Mikha's POV
"For the last time, Aiah. I'm telling you... stop going out with that guy! He's not good for you." I said.
Tumayo si Aiah after nyang ayusin yung suot nyang shoes. Kinuha nya ang bag at humarap sakin.
"Sorry, Mikhs. I can't back out now. He's waiting outside." She said.
Naiiling nalang akong naglakad papunta sa bed ko para kuhanin yung sling bag ko. Nilagpasan ko nalang sya ulit at hindi na pinansin pa doon habang nag-aayos sya ng buhok nya.
"Miks, saan ka punta?" Habol sakin ni Stacey, yung isa kong ka-dorm. Tatlo kami sa isang dorm pero pwede rin namang apat. Sa ngayon kasi ay walang gumagamit nung bed sa itaas na double deck kung saan ako ang gumagamit.
"Grocery. Need to buy some stocks here." I answered then tumalikod na ako sakanya. Hindi na ako nag-abala pang hintayin ang susunod nyang sasabihin dahil I'm not in the mood to talk to someone right now.
Yung school namin ay nagpapa-rent sila ng dorm para sa mga student nila na gustong magstay-in or yung mga nakatira sa malalayong lugar. Dahil nga sa ayaw kong bumyahe ng malayo, I rented a dorm at sila ang nakasama ko.
It's sunday, Aiah and I agreed to go to the grocery together but I ended up going there alone. Kainis! Stuff namin yun dalawa eh. Dapat kaming dalawa ang magkasama ngayon hindi sila.
Nasa mall yung grocery na pinakamalapit sa dorm kaya nag grab ako papunta doon. Pagkahinto ng grab sa tapat ng mall ay nagbayad ako sa driver saka bumaba. Nagtingin muna ako ng convenience store to buy a coffee for myself. Hindi pa ako nakakapagkape and I badly need one.
Madali naman akong nakahanap dahil sa side lang ng mall ay mayroong convenience store na 24hrs open. Pumasok ako doon at dumiretso sa coffee machine and about to press the button for the coffee I want when someone suddenly grabs my hand. Napatingin ako sa kamay nyang nakasukbit sa braso ko bago ko tinignan kung sino yun.
I know her. She's my blockmate pero hindi kami close. Sinubukan ko pang tanggalin ang pagkakahawak nya sakin pero hindi sya nagpatinag.
"I told you, Mak. She's on her way here." She said, turning her head to me and smiled. Sinandal nya pa ang ulo nya sa braso ko.
"Ano bang sinasabi mo-"
"Loi, oh come on." Napatingin ako doon sa lalaking nagsalita. He's kinda familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakikita. Baka schoolmate din? I don't know and I don't care. Sino ba tong mga 'to at dinadamay ako sa buhay nila.
"We agreed to watch a movie together diba? Let's go." He said.
"Never akong pumayag, Mak. Sunday was supposed to be my Me time pero sinira mo." She rolled her eyes.
"Ahm..." sinubukan ko ulit na tanggalin ang pagkakahawak nya sakin pero mas lalo nya lang hinigpitan yun.
I just rolled my eyes in frustration. Gusto ko lang naman magkape eh. Bakit nasali pa ako dito?
"Mikha is here. We're going somewhere pa. Maybe next time, Mak. Bye!"
Naiwan yung lalaki sa loob ng store. Hindi na sya hinintay pang magsalita nitong kasama ko at hinatak nalang ako palabas.
Nang makalayo kami sa store ay tinanggal ko na agad ang pagkakahawak nya sakin.
"Sorry." She said softly.
Naiiling nalang akong naglakad papasok ng mall. Nawalan na ako ng ganang magkape. Mamaya nalang siguro sa dorm pag wala ng sisira sa timpla ko.
But hell no! Akala ko matatahimik na ako pero hindi pa pala. Nakasunod sya sakin.