Kabanata 021

437 32 8
                                    

REIGN POV..

"Congratulations Mrs. Santillan. You're two months pregnant ! "agad na wika ng doctor na tumingin sa akin. Agad na gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang katagang iyun. Walang pagsidlan ng tuwa na aking nararamdaman at agad na napahawak sa impis kung tiyan.






Sa ngayun kailangan mong sundin lahat ng sasabihin ko para maiwasan mo ang ano mang problema sa pagdadalang tao. Reresitahan kita ng mga vitamins para lalong kumapit ang baby sa iyung sinapupunan."nakangiti nitong wika sa akin. Agad akong tumango.







"Salamat po Doctora Cheska!

"Salamat po Doctora Cheska!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Meet our Doctor. Cheska Jimenez😍

Simula ngayung araw dito na po ako palaging magpapacheck-up sa iyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Simula ngayung araw dito na po ako palaging magpapacheck-up sa iyo. "sagot ko naman. Masaya naman itong tumango tsaka ako tinitigan.






"Asawa ka ni Hailey Santillan diba.? "hindi ko inaasahan na tanong nito sa akin. Agad naman akong tumitig dito at nag-alangan na tumango. "hindi ko alam kung papayag siya na dito ka palaging magpacheck-up. Magkakilala kami noon pa at hindi in a good terms ang pamilya namin. Pero gayun pa man Congratulations Reign. Kapag may iba ka pang kailangan , huwag kang magdalawang isip na lumapit sa akin. "nakangiti nitong wika sa akin at agad ng nagsulat ng mga vitamins na dapat kong bibilhin sa botika. Naguguluhan naman akong napatitig dito.







Kung tutuusin bata pa si Doctora Cheska. Wala pa yata ito sa 30s at kapansin-pansin ang ganda nito. Hindi ko lang maintindihan ang ibig nitong sabihin at siguro wala ako sa lugar para magtanong. Gayunpaman , nararamdaman kong mabait ito.







"Here! huwag mong i-skip ang pag-inom ng vitamins ha.? Medyo mahina ang kapit ni baby at since first baby mo ito kailangan mo ng ibayong pag-iingat. Iwasan ang stress at pagod. Kailangan mo din ng healthy diet. "nakangiti nitong wika kaya agad akong nagpasalamat. Pagkatapos ay agad akong nagpaalam.

Wala sa sariling naglakad ako sa hallway ng hospital. Sari-saring emosyon ang aking nararamdaman. Hindi ko maiwasan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata ng muli kong naalala ang mga nangyari kagabi. Umaasa ako na magbabago ang pananaw ni Hailey kapag malaman nito na buntis ako.





Lovely Wife, Please Come Back! (INTERSEX🏳️‍🌈)Where stories live. Discover now