Epilogue

1.1K 28 9
                                    

Lahat ay nabigla sa biglaang pagpapakasal nina Lirio at Angelo. Wala sa hinagap ng mga ito na ang dating kasintahan ni Gabriel ay magpapakasal sa mismong kapatid nito. Ngunit nabigla man ang mga ito, hindi rin maikakaila ang kasiyahan sa pangyayaring iyon.

Kulang na lang ay umapaw ang tao sa La Parilla Hotel. Sina Marcial at Sophia ang may kagustuhang sa Cabanatuan ganapin ang kasal. At si Angelo ay parang batang sumusunod sa bawat suhestiyon ng mga magulang. Walang importante rito kung hindi ang makasal sila ni Lirio.

Knowing Sophia, hindi rin naman ito papayag na mapahiya ang mga Romero, kung kaya't halos perpekto ang ginanap na okasyon.

"I love you, darling," bulong sa kanya ni Angelo. Ginagap nito ang kanyang palad saka masuyong pinisil.

"I love you, too," ganti niya.

Hindi na niya matandaan kung ilang beses nang nagpalitan sila ng mga salitang iyon. They were on their way to Baguio. Pansamantala ay doon muna nila idadaos ang kanilang honeymoon habang inaayos ang kanilang mga papeles para makapunta sila sa France.

"Hindi mo ba itatanong sa akin kung saan ko dinala ang dalawang milyon?" tanong niya.

Nagtataka siyang kahit kailan ay hindi nito binanggit ang tungkol doon.

"Wala na sa account ko iyon. According to my accountant, it was encashed long ago," bale-walang tugon nito.

"I encashed it myself nang tanggihan ni Gabriel. I tried to give him the cheque ngunit ayaw niya. Sa halip, inilagak ko iyon sa bangko. Kung magkano na ang interes noon ngayon ay hindi ko na alam. Hindi pa ako bumalik sa bangko mula noon."

"Paano nasangkot si Gabriel?" nagtatakang tanong nito.

Sinabi niya. "My plan is to give the money to them pagdating ng panahon. Wala akong balak na gastahin ang pera. Ever since, hindi ko iyon kinonsiderang akin."

"Then consider that yours now. Huwag mo nang intindihin si Gabriel. Ibinigay ko na sa kanya ang karapatang pamahalaan ang sarili niyang pera."

"Pero—"

"Come on, darling. Why are we talking about such things? Aren't we supposed to exchange sweet nothings?" malambing na wika nito.

Napangiti siya. "I didn't forget."

Nag-echo ang tawa nito. "Oh, yes! Nobody is forgetting."

"As long as we live."

"As long as we breathe."


Wakas

Hating, Loving Each Other - Jasmine EsperanzaWhere stories live. Discover now