Chapter 9

742 16 1
                                    

Nagsimulang mag-panic si Lirio nang magsimulang humakbang si Angelo papalapit sa kanya. Magkahalo ang takot at pangamba na naramdaman niya. Walang paraan para malaman nito ang kalagayan niya. Wala siyang pinagsabihan maliban kay Mabel. At lalong imposibleng makabalita ito mula sa mga kasamahan niya sa flower shop.

Lumalakad ito ay mapag-obserba ang mga matang iginala sa paligid. Huminto ito taglay ang buong tiwala sa sarili ilang distansya mula sa kanya.

"Maganda itong lugar mo. I should expect it," sa huli ay may kasamang uyam na wika nito.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" agad niyang ulos.

Sa dibdib niya ay hindi maipaliwanag ang waring pagtambol ng tibok ng kanyang puso. Ang tanging konsolasyon niya ay hindi pa halata ang umbok ng kanyang tiyan.

Matabang itong ngumiti. Mabilis na hinagod ng tingin ang kabuuan ng kanyang mukha bago biglang yumuko at hinagkan ang kanyang mga labi. "Depende iyon kung ano ang mapapala ko rito." Bahagyang bumuway ang tinig nito.

Nalukot ang kanyang ilong nang malanghap ang amoy nito. Gaya ng dati ay masarap sa pang-amoy ang suwabeng pabango nito ngunit mas higit na naamoy niya ang amoy-alak na hininga nito.

Minasdan niya itong mabuti. Namumungay ang mga mata.

"Lasing ka," aniya at umatras ng isang hakbang.

"Oh, no. Nakainom lang," bale-walang sabi nito. "Uminom ako because I want to forget the cold bitch I had the misfortune to meet."

Gumapang ang pamumula sa kanyang mukha.

"Nagpunta ka ba rito para insultuhin ako?"

"Nagpunta ako rito para kumustahin ka. Hindi mo ba ako patutuluyin?" Ikinilos nito ang isang paa para pumasok.

Hindi niya alam kung tamang papasukin ito, ngunit nagbigay din siya ng daan. Parang inspektor itong iginala muna ang paningin sa kabuuan ng sala. Mula sa pagkakasabit ng kurtina hanggang sa flower vase na nasa isang sulok bago prenteng naupo.

"You look terrible," pahayag nito.

Nanatili siyang nakatayo. Ang kamay niya ay tila napagkit sa doorknob at hindi bumibitiw roon. "Ano naman ang pakialam mo kung ano man ang itsura ko ngayon?" mataray na sabi niya.

Pero tama ito. Mula sa maghapong pagtatrabaho, talagang masama na ang anyo niya, idagdag pa ang hirap na dinanas sa pagko-commute.

"Matalas pa rin ang dila mo," anito.

Napahugot siya ng malalim na paghinga. "Ano nga ang dahilan kung bakit ka naririto? Paano mo nalamang dito ako nakatira?"

"Sinabi ko na kanina, gusto kong kumustahin ka. Seeing you now, hindi ko alam kung dapat na mapalagay ang loob ko. I can pinpoint what it is but I feel there's something wrong somewhere. Why don't you seat?" Nilingon nito ang bakanteng sofa.

Kumilos siya para maupo. Sa paghakbang niya ay naramdaman niyang bahagyang nangalog ang kanyang mga tuhod. It was probably because of the tension. At naiinis siya dahil hindi naman siya dapat matensyon, ay iyon ang nararamdaman niya.

"Gusto mo ng kape?" tanong niya nang makarating sa likuran ng silya. Ang dalawang kamay ay inihawak sa sandalan na tila roon kumukuha ng suporta.

"Hindi ko kailangan ng kape," magaspang na sagot nito. "You know what I want. You!"

Gusto niyang kilabutan sa narinig. Sinabi iyon ni Angelo sa paraang tila daing. At nais magmakaawa. Had she caused him pain? Ngunit kagaya ng ibang bagay, imposible iyon. Imposibleng napaibig ito sa kanya.

Napaibig? Muntik na niyang ikatumba ang naisip. At bago pa niya napagtagumpayang burahin iyon sa isip ay sumabay naman ang realisasyong iniibig niya ito.

Hating, Loving Each Other - Jasmine EsperanzaWhere stories live. Discover now