Hiram

10 2 1
                                    

Masama bang tanawin,
Ang mga masasayang nakaraan natin,
Alam kong kay hirap itong balik-balikan,
Lalo't sariwa pa ito sa aking isipan.

Maaari ko bang hiramin,
Ang iyong mga matang puno ng ningning,
Pahiram ako kahit sandali lang,
upang makita ko ang katotohanan.

Pahiram ako ng iyong mga ngiti,
na namumutawi sa iyong mga labi,
Pahiram ako,
Kahit sandali.

Pahiram naman ako,
Ng malalambot mong mga kamay,
Nais ko lang naman itong hawakan,
at ako'y iyong alalayan,
sa haharapin kong bagong buhay.

Pahiram ako,
Ng laman ng iyong isipan,
Baka sakaling ika'y aking makalimutan,
kahit man lang panandalian.

Pahiram ako ng puso mo,
Na nabuo na ng iba,
Habang ako'y
durog na durog pa.

Pahiram ako ng iyong kabuuan,
Nais ko sana itong yakapin ng matagal,
at iparamdam sayo ang aking pagmamahal,
Na aking isinugal.

Pahiram ako ng iyong tainga,
Nais ko lang ibulong sana,
Mahal kita,
Pero...
pinapalaya na kita.



❗Plagiarism is a crime.
❗Please don't copy my works.

My Precious Poems Where stories live. Discover now