Maloi's POV
Sinabi na samin ng Coach namin na nakapasok kami doon sa event na sinalihan namin. Kaya excited kaming lahat para doon. Todo praktis na nga kami kahit medyo matagal-tagal pa ng kaonti yun.
Nasa training room kami ngayon. Halos 3 oras na rin kaming nagsasayaw at kumakanta pero hindi pa din namin maperfect.
Gusto ko na nga sanang magpahinga o umupo lang muna. Nakakahiya lang magsabi dahil yung iba ay nag-eeffort na maperfect namin yung ibang step.
"Aiah!" Lahat kami ay nagulat nang biglang sumigaw ang Coach namin. Napatingin pa kaming lahat kay Aiah na ngayon ay nakayuko at minamasahe ang batok nito. Halatang stress na dahil kanina pa sya nalilito sa step na ilang beses na naman naming inaaral.
Lumapit ng kaunti si Coach sakanya kaya napaatras kaming lima sa pwesto namin para bigyan sya ng way to Aiah.
"..kanina ka pa wala sa focus. Hindi ka nakakasabay sa mga kasama mo." Halata sa boses ni Coach Mickey ang pagpipigil ng galit, hinahabaan ang pasensya samin.
Tumango si Aiah at mariing pumikit bago nagtaas ng tingin kay Coach.
"Sorry, Coach. Sobrang dami lang iniisip ngayon." Mahinang sambit ni Aiah.
"Kung ano man yang iniisip mo, ilabas mo yan dito sa training room. Yung mga kasama mo ginagawa ang best para maperfect ang step habang ikaw ano? Sinasayang mo ang pagod nila."
Hindi kami makatingin kay Aiah. Sya kasi yung isa sa mga kilala kong soft hearted person. Konting galit lang sakanya umiiyak na sya at kahit sa anong sitwasyon ay mas pinipili nyang umintindi. Ayaw nya kasi yung nagiging pabigat sya sa iba. Pero ngayon ay iba, mukhang mabigat ang dinadala nya ngayon kaya iba ang itsura nya.
"Ahm, Coach..." nagsalita na si Jhoanna nang hindi na din sumasagot si Aiah. As a leader, kailangan nyang gampanan yun lalo na kung naapektuhan na ang grupo namin.
Tumingin si Coach Mickey sakanya at sa amin.
"We're very sorry, Coach. But I think, we need a rest too? Medyo naging busy lang kami sa academics namin lately at malapit na din kasi ang exam kaya nawawala kami sa focus pagdating sa pagsayaw." Paliwanag ni Jhoanna.
Bumuntong hininga naman si Coach Mickey bago muling balingan ng tingin si Aiah.
"I understand, girls. Aiah..." tumingin sakanya si Aiah, naluluha na. "..sorry and have a rest. Magpraktis tayo ulit after ng exam ninyo so you can focus sa pagsayaw. Malayo pa naman ang event...."
Pinaliwanag samin ni Coach samin ang side nya but in a good way, win-win kami.
Umalis si Coach. Naiwan lang kaming lahat na nakatayo. Pero hindi rin nakatiis si Sheena at Jhoanna, lumapit sila kay Aiah para yakapin sya. Sumunod din kami.
"Sorry, girls. Babawi ako next time. Ang dami ko lang talagang iniisip ngayon." She said, sobbing. Ayaw kong may nakikitang umiiyak sakanila. Pero minsan kailangan din natin yun para gumaan ang pakiramdam natin.
After class, dumiretso ako sa field kung saan ko hihintayin si Colet, my childhood friend. Nagtransfer sya dito sa school namin at ka-dorm nya pa sila Mikha.
Kinuha ko ang phone ko para panuorin yung sinend sakin ni Stacey na video kung saan kumakanta si Mikha. Medyo hininaan ko pa ang brightness ng ilaw ng phone ko. Gumamit din ako ng earphone para marinig ko maigi ang boses nya. Maingay kasi dito ngayon sa field dahil may mga estudyanteng naglalaro.