Bente Cuatro: The Man She Made

105 6 0
                                    

Their conversation was interrupted by an old man who entered the room calling Storm's name.

"Mang Ben!" tawag ni Storm rito saka lumapit.

"Kakarating niyo lang ba?" tanong nito.

"Yes po, siyanga pala Mang Ben, This is Eirlys, my wife."

Pekeng ngumiti si Eirlys saka tumingin kay Storm at tinitigan ito ng masama. Nagkibit balikat lang ito sa kanya saka ngumisi.

"She's also the Doctor I mentioned to you before."

Tumingin ito sa gawi niya saka siya ngumiti rito. "Hello po!" bati niya rito saka naman ito tumango.

"Sumunod na kayo agad sa bahay, naghihintay na si Misis sa inyo."

Kumunot ang noo ni Eirlys na tumingin kay Storm pero hindi ito nagsalita at hinawakan lang ang kamay niya at sumunod rito.

"What is he talking about? Ano ba talaga ang sadya mo rito ba't mo ako sinama?" bulong na tanong niya.

Hindi ito sumagot at sumunod lang sa matanda.

Dumating sila sa isang bahay na may dalawang palapag. Lumabas naman roon ang isang batang nasa mga limang taong gulang na saka tumatakbong lumapit kay Storm.

"Bumalik kayo!" masayang sambit ng bata. Binitiwan ni Storm ang kamay niya saka kinarga ang bata.

Tiningnan lang niya si Storm habang kinakarga ang bata saka napapangiti.

'He seems to like the child that much.'

She was thinking of Nate ng humarap ito sa kanya.

"This is Tita Eirlys, my wife!"

"Hello po, ang ganda niyo naman!" sambit ng bata saka siya mahinang natawa. "Ganda ng asawa niyo, parang anghel!"

Nakipag-apir si Storm sa bata saka tumingin sa kanya. Ngumiti si Storm sa kanya bago binaba ang bata at hinawakan ang kamay niya  saka naglakad papasok sa bahay.

"Azalea, bumalik ka na rito sa loob." rinig nilang sigaw ng babae mula sa loob. At her age, she must be Mang Ben's wife.

"Pasok kayo!" wika nito ng makita sila.

Dumiretso sila sa living room saka siya tumingin kay Storm na nakatitig lang sa kanya.

"What?" kunot noong tanong niya. Hindi ito sumagot at tumingin lang sa kanya.

"Kumusta ang biyahe niyo, medyo malayo rin ang binyahe niyo." tanong ng asawa ni Mang Ben saka umupo.

"It's good."

May inabot ito sa kanya na folder saka nagtatakang tumingin si Eirlys roon.

Tumingin si Storm sa kanya saka ito tumango na wari ba gusto rin nitong tanggapin iyon.

"Iniwan sa akin iyon ng Chairman bago siya mawala, para raw iyan sa iyo." wika ng matanda saka niya kinuha ang folder at binuksan ito.

"When my grandfather left his last will, he keep his other properties and assets to Mang Ben saying it will be on the right hands when the time comes. I didn't know it was you." wika ni  Storm.

"Why would he left something for me?"  nalilitong tanong niya saka siya napatigil nang maalala ang huling pagpunta niya sa bahay nito noon.

'He didn't left something for Nate right?'

Tumingin siya kay Storm saka mahigpit na hinawakan ang folder. Tumaas ang kilay nito sa reaksyon niya.

"Aren't you gonna read it?" tanong nito.

BILLIONAIRE SERIES #3: TAMING MY BILLIONAIRE HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now