Mikha's POV
"Nasaan na ba kasi yang si Staku!"
Kanina pa namin hinahanap sila Stacey, Maloi at Sheena. They were no where to be found. Kahit sa music room ay wala sila. Mamayang hapon pa naman ang start ng singing contest pero ewan ko ba dito kay Jho, hinahanap kaagad si Stacey. Nadamay pa ako kasi hinahanap ko din si Maloi. Buti pa si Gwen kalmado lang doon sa classroom namin, hinihintay na bumalik si Sheena.
Start na ng School festival at lahat may oras pa para mag-ikot sa mga stall na itinayo sa school ground bago ang mga contest. Kaya heto kami ni Jhoanna, iniikot ang buong ground mahanap lang namin yung tatlo.
"Nasaan na ba kasi yun. Mayayari talaga sya sa akin yan eh." Sambit nya, bakas na ang pagkainis sa boses. I don't know why, baka namimiss lang nya si Stacey.
"Mga Miss Ma'am.." napalingon kami ni Jho doon sa babaeng tumawag sa amin, may hawak na bulaklak na naka-arrange na. "..baka gusto nyong padalhan mga crush ninyo na bulaklak. 150 lang 'tong tatlong roses na hawak ko, may letter na din na kasama." Nilapitan nya kami para ipakita yung bulaklak pero tinutulak lang ni Jho pabalik doon sa babae.
"Sorry Ate. Wala akong crush eh. Ikaw, Miks? Meron ba?" Pinagtaasan nya ako ng isang kilay nya.
"Ha? W-wala din. Let's go.." hinila ko na sya paalis doon. Wala naman akong balak na bumili noong bulaklak.
Pero ayun ang akala ko. After magwalk-out ni Jho sa akin dahil sa mga pang-aasar ko sakanya, natagpuan ko nalang ang sarili kong nagsusulat na ng letter para doon sa bulaklak na ibibigay ko kay Maloi. It's a yellow tulips, her favorite color. Ayun lang din kasi ang available na bulaklak maliban doon sa roses.
"Don't worry po, hindi malalaman nang pagbibigyan nyo na sa iyo galing 'to." Ngumiti yung babae after nyang iabot sa akin yung sukli ko. Sila na daw ang bahalang magpadala kay Maloi sa room na ibinigay ko sakanila.
Sa pag-iikot ko mag-isa ay nasalubong ko pa yung mga team mates ko. Kaya nahila nila akong kumain muna doon sa stall na itinayo ng mga kaibigan nila.
Mga street foods ang binebenta nila. Kumuha lang ako ng kikiam at fishball pati na din bottled water. Nagkwentuhan lang kami doon then after that ay nagpaalam na din ako. Sinabi ko sakanila na nagmemessage na sa akin mga kaibigan ko, they need a hand.
But that was a lie, ofcourse. Gusto ko lang umalis doon kasi nandoon din yung team ng basketball at inaasar nila ako doon sa isang lalake and I hate it.
Pumunta ako sa classroom namin, inaasahan na nandoon na sila Maloi pero pagdating ko dun ay si Gwen lang ang naabutan ko. Nilapitan ko sya para tanungin kung nakita na nya pero hindi daw. Hindi din sila nagsisipagreply sa mga messages namin.
Napagdesisyunan nalang namin ni Gwen na mag-ikot ulit.
Habang pababa kami ng hagdan ay may natanaw ako na isang pamilyar na lalaki sa classroom na nadaanan namin. Huminto pa ako para tignan kung tama ba ang nakita ko, may kasama syang babae pero nakatalikod iyon kaya hindi ko makilala.
Tama ba ako? Sya ba yun? Sana mali ako... bigla akong kinabahan.
"Miks, tara na. Parang alam ko na kung saan natin sila makikita." Sambit ni Gwen.
Naiiling nalang akong sumunod sakanya. Dinaanan pa namin si Jhoanna sa cafeteria, kumakain na mag-isa. Hindi na nahintay si Stacey.
Naglakad kami sa left side ng mga stall, doon kami dinala ni Gwen. Huminto kami sa tapat ng isang stall na kulay red at may nakalagay sa harap na 'Wanna see your future?'.
