Maloi's POV
"I miss you.."
Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko yung narinig ko noong gabing natulog ako sa dorm nila Mikha. I heard everything and it made me think of something na hindi naman dapat. They're friends, normal lang naman yun lalo na at hindi kayo masyadong nagkakabonding ulit diba?
When I heard Mikha's voice that night, I opened my eyes to see what's going on down there. I saw her sitting beside Aiah's bed, cleaning the latter's face. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa, I can clearly saw how Mikha stared at Aiah's face that night.... she looks so inlove with her.
'Babi'
She calls Mikha by her nickname, so softly. Kahit ang pagtawag nya palang kay Mikha ay malalaman mo nang may something. But ofcourse, I just shrugged it off. Ayaw ko naman bigyan ng malisya ang pagkakaibigan nilang dalawa.
"Loi, kakanta ka ba o kakanta?" I heard Sheena's voice, snapping out of my thoughts. "Kanina ka pa strum ng strum ng gitara eh. Kumanta ka naman." Reklamo nya sabay kamot sa ulo nya.
Nasa music room kami ngayon ng school para sa praktis namin sa sasalihan naming event. The school let us use this room kahit na hindi naman event ng school ang sasalihan namin. It's for our own career. Char.
"Ito na nga oh. Kakanta na." Nag-start na ulit akong mag-strum ng gitara at kumanta na. Nakikinig lang sila sakin habang nakaupo sila sa sahig.
Pinili kong kantahin yung 'Para sa akin by Sitti'. One of my favorite song na palagi ko ding kinakanta kahit saang videokehan.
"Di kita pipilitin, sundin mo pang iyong damdamin. Hayaan nalang tumibok ang puso mo. Para sa akin."
I thought about Mikha when I sang that lyrics. Bakit sya? Oh gosh, I miss her. Magkaklase kami pero pag nandito kami sa school ay parang hindi kami magkakilalang dalawa. Parang hindi kami nagkakabonding sa labas. Ilang araw na kaming hindi nakakapag-usap dahil parehas kaming busy, ako dito sa music room, sya naman sa training nya ng volleyball. I tried to message her din naman pero hindi sya nagrereply sa mga chats ko. Ayaw ko naman syang tanungin kay Stacey dahil sigurado akong aasarin lang nya si Mikha sakin.
I bid my goodbye to Aiah and Stacey. Katatapos lang ng praktis namin pero si Jhoanna ayun, stress pa rin dahil kulang pa kami ng isang member. We need one person na can do both, sing and dance. Lahat ng nag-audition samin today ay hindi pumasa sakanila.
"Jho, wait lang. I need to buy something lang sa convenience store." Hinila ko si Jhoanna, si Sheena naman at Gwen nauna nang bumalik sa dorm namin. Pagod na daw sila kaya hindi na sumama sakin.
Pagkapasok namin doon ay agad kong natanaw yung taong hinahanap ko ng ilang araw.
"Jho, gusto mo na bang mauna sa dorm? Una ka na. Baka pagod ka na eh." Pagtutulak ko sakanya palabas ng store. Wala naman na syang nagawa kung hindi lumabas. Napakamot nalang sya ng ulo nya dahil naguluhan sakin bigla.
"Umuwi ka agad ha." Bilin nya pa saka tumakbo para habulin sila Sheena at Gwen. Narinig ko pa yung pagsigaw nya ng pangalan nung dalawa.
Bumalik ako sa loob ng store at nilapitan sya. Nakaupo lang sya sa bandang gilid kung saan nakapwesto yung table and chair na para sa mga customer nilang kumakain dito.
"Hi."
Parang nagulat pa sya na makita ako dito. Ang lalim yata ng iniisip nya para hindi maramdaman ang pagtabi ko sakanya.
"Why are you here?" She asked.
"I saw you that's why I came here. Ilang araw na tayong hindi nakakapag-usap eh. Hindi ka rin nagrereply sa mga chats ko. Sobrang busy mo pa sa training."