CHAPTER: 26

4 0 0
                                    




“ Salamat madam.  ” naka ngiting sabi ko nang matanggap ang sweldo. Mamaya ay mamimili na ako ulit ng mga gamit para kay baby

Paunti-unti na rin akong bumibili since hindi ko naman kayang bilhin lahat ng sabay-sabay, kada sweldo ay siya ring pamimili ko ng kaunting gamit para kay baby

“ madam, wala po bang padagdag dyan para kay Avril? Dumadami po yung customer dito dahil sa maayos na trabaho ni Avril. ” saad ni Bruce

“ yung bayad niya sa pangungupa ng bahay hindi niya pa nababayaran, binawas kona sa sweldo niya 'yon. ” aniya

Napatingin naman sakin ni Bruce, ngumiti na lamang ako at tumango,  “ ayos na ito bruce. ” mahinang sabi ko

“ Mamimili ka ng gamit para kay baby? Samahan na kita. ” aniya sabay hubad ng afron na suot niya

“ teka, wala ka bang gagawin ngayon? Saka kaya ko namang mag-isa. ” sabi ko, sa tuwing mamimili ako ay lagi na lang akong sinasamahan nito, minsan ay parang nahihiya na rin ako dahil baka naaabala kona siya

“ ano kaba, 'wag mong sabihin na ngayon ka pa nakaramdam ng hiya sa'kin e lagi ko nang ginagawa 'to sa tuwing namimili ka.  ” i couldn't help but smile. I'm lucky to have met bruce here, siya lang ang kaisa-isang tao na hindi ako pinabayaan dito, mabuti nalang at may kaibigan akong gaya niya

“ tignan mo, bagay na bagay to sa magiging baby mo.  ” aniya sabay pakita ng damit na kulay asul, may spiderman pa 'yon na maliit sa may dibdib

Mahina akong natawa, “ hindi pa natin alam kung lalaki nga ba o babae ang baby ko.  ”

“ oo nga noh. ” aniya saka binalik ang hawak. Napahawak naman ako sa aking bewang nang medyo makaramdam ng pagod kakalakad

“ ayos ka lang?  ”

“ oo, medyo napagod lang. ”

“ umupo ka muna, bibilhan kita ng tubig. ” aniya, inalalayan naman ako nito hanggang sa maka upo

“ babalik ako agad. ”

Ngumiti ako at tumango na lamang

Bumaba ang tingin ko sa aking tyan,  “ ayos ka pa ba dyan baby? Sorry kung halos wala na tayong pahinga, kailangan kong magsipag para saating dalawa. ” saad ko habang hinihimas ang aking tyan

“ Avril. ” agad akong napa angat ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa aking pangalan

Napatayo ako, “ Tim. ”

Ganito na ba talaga kaliit ang mundo?

“ a-anong... ”

“ i'm with him.  ” aniya, agad na nanlaki ang mga mata ko, pero may parte sa'kin na tila sumaya ako nang malaman na nandito din siya

Ilang buwan na rin

Hindi ko alam kung ayos nga lang ba siya, kung kamusta na siya

“ hey Tim, what the fúck, alam mo namang ayaw ni Damian na pinaghihintay siya ano pang ginagawa mo dyan- ” nang makalapit si sandro ay tila natigilan ito nang makita ako

“ a-avril...  ”

“ you're pregnant. ” saad ni Tim kaya agad akong napatingin sakanya na ngayo'y naka tingin sa tyan ko

Damn, dress ang suot ko at kitang-kita ang medyo umbok kong tyan dahil sa dress na ito

“ huh?  ” takhang bumaba ang tingin ni Sandro sa aking tyan

“  oh fúck! ”

“ buntis ka?! ” gulat na sabi nito. Napahawak na lamang ako sa aking tyan, maitatanggi kopa nga ba

RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBANDWhere stories live. Discover now