Chapter 23
Nang matapos akong kumain ay si nanay dulce agad ang hinanap ko.
Sabi niya ay nasa garden lang daw siya, ngunit ng magpunta naman ako dun ay wala ni isang bakas niya ang nakita ko."Nanay dulce!" Hiyaw ko sa malawak na garden ng masyon.
Baka naman kasi ay hindi ko lang siya makita dahil sa lawak ng hardin, baka may sulok-sulok pa ang garden na hindi ko alam.
"Asan na ba si nanay?" Tanong ko sa sarili.
Halos kalahating oras na akong naglilibot dito sa garden, masyadong malawak ang lugar na ito. Hindi nadin ako magtataka dahil malawak ang lupain.
Naliligaw na yata ako!
Ilang oras ko ng hinahanap ang daan palabas ngunit wala akong makita.
Nagsisimula ng manubig ang mga mata ko, wala akong kahit na anong dalang cellphone sa akin. Ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad hanggang sa makarinig ako ng lagaslas ng tubig.Bakit naman kasi parang gitna ng gubat nakatayo ang mansyon nila Hercules?, totoo iyon dahil halos puro puno ang nakipalibot sa mansyon, para bang pinoprotektahan ang mansyon na ito.
Isang tumpok ng halaman ang bumungad sa akin, rinig ko ang paglagaslas ng tubig sa kabilang dako ng mga halaman.
Kahit walang kasiguradohan ay inalis ko ang mga halaman na nakaharang.
Baka hanapin ako ni Hercules lalo na at halos kalahating oras na akong nawawala. Hindi ko naman kasalanan iyon! Kasi gusto kong kasama si nanay dulce!"Ay hala!" Napasinghap ako ng tumambad sa akin ang isang ilog.
Sobrang ganda ng ilog na ito, malinaw ang tubig at talaga namang tago,ngunit ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang kubo or treehouse na nasa tabi nito, hindi pa yata ito tapos, dahil mukang may ikakabit pa na parang christmas light, ngunit halos buo naman na ang kubo.
Naglakad ako palapit sa may kubo sakali mang may tao rito ay puwede kong hiningan ng tulong.
"Tao po!? Tao po!" Paulit-ulit kong sigaw.
Bumagsak ang mga balikat ko ng wala akong narinig o nakitang tao sa loob. Mukang dito ako magpapalipas ng gabi sakali mang hindi ako mahanap nila Hercules.
Pagod akong umupo sa may tabi ng kubo, meron itong silungan sa gilid na pwede kong pagsilungan.
"Asan naba sila? Natatakot na ako" mahinang bulong ko.
Halos maghigit isang oras at kalahati na akong nandito ngunit parang walang nakakapansin sa akin, nakakainis! Hindi man lang napansin ni Hercules ang pagkawala ko.
"Baby!!! Yieshin!" Napatayo ako ng marinig ang sigaw na nagmumula sa kabilang parte ng mga halaman.
"Hercules tulong!! Nandito ako sa kabilaa!" Sigaw ko naman pabalik.
Umihip ang malakas na hangin at nilipad ang nga piraso ng aking buhok.
Napayakap din ako sa aking sarili ng maramdaman ang lamig ng hangin.
Hindi pa naman gabi ngunit sigurado akong tanghalian na."Bakit nandyan ka?!" Sigaw niya pabalik.
Napaatrass ako ng marinig ko ang marahas na pagputol sa mga halaman.
Hanggang sa bumungad sa akin ang lalaking pawis na pawis at marahas na nagtataas baba ang dibdib dahil sa marahas na paghinga."Fvck! You scaried the fvck out of me!" Malutong na mura nito ng mahigit niya ang siko ko palapit sakaniya saka ako mahigpit na niyakap.
"Sorry!...sorry" naiiyak na sabi ko habang nakakulong sa kaniyang mga bisig.
Maya-maya lang ay kumalas na din siya sa yakap kaniyang pagkakayakap sa akin, hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi.
"Bakit umalis ka sa mansyon?, may masakit ba sayo? , tell me what happen" napatitig ako sa berde niyang mga mata, puno ng pagaalala itong nakatingin sa akin na para bang pag sinabi ko sa kaniyang may masakit sa akin ay agad niya akong dadalhin sa hospital.
YOU ARE READING
Ruthless Biggest Mistake (Modern Asshole Series: 1)
RomanceHercules is a young billionere who always called a ruthless beast, and yieshin villa torres is a collage girl who's never been in a relationship before. Hercules was stuck on her past great love, his love for astrid is infinite not until he met a g...