Chapter 24
"Ikaw hija...buntis kaba?" Agad akong nagulantang sa sinabi ni nanay dulce.
Agad akong nagii-iling sa harap ni nanay dulce habang nanlalaki ang mga mata, hindi ko aakalain na ganito ang iisipin niya. Gusto ko lang talagang kumain ng rambutan at wala ng ibig sabihin pa nuon.
"Nako! Hindi po nay! Ano po ba ang iniisip niyo?" Namula ng husto ang aking muka.
"Ano hija! Sa ikinikilos mo pa lamang ay nahahalata ko na" ani pa nito nahalos ikalaglag ng panga ko.
Umiling si nanay dulce bago ako hatakin sa pala-pulsuhan. Sumakay kami ng trycicle ngunit hindi ko alam kung saan kami patungo.
Hanggang sa huminto kami sa isang pharmacy malapit lang din sa palengke na pinagbilhan namin. Kaba at takot ang namayani sa aking puso ng bumili si nanay dulce pregnancy test, tatlo iyon kaya naman kung ano talaga ang magiging resulta ay wala na akong takas.
"Ito oh, subukan mona dali! Balitaan mo ako kung ano ang resulta!" Mukang mas ganado pa si nanay dulce sa akin
Kabado ako habang hawak ang pt na sinubukan ko, kagat-kagat ko ang aking daliri habang inaantay ang resulta.
"Oh my god!" Agad akong napaiyak ng makita ang resulta ng pt.
Positive.... Buntis ako..
Naluluha akong napahawak sa aking sinapupunan, paano na ito? Hindi ko alam kung matatanggap ba ni Hercules ang anak ko. Iba-iba ang emosyon na bumabalot sa akin, pinaghalong takot, pangamba, at tuwa.
Muli ko pang sinubukan ang mga pt na hindi pa nagagamit, pero lahat ng iyon ay iisa lang ang resulta, positive.
Umiiyak na lumabas ako sa cr kung saan ko sinubukan ang mga pt.
Bumungad sa akin si nanay dulce na palakad-lakad na tila ba hindi mapakali.Nang mapansin ang paglabas ko ay agad niya akong sinalubong na may pagtatanong na tingin.
Inilahad ko sakaniya ang pregnancy test na hawak ko " opo nay buntis po ko" umiiyak na saad ko.
"Jusko!" Hinila ako ni nanay dulce sa isang yakap. Kapwa kaming luhaan dahil sa balitang nakalap.
Matamlay ako habang binabaybay namin ang pabalik sa manyon, hindi ko alam kung kailan ko maaring sabihin kay Hercules ang pagbubuntis ko pero alam kong hindi pa ngayon ang tamang panahon.
Pagapak pa lamang ng mga paa ko sa loob ng mansyon ay agad na sumalubong ng yakap si Hercules sa akin.
"Baby, Why are so pale? You cried, aren't you?" Agad akong napatingin sa kaniya.
Deserve niyang maging tatay, pero hindi pa ngayon ang tamang panahon para sabihin sa kaniya. Hindi ngayon na magulo pa ang isip ko.
"Wala...naiyak lang ako kanina sa nakita namin ni nanay dulce" agad akong binigyan ng makahulugang tingin ni nanay dulce.
Muling nabalik ang atensyon ko sakaniya ng halikan ako nito sa sentido.
"You should rest, maybe your just tired" ngumiti ito sa akin bago ako hawak sa baywang, gaya ng nakagawian ay itinaas baba niya ito sa aking likod.
"Gigisingin nalang kita kapag luto na ang pagkain hmm" panibagong halik nanaman ang binigay niya sa akin.
Pagpasok sa aming kuwarto ay agad ako napaupo sa panghihina, hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako na baka hindi matanggap ni Hercules Ang anak ko. Ano-ano ang pumapasok sa isip ko hanggang sa dalawin ako ng antok.
Nagising ako sa hindi mapaliwanag na pakiramdam, hinahakot ang sikmura ko pataas habang tila pinipaikot ang paningin ko.
Agad ako tumakbo papunta sa bathroom at duon sumuka.
Suka lamang ako ng suka ngunit puros tubig lamang ang lumalabas.Napatingin ako sa salamin, isa siguro ito sa sintomas ng pagbubuntis?
Hindi kona alam ang gagawin ko.Dineretso ko na ng ligo iyon bago lumabas ng kuwarto, ngayon yata kami uuwi ni Hercules, sabi niya ay kailangan nadaw naming umuwi dahil may emergency daw sa companya.
"Baby come here!" Pagbaba ko pa lamang ng hagdan ay boses agad ni Hercules ang sumalubong sakin.
"Kumain kana, maya maya ay aalis na din tayo" tango lamang ang sinagot ko dahil wala akong gana ngayong araw,siguro ay dala narin ng pagbubuntis.
"Ano bayan ng baho!" Agad akong napareklamo ng maamoy ang hindi ka aya-ayang amoy ng tucino.
"Baby, ayos ka lang ba?" Takang-taka si hercules sa mga ikinikilos ko, kung ako ang nasakalagayan niya at wala akong kaide-ideyang buntis ang asawa ko ay ganyan din ang magiging reaksyon ko.
"Wala , siguro ay masama lang ang gising ko" agad akong umiwas ng tingin ng titigan ako nito, sinusukat kung totoo nga ba ang sinabi kong dahilan.
Tahimik kaming dalawa hanggang sa matapos kaming kumain, agad niya akong pinaghanda dahil luluwas na kami pa-maynila.
"Wala ka nabang naiwan?" Muling tanong ni Hercules ng makapasok ako sa kotse.
"Wala naman na, lahat ng gamit natin ay hinanda kona" tipid na saad ko sakaniya na siyang ikinatango.
Nakatulog ako sa byahe, ni hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa mansyon.
"Ang haba ng tulog mo, hindi kaba nagugutom? Gusto mo magluto ako?" Tanong ni Hercules sa akin.
Tska ko lamang naramdaman ng gutom ng banggitin niya iyon, masyado nga sigurong mahaba ang naitulog ko kaya pati ang pananghalian ay nalagpasan kona.
"Sige magluto ka nalang, gusto ko sana iyong bicol express" halos mag laway ako habang sinasabi iyon.gusto ko sanang si nanay dulce ang magluto, ngunit halos dalawang araw lang ang itinagal namin duon dahil nga sa nagkaroonng emergency sa kanilang companiya, dapat sana ay isang linggo iyon.
"Pero maanghang iyon baby" tila nagaalangan pang sabi niya.
Iyon nga ang gusto ko dun, gusto ko ng maanghang kaya bicol express ang pinaluto ko."Iyon nga ang gusto ko eh,iyong maanghang para masarap" umalakpak pa ako habang iniimagine ang anghang at gata ng putaheng iyon.
Wala naman nagawa si Hercules kundi
ang sundin ang hinihiling ko. pagkapasok pa lamang namin sa mansyon ay pinilit ko agad si Hercules na magluto. Kamot batok naman itong sumunod sa akin.Nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng movie, tawang-tawa ako duon sa comedy movie na pinapanood ko.
"Baby handa na ang pagkain, halika na" isang malambing na boses ang nagpalingon sakin.
Si hercules iyon habang hawak ang sandok, wala itong pangitaas ngunit may suot na apron. Agad akong napalunok dahil sa ganda ng kaniyang katawan, minumura ako ng mg mascle niya sa braso't makikisig niyang likod.
Mukang mas masarap ang view ah.Agad akong nagiiling sa iniisip, pati ba naman ang asawa ko ay pagpapantasyahan ko.
Pagpunta sa dinning ay agad na umalingasaw ang bango ng bicol express, wala sa sarili akong umupo at nagsandok ng kanin. Pareho kong sinandokan ng kanin ang plato namin ni Hercules na ngayon ay walang imik na pinapanood ang mga kilos ko.
Tahimik akong kumakain habang malalim ang iniisip, siguro ay magtatanong muna ako.
"Hercules..." Tawag ko sakaniya ngunit hindi naalis ang paningin sa pagkain.
"Hmm?" Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin ngunit hindi ko magawang tingnan siya pabalik.
"Gusto mo bang magkaanak?" Tanong ko sakaniya, kung kanina at hindi ko masalubong ang mga tingin niya ngayon naman ay ako na ang tumitig sakaniya, taka lamang itong nakatingin sa akin.
"Syempre gusto, pero siguro...hindi muna sa ngayon. Hindi pa tayo handa" duon tuluyang nanlamig ang buong katawan ko, hindi pa siya handa para dito. Takot at pangamba ang bumalot sa aking buong sistema. Paano na ito ngayon? Ano nanggagawin ko?
YOU ARE READING
Ruthless Biggest Mistake (Modern Asshole Series: 1)
RomanceHercules is a young billionere who always called a ruthless beast, and yieshin villa torres is a collage girl who's never been in a relationship before. Hercules was stuck on her past great love, his love for astrid is infinite not until he met a g...