2

149 4 0
                                    

Maloi's POV

















"Mary Loi..."

Binilisan ko ang paglakad ko dahil kanina pa nakasunod sakin 'tong si Maki. Kinukulit na samahan ko syang manuod ng sine pero ilang beses na akong tumanggi sakanya. Hindi ko trip manuod ngayon ng movie with him eh.

Napadpad ako sa convenience store na nakapwesto sa side ng mall. Pumasok ako doon para bumili ng makakain or maiinom. Wala na akong pakielam kung hindi ako tatatantanan ng kumag na yun. Ang mahalaga makakain ako. I'm hungry! Dapat kasi talaga is me time ko ngayon eh. Kaso nasira na nya.

"Loi, sige na. I really want to see this movie."

Abala na akong kumakain ngayon ng rice meal, hindi sya pinapansin.

"Please.." nagpa-cute pa nga. Pero hindi naman umobra sakin yun.

"Ayaw ko nga, okay?" Pagtataray ko pero hindi rin sya naapektuhan.

"Bakit ba ayaw mo?" Bumuntong hininga sya at tumingin sa ilalim.

"I'm..." tumingin ako sa paligid ko para humanap ng dahilan ko para hindi sya samahan.

Si Maki... he's my manliligaw na wala atang balak tumigil kahit sabihin ko pang ayaw ko sakanya. Napakapursigido nyang mapasagot ako pero wala naman talaga akong balak na sagutin sya. Ilang beses ko ng sinabi sakanya na I don't want to get in a relationship pa eh, but he was so determined.

Nakakabilib na nakakainis minsan.

Saktong pagtingin ko sa main door ng store ay pumasok doon ang isa sa mga taong hindi ko inaasahan na makikita ko dito. Dumiretso sya sa coffee blender. What a coffee lover talaga.

"...with someone." Sabi ko at tumayo na. Niligpit ko yung kinainan ko para itapon muna sa trash can bago ako lumapit kay Mikha.

Kumapit ako sa braso nya to show Maki that I'm with her, hinihintay lang.

"Loi, oh come on." Napabuntong hininga si Maki habang nakatingin sa kamay kong nakakapit sa braso ni Mikha.

Sinabi nya pa na pumayag akong manuod ng sine with him, eh hindi nga ako umo-o sakanya. Imagination nya lang siguro yun or yung mga kaibigan ko lang ang nagsabi sakanya. Mga baliw yung mga yun eh. Pahamak ay.

Napatingin ako kay Mikha, gusto kong matawa sa itsura nya habang nakatingin sakin dahil mukha syang naguguluhan sa nangyayari.

So, nagpaalam na ako kay Maki at hinatak na si Mikha palabas ng store. Naglakad kami hanggang sa entrance ng mall. Tinanggal naman nya agad ang pagkakahawak ko sakanya.

"Sorry." Sabi ko.

Hindi nya ako pinansin. Naglakad lang sya papasok ng mall kaya sumunod ako sakanya. Akala siguro nya ay hindi ko na sya susundan, pero baka kasi nandyan pa sa labas si Maki eh. Kay Mikha may katahimikan ako, kaya sakanya muna ako susunod. Hinayaan nya naman akong sumama lang sakanya hanggang sa makarating kami sa grocery. Sinabi ko kasi sakanya na behave lang ako kaya pinilit kong hindi magsalita kahit gusto ko na syang kausapin.

Nang matapos na sya sa pagkuha ng mga kailangan nya ay napadaan kami sa rack ng chocolates kaya kumuha ako doon at inilagay sa cart nya. Tinignan nya pa ako kaya sinabi ko agad na ako ang magbabayad nun. Akala nya ata magpapalibre ako.. pero nilibre nya nga ako. Haha. Sya nagbayad nung chocolate ko. Bait naman pala eh. Sinabi ko pa sakanya na hindi pa ako kumakain, I lied.

Nagulat din sya nung nakita nya akong nakasakay sa taxi. Pero wala naman syang magawa dahil hindi nya ako pwedeng itulak palabas dito kaya sumama na ako hanggang dorm nila. Naabutan ko si Stacey na nakaupo sa couch at nanunuod lang sa phone nya. Tapos niyaya na ako ni Mikha na doon na maglunch. Kakain ako kahit busog pa ako. Luto ni Mikha Lim yan eh.

We're Just FriendsWhere stories live. Discover now