“ anong ginagawa mo? ” kunot noong sabi ko. Isasara kona sana ang pinto ng kwarto kung nasaan ang kapatid ni bruce nang bigla niya itong harangin
“ i'm coming in, i'm allowed, aren't i? ”
Ano 'to, bibisitahin at kakamustahin niya ba ang taong muntik niya nang mapàtay?
“ damian. ” May pagbabanta sa tono ng pananalita ko. I don't want him to cause trouble here
“ i won't do anything. ” paninigurado nito
“ Damian, gising na ang kapatid ni Bruce. Hindi ka man lang ba natatakot na pwede ka niyang ituro ngayon dito sa mga ginawa mo sakanya? ”
“ you're worried. ”
“ of course i am! ” kontrolado ko parin ang aking boses. Sinigurado kong hindi lalakas ang aking pagsigaw upang hindi 'yon marinig ni bruce at ng kapatid niya
I admit, i'm also worried about damian, kaya saan niya nakukuha ang lakas ng loob niyang bisitahin pa ang taong pwedeng pwede siyang ituro at ipakulong ngayon
“ avril- ”
“ Avril, sinong kausap mo?- ikaw pala Mr. damian ”
“ bakit nakatayo lang kayo dyan? ” he asked innocently. Wala siyang kaalam alam na si Damian ang dahilan kung bakit nandito sa hospital ang kapatid niya
“ pumasok na muna kayo. ” aniya. Sinunod naman 'yon ni Damian, wala akong nagawa kundi hayaan ito
Tumigil siya sa paglalakad at huminto sa harap ng kapatid ni bruce. Nakita ko kung paano magulat ang kapatid ni Bruce nang makita si Damian
“ a-anong ginagawa mo dito? ” tila mauubusan na ng hininga ang lalaki sa takot.
“ inhale brix, i'm not going to kill you here. ” kalmadong sabi ni Damian
“ teka, magkakilala ba kayo? ” naguguluhang tanong ni Bruce
“ drop the act, Bruce. ” baling nito kay Bruce
“ Damian. ” ang akala ko ba ay hindi siya gagawa ng gulo dito
“ i'm sorry. ” lumayo na ito at umupo sa sofa
“ pagpasensyahan mo na. ” bulong ko
“ ayos lang. ” tipid na ngumiti si Bruce. I couldn't help but wonder why damian seems to know bruce and his brother, pero ayoko namang paghinalaan si Bruce, masyado itong naging mabait sa'kin
“ dahan-dahan, ” aniya at maingat akong hinawakan sa kamay at bewang upang alalayang bumaba ng sasakyan
“ umuwi kana Damian. ”
“ Avril, sasama ka sa'kin. ”
“ pumayag ba ako? ”
“ I'm sorry, but i'm not asking your permission. Whether you like it or not, you need to stay by my side. ” aniya, tumaas ang isang kilay ko dahil sa roon, Hindi niya ako mapipilit na sumama sakanya
“ 'wag kang desisyon sa buhay ko, hiwalay na tayo Damian. ” akmang magsisimula na ako sa paglalakad muli nang magsalita ito
“ pumayag ba ako? ”
Bumuntong hininga ako at humarap sakanya, “ Damian. ”
“ Avril, mas map-protektahan ko kayo ng baby natin kung mananatili ka sa tabi ko. ”
Nag-iwas ako ng tingin, parang kabaliktaran naman yata, masyadong malapit ang gulo sa buhay niya, kapag nanatili ako sa tabi niya parang lumapit lang din ako sa gulo

YOU ARE READING
RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBAND
RandomAng dalagang walang ibang hangad kundi ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang gusto niya lang ay ang matupad ang pangarap niya para mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang nitong malaki ang saksipisyo para sakanya. But what i...