Mikha's POV
Second day ng School Festival pero heto ako ngayon, nakahiga pa din sa bed ko. Para akong walang lakas na bumangon at harapin si Aiah. I don't know how to act infront of her pagkatapos nyang sabihin sa akin yun.
Nagtaka ako.. bakit? Bakit kailangan nyang sabihin yun? At habang sinasabi nya sa akin yun ay kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagiging seryoso nya doon.. seryoso sya sa sinabi nya. Akala ko nga ay babawiin din nya pero hindi.. hindi na nangyari dahil bigla nalang syang umalis at iniwan akong tulala.
"Wala lang siguro yun.. tama. She was just joking.. right. Right." Umiling ako, pinapaniwala ang sarili kong wala lang yun.
"Miks.. nandito ka pa din? Akala ko umalis ka na." Napatingin ako kay Colet na bagong ligo lang. Nagpupunas pa sya ng buhok nya habang nakatapat sya sa salamin.
"Ah, I'm too lazy to go out." I sighed.
"Bakit? Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo bang dumito nalang din ako para samahan ka?"
Habang tumatagal ay nakikilala ko si Colet. She's caring to everyone, lalo na sa mga kaibigan namin. Nakikita ko kung paano sya mag-alaga ng iba.
Umupo ako sa bed ko. Gulo-gulo pa ang hindi kahabaan kong buhok. Tinignan ko sya, kumunot ang noo ko dahil parang mas may sakit pa sya tignan sa akin.
"Wala ka bang tulog? You look so stressed or bothered by something."
Ngumuso sya habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. No doubt, kahit kakatransfer nya palang dito sa amin ay marami ng nagkakagusto sakanya. She can pull both of girls and boys... like me daw sabi nila.
She sighed and by that alam ko na agad na mayroon syang problema.
"You want to talk about it? I'm all ears, Cole." I said, sounds so concern about her.
Tumingin sya sa akin. Iniisip siguro nya kung sasabihin ba o hindi.. but in the end, umupo sya sa bed nya na katapat ng akin, she then share her problem.
"Feeling ko kasi... may hindi sinasabi sa akin ang kaibigan ko. Ewan ko.. feeling ko lang. Ilang gabi ko ng iniisip yun eh. Hindi ako makatulog kakaisip doon. Alam mo yun? Kasama ko sya pero parang ang layo nya sa akin. Parang hindi na sya yung nakilala ko. Parang meron ng pumapagitan sa aming dalawa." She sighed. "..feeling ko pa pinagtatakpan pa sya ng iba. Ewan ko ba, Miks pero feeling ko meron na syang karelasyon ngayon."
"W-who?"
"Maloi."
I bit my lower lip, looking away from her. I felt guilty kasi.
"Alam mo yung sobrang mahalaga sya sa akin at ayaw ko syang ma-involve sa kahit na anong bagay na alam kong hindi pa sya ready. Si Maloi yun eh, sya yung tipo ng tao na gagawin ang lahat para sa pangarap nya and she has this dream to become an Artist. She loves to paint and I don't want her to ruin her dream just because of someone na pwede syang saktan. Kaya I will do everything to protect her kahit ako na yung maalangain."
"Colet..."
I called her when I noticed a tears running down on her cheeks.
Bigla akong nilamon ng guilt. Pero bakit? Bakit ko nararamdaman yun? Wala akong ginagawang mali at wala naman akong balak na saktan si Maloi.. tutulungan ko din syang tuparin ang pangarap nya na yun.
Colet.
The one who treasured Maloi so much. The one who's willing to do everything to protect her in any possible way. I understand her tears.. the pain in her eyes. Naiintindihan ko dahil alam kong mahalaga sakanya si Maloi at nagi-guilty ako dahil sa akin nya sinabi ang mga ito.. bakit pa kasi ako nagtanong? Bakit?