Cinco : Home

97 5 0
                                    

Dumiretso siya sa kusina saka kumuha ng tubig sa ref, sinilip niya ito sa sofa saka kumunot ang noo nang makitang tulog ito.

"Really? In that position? A billionaire would dare to sleep in a couch?"

Di siya makapaniwalang tumingin rito saka napagtantong hindi pa pala nito naipasok  ang dalang maleta. Nagtungo siya sa pintuan saka binuksan iyon at isa-isang tinulak ang maleta papasok.

"What are you doing?"

Napasigaw siya ng malakas ng magsalita ito sa pintuan. "Ano ba?" sigaw niya rito. Tinulak niya ang maleta palapit rito saka iniwan ito at pumasok sa loob.

"Dapat di na ako nangialam e.'' bulong niya sa sarili saka dumiretso sa kusina. 

Inirapan niya lang ito saka tumunog  ang phone niya kaya pumasok siya sa kwarto at kinuha ang phone sa bedside table. It was a nurse from their hospital.

"Doc, may patient po na need ng emergency surgery. Pinasa po ng Neuro sayo." wika nito ng masagot niya ang tawag.

"Okay, I'll be there in 20 minutes. Tell the OR to prepare." sagot niya saka binaba ang tawag.

Tiningnan niya ang orasan saka kumuha ng damit sa closet niya at dali-daling nagbihis. 

Tinawagan naman niya ang intern saka lumabas sa kwarto.

"Prepare for the operation. Work with the anesthesiologist. I'll be there in less than 20 minutes." wika niya saka binaba ang tawag.

Hindi na niya pinansin pa si Storm  sa sala saka siya diretsong lumabas ng condo at pumasok sa elevator.

While Storm looks confused of why she's leaving late that night.

It was almost midnight when she reached the hospital. Sinalubong naman siya ng intern doctor saka sila sabay na dumiretso sa operating room. They checked first the case of the patient bago nila isagawa ang operasyon. An hour later they started the operation.

It was a long night for her. It took them almost seven hours to finish the operation and it was seven in the morning ng makalabas siya sa operating room. Dumiretso siya sa opisina niya saka nagbihis.

Kinuha niya ang susi ng sasakyan at dumiretso sa parking lot, tinahak ang daan pauwi. Kinuha niya ang phone saka tinawagan si Verdith.

"May pasyente akong inoperahan kanina. Ikaw na muna check sa kanya please. Bukas pa ako duty. You can call Doc Sav, she will tell you."

"Okay. 9 pa naman pasok ko, tulog muna ulit ako." sagot nito sa kabilang linya.

"Okays!"

Binaba niya ang tawag saka nang makarating sa condo ay agad siyang bumaba sa sasakyan saka pumasok sa condo niya.

Agad siyang napatigil sa paglalakad papasok sa unit niya ng may makitang babae na naglilinis sa loob. Bukas pa ang pintuan. Saka siya napakamot nang mawala sa utak niya na nandoon pala ang groom kuno niya.

'Bagyo!' naisaisip niya saka mahinang natawa.

"Magandang umaga hija." bati nito sa kanya saka siya ngumiti rito.

"Good morning po. San po si Stor-.." di na niya natapos ang sasabihin ng lumabas ito mula sa kwarto niya. Malalaki ang hakbang na tinahak ito saka hinila ito papasok sa kwartong pinanggalingan nito. 

Natameme siya sa hitsura ng kwarto niya. Nandoon na ang dalawang maleta nito at nasa kama niya ang ibang gamit nito. Her bed was a mess and everything were so in chaos.

"What are you doing?" inis na tanong niya. Hindi ito umimik at nakatingin lang sa kanya, pinagkrus ang dalawang kamay habang nakasandal sa pintuan. "Are you crazy? Get all your things away from my bed." halos pasigaw na na wika niya rito.

BILLIONAIRE SERIES #3: TAMING MY BILLIONAIRE HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now