9

151 8 1
                                    

Maloi's POV
























"Happy Birthday, Mikha!"

Sinalubong namin ang birthday ni Mikha sa dorm nila. Plano lahat ito ni Aiah since magiging busy nga si Mikha bukas pagdating ng parents nya.

Isa-isa kaming nagbigay ng regalo sakanya.

Nagpadeliver lang kami ng pizza, spaghetti at cake, ambagan pa dahil paubos na din ang allowance namin. Mabuti na nga lang at may contest kaming sasalihan eh, kahit hindi pa sigurado na mananalo kami doon ay pinaghatian na namin ang cash prize. Ganoon kami ka-advance mag-isip.

Nagkanya-kanya na kami ng upo sa sahig, nasa gitna yung mga pagkain namin. Kukuha na sana ako ng plato ko para makapaglagay na ng pagkain pero may nag-abot saakin ng plato na may laman ng pizza, fried chicken at spaghetti. Napataas ako ng tingin, nakangiti sakin si Mikha habang hawak yung plato.

Kinuha ko yun. "Thanks, Miks." Kaswal na sabi ko sakanya. Nginitian nya lang ako bago sya kumuha ng pagkain din nya.

"Oh Uyab, inumin mo." Inabutan din ako ni Colet ng isang basong softdrinks. Kinuha ko yun at nilapag sa tapat ko.

"Sana all talaga!" Kantyaw ni Stacey, nagpaparinig pa ata kay Jhoanna.

"Gusto mo, Staks?" Inalukan ni Sheena si Stacey ng cake. Kukuhain na din nya sana pero nilayo ni Sheena. "Hingi ka kayAte Jho Haha."

Napairap tuloy si Stacey. Loko talaga 'tong si Sheena eh. Sinaway na nga lang sya ni Gwen.

Habang kumakain kami ay nagkakantahan sila. Ang iingay, sana hindi kami mapagalitan.

Si Sheena na katabi ko at Jhoanna ay napapasayaw pa, feel na feel ang kanta.

Nang mapagod na sila ay hinila nila si Mikha para tumayo. Iniabot nila sakanya yung mic na maliit at nagrerequest na sya naman ang kumanta.

"Ayaw ko!" Binabalik ni Mikha yung mic sakanila pero hindi nila kinukuha. Natatawa tuloy ako sa itsura nila doon. Pati ako nakikisigaw na din para kumanta sya. Sinasamaan nya tuloy ako ng tingin.

Bandang huli, wala din syang nagawa kung hindi kumanta. Ito siguro yung first time na maririnig ko syang kakanta.

Tumayo kaming lahat para sabayan si Mikha, mukha kasi syang nahihiya pa. Si Stacey pumunta pa sa harapan para sumayaw, si Jhoanna at Sheena tamang kain lang kasama sila Aiah na nakikitawa lang samin.

Nag-start na yung intro.

"Eyyyyy!" Sigaw ni Sheena sa tabi.

"Dahil birthday mo, sasayawin ko lahat." Sabi naman ni Stacey na nagsimula na ngang sabayan yung kanta ni Mikha.

Ako tamang nasa likuran lang nya, nakikisilip doon sa lyrics.

"Minsan ay nahuhuli
Ang sarili na nag-aalala
Mga bagay na 'di kontrolado pinoproblema
Pero teka lang .."

"Teka lang!" Sigaw din ni Colet, sumingit pa sa gitna namin.

Halata naman kay Mikha na nahihiya sya kaya kinuha ko yung isang mic para sabayan sya.

Noong marinig nya ang pagsabay ko ay napatingin sya sakin, nakangiti.

Sumesenyas ako sakanya na ituloy nya lang dahil ang ganda ng boses nya. Hindi mapagkakailang pwede syang sumali sa amin. Pero ayaw daw nya sabi ni Aiah, ilang beses nya na daw niyaya pero laging tumatanggi.

Maya-maya lang ay nakisali na din samin si Sheena. Nililipat nya yung kanta kaya nagkakagulo sila doon sa phone. Naipit pa si Mikha sa gitna nila kaya hinila ko na sya, tinatawanan ko sya dahil ang gulo na ng buhok nya.

We're Just FriendsWhere stories live. Discover now