Mikha's POV
"Ahm, girls? The girls wants to have dinner with us tonight. G, ba kayo?" Tanong ni Aiah na katatapos lang maligo, nagpupunas pa ng basa nyang buhok.
"Nagmessage nga si Jhoanna sakin at umo-o ako." Sagot naman ni Stacey na abala sa panunuod sa phone nya. Hindi na nga din sya nag-abalang tumingin kay Aiah.
"Nakareceived din ako ng chat galing kay Sheena." Sagot din naman ni Colet na nakikinuod lang kay Stacey. Halos magkapalit na nga sila ng mukha sa sobrang lapit nila sa isa't-isa.
Pero tumigil sa panunuod si Stacey at hinarap ako.
"Ikaw ba, Miks?"
Umiling ako.
"Bakit hindi mo i-check? Baka nagchat na din sayo yun." Nginisian nya ako at bakas pa sa tono ang pang-aasar nya.
"Shut up, Staks..." I couldn't help but to blush. I don't know why pero ang lakas talaga mang-asar kasi ni Stacey eh.
Kinuha ko yung phone ko para icheck kung may message sya at meron nga.
From: Maloi🐼
'Punta kami dyan sa dorm nyo mamayang dinner. Magrereview na din tayo ng sabay-sabay. I miss you.'
Mas lalo ata akong namula dahil sa huling sinabi nya sa chat nya.
She miss me? Well, I miss her too. Dahil nga weekend ngayon ay walang lumalabas samin ng dorm. Nandito kaming lahat para magreview para sa darating na exam. Wala ng lumabas samin para pumuntang library kasi hiniram na namin yung mga books na kailangan namin.
Habang nagta-type ako ng reply sakanya ay napansin kong nakatingin sakin si Stacey. Yung tinging makahulugan, alam ko na ang iniisip nyan... sino ba naman ang hindi mapapatingin sakin eh nakangiti ako habang nagpo-phone.
And I know, hindi na mawawala 'tong ngiti na ito hanggang mamaya dahil kausap ko sa chat si Maloi. Huwag lang sana mabasa ni Stacey ang conversation namin dahil sigurado anong walang humpay na naman ang pang-aasar nya sakin and I hate it. Kasi hindi ko alam paano ako makakabawi sakanya.
Argh!
After dinner namin ay nagkanya-kanya na kami ng upo sa floor. Naglagay din si Aiah ng maliit na table sa gitna na kakasya kaming lahat. Sila Gwen at Sheena ay sa bed na pumwesto. Magkatabi si Jhoanna at Stacey, di ko nga alam bakit sila ang magkatabi eh magkaiba naman sila ng rereview-hin. Nasa kabilang dulo naman ng table si Aiah at sa kabilang dulo ako. Katapat nila Jho sila Maloi at Colet.
Nakakainis nga lang kasi doon dapat ako pupwesto sa tabi ni Maloi, kaso biglang sumingit itong si Colet kaya wala na akong nagawa nung sabihin ni Aiah na sa kabilang side na ako ng table. Umupo ako doon at bumuntong hininga habang nakatingin sakanilang dalawa. Sila na nga ang magkatabi sa dinner hanggang sa review sila pa din.
Hindi ako makapag-focus sa binabasa ko. Naririnig ko kasing nag-uusap sila Maloi at Colet. May tinatanong yata si Colet sakanya at sa tuwing titingin ako ay nakikita kong magkalapit pa ang mukha nila habang may binabasa sa notebook si Maloi.
"Uyab..." pagtawag ni Colet kay Maloi.
Tinanong ko si Stacey kung anong ibig sabihin nun, hindi nya din alam kaya tinanong naman nya si Aiah. Kasintahan, girlfriend o boyfriend daw ng ibig sabihin.
Simula nang malaman ko ang ibig sabihin ng tawag nya kay Maloi ay ayaw ko ng naririnig yun. Pero wala naman akong magagawa kung hindi hayaan sila.
"Thank you, Uyab." Nakita ko pa kung paanong ngitian ni Colet si Maloi, tapos saktong tumingin din sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin sakanila.