Mahirap bigkasin, at mahirap gawin,
Kahit na pilitin ’di mailahad ang damdamin,
Wari'y gusto mapansin, o maging alipin,
'di kayang tuklasin bagkus ako'y isang gamo-gamo sa hardin.Mga mata mo ay nakatingin na sa iba,
Habang ako ay di man lang mahalata,
'di matukoy o hindi lang naiiba,
Sapagkat sa iyong mata'y ordinaryo lang talaga.Hinahangad na 'yong mga mata ay mamulat,
Sinisikap ko naman na maging isang alitaptap,
Binabalak ko kasi na saiyo na magpasikat,
Bagkus anong gawin 'di man lang mahagilap.Gusto ko maging rosas o paro-paro sa hardin,
Para oras-oras mo akong mapansin,
Hindi ba at ako'y nahihibang na nga rin,
Ako'y isang gamo-gamong ninais mapansin.
❗Plagiarism is a crime.
❗Please don't copy my works.
YOU ARE READING
My Precious Poems
PoetryThis is my compilation poem that I created. I hope you have time to read my works. Thank you 😊