malayo na kami sa kalupaan..






Napansin ko na tinungga na nito ang hawak niyang alak kaya wala na din akong magawa kundi tikman ang wine na hawak ko din. Parang may kaunting lasang pait pero torelable naman. Mas nanaig ang tamis na lasa siyang nagustuhan ko kaya tuloy-tuloy ko itong ininom. Bottoms up.! Wala akong itinira kahit isang patak na alak sa baso ko. Feeling ko umiinom lang ako ng juice.
May naglalarong ngiti naman sa labi ni Hailey ng tinitigan ako nito. Muli nitong sinalinan ng wine ang baso ko.










"Dahan-dahan lang sa pag-inom. Baka malasing ka kaagad.! "wika nito sa akin habang matiim akong tinitigan. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya iniwas ko ang tingin ko dito. Katulad ko sinalinan na din nito ng alak ang kanyang baso.








"Nakakalasing ba iyan.? Hindi naman yata wine ang binigay mo sa akin ehh parang juice lang. "sagot ko.mahina itong tumawa at ibinaling ang tingin sa madilim na karagatan.







"Huwag kang magtiwala sa kakayahan ng wine Reign. Mabilis yan makalasing lalo na kapag hindi ka sanay uminom." sagot nito. Tinaasan ko lang ito ng kilay at muli kong ininom ang laman ng baso. Another bottoms up at pakiramdam ko biglang nag init ang pakiramdam ko. Parang biglang nangapal ang mukha ko.










"Alam mo......kanina ko pa gustong maligo sa pool na iyan. Pwedi na ba akong magtampisaw ngayun.?" tanong ko kay Hailey. Tinitigan ako nito bago tumango.

' "Sure ...pero maliligo ka ba na ganyan ang suot mo.? "tanong nito. Natigilan ako tsaka ko ito nginisihan.







"Eh di huhubarin ko itong suot ko na damit. Mukha ka namang harmless eh. Hindi mo naman ako bubusuhan diba.? "tanong ko dito. Hindi ko alam kong saan ako kumuha ng lakas ng loob na sumagot ng ganito kay Hailey.





Siguro tama nga ito....nakakalasing ang wine na iyun. Bigla kasing nawala ang inhibisyon ko sa katawan. Nawala na din ang pagkailang ko sa kanya.






Agad akong tumayo at hinubad ang suot kong damit. Isinunod ko ang aking pantalon. Wala na akong pakialam sa presinsya ni Hailey. Ang gusto ko lang ay maglublob sa pool na iyan dahil kanina ko pa talagang gustong maligo.






Hindi naman ito umimik kaya pagkatapos kung hubarin ang aking kasuotan at tanging bra at panty na lang ang natira sa akin ay agad na akong lumusong. Agad na sumalubong sa katawan ko ang katamtamang temperature ng tubig. Agad kong nilingon si Hailey at napansin kong nakasunod ang tingin nito sa akin. Tahimik itong sumisimsim ng alak.










"Ayaw mo bang maligo....? hindi ka din yata naligo kaninang umaga eh."'malakas na wika ko dito. Umiling ito at muling tumungga ng alak. Hindi ko na lang ito pinansin at inilubog ko na ang ulo ko sa tubig.





Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakalubog sa tubig. Nagfloating pa ako at tiningnan ang ilang bituin na nasa kalangitan. This is life.! Pakiramdam ko nasa isang paraiso ako. Parang ayaw ko nang umalis sa lugar na ito.
Napadilat ako ng maramdaman ko na may braso na pumulupot sa bewang ko.










Lovely Wife, Please Come Back! (INTERSEX🏳️‍🌈)Where stories live. Discover now