Chapter 22
" Sa wakas naman ay nakarating na kayo rito hijo! Nako ang laki-laki mona!" Hiyaw ng isang matanda habang lakad-takbong papunta sa dereksyon naming mag-asawa.
Sinabi kasi sa akin ni Hercules na gusto daw niya akong ipakilala sa kaniyang inahin, gusto din niyang dito na lamang kami manatili para sa pasko at bagong taon. Masaya ko naman ako dahil kahit papaano ay may makakasama kaming dalawa para sa mga okasyon na iyon.
Nandito kami sa hacienda kung saan lumaki si Hercules, probinsya ito at pagmamay-ari nila ang lupain na pinatayuan ng malaking mansyon.
" Nako! Mukang pagod kayo sa byahe! Hali kayo nagluto ako para sa gabihan" napangiti ako sa inaasal ng inahin ni Hercules, masyado itong maalaga at kung titignan ay talaga naman masasabi mo agad na mabait ito.
Akmang maglalakad na ako papasok ng mansyon ng pigilan ako ni Hercules.
"Wait for me, sabay tayo" tipid na sabi niya.
Bitbit niya ang gamit namin dalawa kaya naman medyo nabagalan kami sa pagpasok sa mansyon, nagprisenta akong tumulong sa kaniya ngunit sermon lang naman ang inabot ko.
Pagkapasok sa mansyon ay agad na nagpaalam ni Hercules na dadalhin daw muna niya ang mga gamit namin sa kuwarto."Ikaw ba ang asawa ng apo ko?" Tanong ng inahin ng asawa ko.
Napatingin ako sa kaniya, kamuntikan pa akong matawa dahil sa nakasimangot niyang muka.
Inirapan pa ako nito kay naman hindi kona napigilan pa ang pagtawa."Eh anong tinatawa mo dyan?! May kaagaw nanaman ako sa apo ko!" Mas bumusangot pa siya.
Naglakad ako patungo sa kaniyang dereksyon upang magmano, nakakawalang respeto naman kasi kung bigla bigla ko nalang siyang sasagutin.
"Ah hindi naman po, huwag po kayong magalala sabi po ni Hercules ay na-miss niya na daw po kayo, kaya dito niya napiling mag-celebrate ng pasko" napangiti ako ng ngumiti ang matanda sa akin.
"Masyado ka naman mabait iha! Ang swerte ng apo ko!" Napatawa ako sa kaniyang sinabi.
Matanda na talaga ito at sapalagay ko ay nasa 50's na siya dahil may puti na siyang buhok.
"Eh anong naman pangalan mo? " Hinatak ako nito papunta sa may kusina.
"Yieshin mo nanay" tugon ko.
"Eh kagandang pangalan naman ay!" Nakatalikod ito sa akin at may kung anong ginagawa.
Nakaupo lang ako sa isa s mga upuan at hinihintay na matapos ang matanda sa kaniyang ginagawa. Pagharap niya sa akin ay may hawak na itong isang slice cake, cookies at cupcake na nasa isang plato may hawak pa siyang isang baso ng gatas. Mukang maalagaan ako ng maayos ni nanay dito.
"Kayo po ba? Ano pong pangalan niyo" tanong ko habang nilalantakan ang pagkain na binigay niya.
"Tawagin mo na lamang akong nanay dulce" pati siya ay kumakain din, dalawa kasing plato ang kaniyang dala ganuon din sa gatas.
"Matagal ko ng inaalagaan yang si Hercules, ngunit hindi ko pa siyang nakitang ganito ka saya" nabigla ako ng magsalita siya.
"Po?"
"Mula pagkabata hanggang sa paglaki niya ay walang gumabay sa kaniya, masyado pa siyang bata ng mamatay ang kaniyang ina at ang kaniyang ama naman ay laging lasing na umuuwi o kaya naman ay laging wala" panimula niya.
Tahimik lang naman akong nakikinig sa kaniyang mga saloobin. Ang sarap pala sa feeling ng may lola ka ano? Ni minsan ay hindi ko ito naranasan pero hindi ko maiitatanggi na ang gaan sa loob ng may gumagabay sa iyo.
"Ang kapatid niyang si eugene ay umalis sa puder ng kaniyang ama, hindi na kasi nito kinaya ang lahat ng ginagawa ng kaniyang ama" bumahid ang lungkot sa mga mata ng matanda.
Eugene? Kapangalan ng kaibigan kong missing in action, pero hindi ko alam na may kapatid pa pala si hercules?.
"Pero alam mo ba, tatlo talaga silang magkakapatid. Si hercules ang panganay, si helios ang pangalawa at si eugene" sabi pa nito.
"Pero ang alam namin ay nakidnap si Helios ngunit hindi namin alam kung namatay ba o hindi, hindi na kasi ito binabanggit ng kanilang ama. Pero alam mo ba iha na hecxus ang totoo pangalan ni eugene? Pinalitan niya ito sa labis na galit niya sa kaniyang ama"
Ewan ko ba! Napaka-dami kong nalalaman tungkol sa pamilya ni Hercules sa dahil sa kaniya."Nana, kaylangan niyo na pong matulog" napalingon kaming pareho ni nanay dulce sa may pinto ng kusina ng magsalita si Hercules na kararating lamang sa may kusina.
" Ay Oo nga ano? Kay maaga pa akong maghihintay ng taho dyan sa may kanto!" Natawa ako dahil sa kagiliwan ng matanda at paniguradong mahilig ito sa taho, halos sabay pa kaming tumayo para salubungin si Hercules.
"Ay sige iha! Bukas nalang ulit" saka ito tuluyang umakyat para pumasok sa kaniyang kuwarto.
Napalingon ako kay hercules ng yapusin niya ng aking baywang at mahigpit itong niyakap.
"Mukang natuwa ka sa paguusap ninyo ni nana dulce hah?" Mapanuksong saad niya habang paulit-ulit na pinapatakan ng halik ang aking balikat.
"Oo, ang saya kausap ni nanay dulce" nakangiting saad ko pa.
"Tapos ka na bang kumain?" Napatingin ako sa aking kinakain kanina.
Ewan ko kung bakit bigla na lamang akong nawalan ng ganang kumain ng hindi ko na kasabay si nana dulce.
Umiling ako kay Hercules tanda na tapos na akong kumain."Pagod ka na ba? Gusto mo ng matulog?" Ramdam din pala niya ang pagod ko.
Masyado kasing mahaba ang byahe namin gawa ng probinsya ito. Dagdag pa na hindi ako maayos na nakatulog sa gabi dahil gusto ko pang kakwentuhan si hercules.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising ngunit kahit na anong aga kong nagising ay mas maaga pa din sa akin si nanay dulce.
"Oh iha! Naku tamang-tama kakabili ko lang ng taho! Halika dito at kumain kana" pagaasikaso sa akin ng matanda
Agad kong nilibot ang aking paningin, wala si hercules sa kuwarto namin kanina kaya expected kong nandito siya pero wala.
"Nay nakita niyo po ba si Hercules?" Tanong ko.
"Ay nako! Maagang umalis iyon! Magsisibak daw siya ng kahoy! Ay ewan dun sa batang iyon gusto ba naman magtayo ng kubo sa tabi ng ilog!" Pareho kaming natawa ni nanay sa kalokohan ng asawa ko.
Pero bakit nga ba niya gustong magtayo nun? Siguro ay tatanongin ko nalang siya mamaya kapagdating niya.
"Sige kumain kana lamang diyan hah! Kapag kaylangan mo ako nandiyan lamang ako sa may garden!" Sigaw ni nanay dulce habang hawak ang malaking baso ng taho.
Napailing nalamang ako bago nagpatuloy sa pagkain,mas masarap palang gumising sa umaga kapag may nagaasikaso sa iyo ano? Parang gusto ko nalang tuloy katabi si nanay dulce palagi.
YOU ARE READING
Ruthless Biggest Mistake (Modern Asshole Series: 1)
RomansHercules is a young billionere who always called a ruthless beast, and yieshin villa torres is a collage girl who's never been in a relationship before. Hercules was stuck on her past great love, his love for astrid is infinite not until he met a g...