Maloi's POV
Alam kong hindi pinanganak kahapon ang mga kasama ko sa dorm para hindi mapansing lagi akong wala doon. Sigurado akong nagtataka na din sila sa mga kinikilos ko. Pero hindi sila nagtatanong sa akin. Hinahayaan lang din nila akong gawin ang gusto ko.
Sheena and Jhoanna are too smart not to noticed it. Gwen is too observant din, lahat napapansin nya pero mas gusto nya lang na manahimik, yung tipong parang wala syang pakielam sa nangyayari sa paligid nya.
Parang kahapon, narinig ko silang tatlo na nag-uusap-usap tungkol sa akin, nagtulug-tulugan kasi ako.
"Parang may kakaiba dyan kay Ate Maloi."
"Baka may dini-date na si Ate Maloi?"
"Sino naman sa tingin mo, bebe? Eh, lagi nga natin syang kasama eh."
"Baka si Maki?"
"Imposible!"
"Eh sino sa tingin mo?
"Wala naman syang ibang kasama kung hindi tayo... at si Colet?"
"Si Colet? Oh my gosh!"
Kahit hindi ko nakikita yung reaksyon nila, alam kong ang OA ni Jhoanna at Sheena. Pero atleast, hindi nawala sakanila na posibleng magkagusto ako sa same gender. Okay na yun sa akin. Tanging si Stacey lang ang nakakaalam ng tungkol sa amin or.. hindi lang nagsasabi yung iba pero napapansin na nila? I don't know.. I honestly don't care.
"Hi po, Tita." Naalimpungatan ako ng may marinig akong pamilyar na boses sa baba. Nasa second floor ako ng bahay namin pero rinig ko pa din dahil sa lakas nun. Ang energetic eh.
Alam kong Stacey yun.. pero anong ginagawa nya dito?
Hindi ako nakapasok ngayong araw dahil sa ubo at lagnat ko. Lumala ata 'to pagkatapos ng Laguna trip namin, bigla nalang sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi muna ako sa bahay namin.
Lalabas na sana ako ng kwarto ko nang may marinig pa akong isang boses sa baba.
"Yes po, Tita. Kakamustahin lang po namin si Maloi and we need to go back na po kasi we have class pa."
"Go na, Miks. Ikaw na umakyat doon. Makikipagkwentuhan lang muna ako dito kay Tita."
Nakarinig ako ng footsteps sa hagdan, si Mikha na yun sigurado ako.
"Loi?" Kumatok pa sya sa pinto ng room ko. "..may I come in?"
"I'm sick, Janna. Nilalagnat ako.. inuubo. Baka mahawa ka." Nag-aalala lang naman ako sakanya.
"I don't care. I came here to see you." Seryosong sambit nya.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Ayaw ko sanang magpakita sakanya na may sakit ako kaya umuwi ako dito sa amin ngayon. Pero wala naman akong magagawa kung hindi papasukin sya sa kwarto ko dahil sumadya pa sila dito ni Stacey.
"Fine. Come in, bukas yan."
The door opened and Mikha walks in. Naglakad sya palapit sa bed ko at umupo sa tabi ko. Kinapa nya pa ang noo ko gamit ang likod ng palad nya.
"You're hot." She said, sound so worried.
I smirked at her. "I know I'm hot, Janna."
She rolled her eyes. "That's not what I meant, Loi. You're hot because you're sick. Did you drink your medicine na ba? You didn't tell me pa about you being sick. Kung hindi pa nabanggit ni Colet hindi ko pa malalaman. Kaya pala hindi ka nakapasok ngayon. Buti pa si Colet alam nyang may sakit ka..." she sighed. I felt guilty tuloy. Ayaw ko na sanang sabihin sakanya para hindi na sya mag-alala eh. "..but it's okay as long as I'm here. You feel better na ba? Nagpacheck-up ka na din ba?"