Mikha's POV
Kasalanan 'to lahat ni Stacey. Kung hindi nya sinabi yun, hindi ko din dapat sasabihin yun kay Maloi. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sya haharapin kapag nagkita kami sa school.
Nakakahiya!
Napasapo nalang ako sa noo ko at marahang pinikit ang mata. Wala na rin naman akong magagawa dahil nangyari na, nasabi ko na.
"Mikha, warm up na daw sabi ni Coach." Pagtawag sakin ng ka-teammate ko. We have game today and I need to focus on that. We have to win this at sa mga susunod pang game namin para makaabot kami sa finals.
Ibabalik ko na sana ang phone ko pero bigla itong nag-ring. I saw Stacey's name on the screen kaya sinagot ko muna. Sumenyas lang ako kay Coach na may kakausapin lang ako sa phone, nakatingin kasi sya sakin, hinihintay na nila ako.
"Staks? Where are you na? Mag-start na ang game." Bungad ko sakanya while looking around the venue, hinahanap sya. But I couldn't find her.
She promised me na manunuod sya ngayon. Hindi na ako umaasa na masasama nya si Aiah dahil alam kong hindi sya pupunta. I just know.
"Sorry, Miks. Hindi ako makakapunta. Something came up kasi sa music club and Jho needs my help. But don't worry, I sent someone there to cheer you."
"Ha? Sino?"
"You'll see her and thank me later- Stakuuuu! Tara na dito." I heard Jhoanna's voice at the background. "Sige na, Miks. Goodluck sa game at sa date later."
"Wh-what-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil binaba na nya ang tawag. Kunot-noo akong napatingin sa paligid ko. Looking for someone na familiar sakin na pwede papuntahin ni Stacey tulad ng sinabi nya. Pero wala akong makita sa mga tao.
Lumapit na ako sa team ko nang tawagin nila ako ulit.
The game started. Nakakalamang kami ngayon sa kalaban namin at maganda ang kondisyon ng team namin. Nakikita ko na agad ang panalo namin ngayong 1st game.
Last set, lamang na lamang kami pero hindi pa rin dapat kami maging panatag dahil pwede pa nilang mahabol ang score at hindi maaari yun. So we did our best until the end of the game, we won.
Nagsipaghiyawan yung mga sumusuporta sa team namin at sobrang nakakawala ng kaba ang bawat cheer nila samin kanina while we're on the game.
Lumapit kaming lahat kay Coach ng tawagin nya kami para i-congratulate. Nagyaya pa syang kumain sa labas at treat nya.
"Ano, Mikha? G, ka ba?" Tanong sakin ni Perez.
"Ahmm..."
"Lim..." sasagot palang sana ako nang bigla namang may tumawag sakin. Boses palang kilala ko na kaya madali akong napalingon sa likuran ko and saw Maloi, smiling at me. Lumapit sya samin. "Congrats. Ang galing mo doon kanina." She said, punching my arm lightly.
"Thank you. Buti nakanuod ka?" Tanong ko sakanya at awkward na ngumiti.
"Ah, Stacey told me na may game ka ngayon. So I asked her if I could watch and she said yes. Sakto naman kasing may gagawin sila ni Jhoanna sa club kaya ako na ang pumunta to show you my support." She winked at me tapos kung ano-ano nang pang-aasar ang narinig ko mula sa mga ka-team ko.
"Oh, Coach. May sundo naman pala 'tong si Mikha eh. Tara na. Baka nakakaistorbo pa tayo." Panggagatong naman ni Belle, yung isa kong ka-team. Pinanlakihan ko sya ng mata para sawayin sya sa pang-aasar sakin dahil nakikisali na rin ang iba. Nang mapatingin naman ako kay Maloi ay parang nag-eenjoy pa sya sa nangyayari.